Hindi natuloy ang plano ni Josh na magsi-sine silang dalawa ni Rose. Dahil umaga pa lang ay nagyaya na si Simon na magpipiknik sila sa may sapa. At dahil sabik din si Rose na makita ang sinasabi nilang sapa malapit sa Rancho ay agad din itong pumayag. Nagdala sila ng mga malulutong pagkain at bigas na kanilang lulutin doon. Kumpleto sila ng dinala mula sa prutas, ulam, meryenda, bigas at iba pang mga pagkain.
"Ang ganda pala dito!" Bulalas ni Rose nang makarating na sila sa may sapa.
May kubo doon at meron din itong kusina may mga upuang gawa sa kawayan at katre. Mahaba din ang mesang gawa sa kawayan doon at puwede kayong maupo lahat sa lapag habang kumakain.
"Matagal-tagal na din akong hindi nakapunta dito," sabi naman ni Aling Tasing.
Excited din sina Shai maging sina Pangking at Dodong. Saka ang mag-asawang Aling Berta at Mang Teban kasama din ang anak nilang si Nina. Meron pa silang mga kasama kaya the more the merrier para kay Rose.
"Ang saya-saya sigurong magpiknik dito!" Sabi pa ni Rose habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng sapa at ang kalapit bundok nito.
Malamig doon kasi nga kabundukan very mother nature ang ambiance ng kapaligiran.
"Aling Tasing wala bang kababalaghan dito?" bigla pang tanong ni Rose.
Natawa naman ang mga kasama nila sa natanong ni Rose. Pati si Simon ay bahagyang napangisi nang marinig nito ang sinabi ng dalaga.
"Laking Manila ka, naniniwala ka kababalaghan?" tanong din ni Simon.
Napangisi si Rose. "Malay ko ba! Ganoon naman parati ang nasa movie kapag tungkol sa mga probinsiya." Depensa naman ni Rose.
Pinakatitigan naman ni Simon si Rose saka nito pinitik ang tungki ng ilong nito.
"Aray!" Daing ng dalaga.
"Movie iyon itong ngayon totoo. Pero magmasid ka at baka nga may kababalaghan dito na ikaw lang ang nakakakita." Wika ni Simon.
Ngumiti naman si Rose nang matamis sabay pingot sa matangos na ilong ni Simon.
"Okay lang kasama naman kita. Ikaw kung tayo ang gagawa ng kababalaghan dito," pilya namang sagot ng dalaga.
Napakurap-kurap naman si Simon habang ang kanilang mga kasamahan ay napatikhim at kanya-kanya na ng kanilang ginawa. Habang si Shai ay kasama nito sina Mang Teban at Nina na naglakad sa may tabi ng sapa at hinuhuli nila ang mga tutubi.
"Umiral na naman ang kapilyahan mo Rose Velvet." Mariing wika ni Simon.
Humagikhik naman si Rose sabay kindat kay Simon.
"Pikon ka na naman sa akin. Sabi ko naman sa'yo hindi kita titigilan hanggat hindi kita napapaamo." Tugon naman ni Rose at nilayuan na niya si Simon na namumula ang mukha nito.
"Mukhang may tama na sa'yo si Senyorita, Simon." Untag naman ni Aling Tasing kay Simon na nappapatulalang nakatingin sa papalapit si Rose.
Muling napakurap-kurap si Simon at nginitian niya si Aling Tasing.
"Nagbibiro lamang po 'yan napaka-pilya niyang babae. Hindi naman ganyan si Tita Dina," sagot naman ni Simon.
"Wala namang masama kung magka- gustuhan kayong dalawa. Hindi ba on the process naman na ang annulment niyo ng asawa mo?" saad ni Aling Tasing.
Bumuntonghininga naman si Simon na tumitig kay Aling Tasing.
"May mas karapat-dapat para sa kanya Aling Tasing wala siyang magandang kinabukasan sa isang tulad ko." Aniya.
"At bakit mo naman nasabi iyan? Napaka- sipag mo nga eh saka palagay ko hindi mahalaga sa kanya ang kayamanan." Sabi pa ni Aling Tasing.
