Mula sa malayo ay nakatanaw si Johann sa mga ito habang masayang nag uusap usap. Kitang kita nya kung gaano kasaya si Janelle at ang Dad nyang nakikipagtawanan sa mga ito. Pero ng pinakatitigan nya ang katabi ng kanyang Daddy ay napatiim bagang sya. "It's you!" biglang nasambit nya. Hindi nagtagal ay nagpaalam narin ang mga ito sa isa't isa. Nakitang pa nyang yumakap kay Janelle ang lalakeng katabi nito kanina. "Bakit parang matagal na silang magkakilala?" sa isip isip nya. Nanatili syang nakasakay sa kotse nya habang pinagmamasdan nya ang mga ito mula sa malayo. Nang makauwi sina Janelle at Armando sa Mansyon nila ay naandon na si Johann at prenteng nakaupo sa sofa. Nang makita sila nito ay agad itong tumayo at binati ang Daddy nya. "Hi Dad!" bati nito saka yumakap. "Hi Anak. Are yo

