Habang nakasakay si Janelle sa kotse ng hindi nya kilalang matanda ay parang sinisilihan ang pwet nito at hindi ito mapakali dahil sa hindi magandang tingin na ipinupukol ng matanda sa kanya. Kinakabahan tuloy sya pero hindi nya iyon ipinapahalata sa matanda. Kung bakit ba naman kasi hindi muna sya nag isip kanina bago sumakay kanina pero masisisi ko ba ang sarili kung puro takot lang ang nararamdaman ko kanina. Sa hindi kalayuan ay nagkaroon ng mumunting pag asa si Janelle dahil natatanaw na nya ang highway. Sa wakas ay makakaalis na sya ng tuluyan sa liblib na lugar. Nang makarating sila sa highway ay nagpaalam na sya kaagad sa matanda. "Manong dito nalang po ako, sa tingin ko naman po ay kaya ko na pong umuwi sa bahay namin mula dito." Wika ni Janelle na pilit na pinapakalma ang bose

