Hindi ko na pinansin si Scarlet at tumalikod na ulit ako sa kanila kahit pa naghuhurumintado na ito. Basta hindi nya lang matagalan ang presensya ng dalawang malapit sa kanya. Ipinagpatuloy nya ang naudlot nyang pagkain dahil talagang nagugutom narin sya. Ayaw din nyang sayangin ang effort ni Chris na ipinagluto pa sya ng masarap na agahan. Napapaisip din naman ako. Bakit pati itong babaeng ito ay galit na galit din saken, sa pagkakatanda ko naman ay wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Or maybe dahil kay Johann na pineste ko raw ang buhay. Aishh! Ayoko na ngang mag isip. Dali dali na nyang tinapos ang pagkain nya. Sa pagmamadali nya ah kamuntikan pa syang mabulunan, mabuti nalang at maagap si Chris na binigyan sya agad ng tubig. Nagmamadali namang ininom nya agad ang isang basong