"Lumaki siyang may ginto sa kanyang bibig Aling Tasing. At mahihirapan siyang mag- adjust kapag sa isang katulad ko siya babagsak. Katulad kong walang marangyang ari-arian, isa lamang akong hamak na taga-saka at care taker ng Tito Gael ko." Paliwanag ni Simon.
"Sa isang babaeng mahal ka talaga ay hindi mahalaga sa kanya ang katayuan mo sa buhay. Tandaan mo 'yan Simon at kapag dumating ang babaeng ganoon ang pananaw sa buhay huwag mo na siyang pakawalan pa." Payo ni Aling Tasing.
"Mahirap pa rin Aling Tasing dahil mayroon si Shai na kailangan ko ding isaalang-alang. Mahalaga din sa akin kung ano ang makakapagpasaya sa kanya," saad ni Simon.
"Sabagay tama ka diyan. Doon ka sa babaeng tanggap din ang anak mo," pagsang-ayon ni Aling Tasing na napatango-tango pa.
Ngumiti naman si Simon at nagpalaam na itong susundan si Rose na nagpunta kina Shai at Mang Teban sa may gilid ng sapa. Masaya namang sinundan nang tingin ni Aling Tasing si Simon dahil may nahihimigan siyang namumuong relasyon sa hindi kalaunan.
"Nawa ay sila na nga kung sakali man. Ramdam kong isang simpleng dalaga lamang si Rose na hindi mahalaga sa kanya ang kayamanan." Bulong ni Aling Tasing at masaya na nitong inihaw ang naka- ready ng bangus at karne ng baboy na marinated na.
Gabi pa lamang kasi ay sinabi na ni Simon sa kanila na mamamasyal sila ngayon sa tabing sapa. Si Rose lang yata ang hindi sinabihan ni Simon dahil nag- aalangan ito at may lakad nga sila sana ni Josh. Mabuti na lamang at kusa ng si Rose ang nagkansel sa lakad nilang dalawa ni Josh na anak ni Mayor. Kaya magiging masaya silang lahat sa araw na iyon dahil silang lahat ay nag- day off silang lahat.
"Mang Teban walang kababalaghan dito?" tanong ni Rose sa matanda ng malapitan niya ang mga ito.
Tumawa naman si Mang Teban. "Wala Senyorita. Matagal na ako dito pero wala pa akong nakita." Sagot nito.
Tumango-tango naman si Rose. "Ganoon kasi sa mga napapanood ko and it's creepy saka weird." Aniya.
"Maganda ngang tambayan dito Senyorita. Kaya nagpagawa si Senyorito Simon ng kubo dito. Madalas nga siyang nagpupunta dito noong bagong salta pa lamang siya ng probinsiya." Saad pa ni Mang Teban.
"Lagi nga niya akong iniiwan kay Yaya Tasing," sabat naman ni Shai.
"Why?" Curious na tanong ni Rose.
"He's so sad kasi iniwan namin si Mommy!" Sagot ng bata.
Napatitig si Rose kay Mang Teban na kumindat sa kanya kaya agad namang naunawaan ng dalaga ang ibig sabihin ng matanda.
"Ahm.. Mang Teban marami bang isda dito?" pag- iiba ni Rose sa kanilang usapan.
"Naku po marami Senyorita gusto mong manghuli?" masiglang turan ni Mang Teban.
"Gusto ko Mang Teban! Manghuhuli tayo ng isda Shai," magiliw na wika ni Rose sa bata.
Ngumiti naman si Shai at masaya itong pumayag. Kinindatan naman ni Rose si Mang Teban na nagpasalamat ito sa kanya para hindi na maalala pa ni Shai ang mapait nilang kahapon ng kanyang Amang si Simon. Bata pa ito at hindi pa sana nito dapat maranasan ang trauma ng isang batang may broken family. Dahil baka paglaki nito ay hindi na maganda ang magiging pananaw nito sa buhay ng may isang pamilya. Iyon din ang kinakakatakutang mangyari ni Simon balang araw para kay Shai.