Chapter 5

1808 Words
Christine's POV Nagluluto ako ng almusal habang iniisip parin ang nangyari kanina. Masyado siyang nagalit kaya hindi na ako sumagot at yumuko nalang. "Tulungan na kita sa pagluluto." Napatingin ako sa gilid nang nagsalita si Manang. "Okay lang po. Baka magalit na naman si Sir Leon pagnalaman na nagpatulong pa ako sainyo." Ngumiti ako sa matanda. "Sige, Ikaw ang bahala. Ihanda mo narin ang kakainan niyo pababa na yun." "Sige po." Binigyan ako ni Manang ng plato na lagayan ng mga niluto ko. Pumunta na ako sa lamesa at nilagay ang mga niluto ko pati ang mga utensils na gagamitin niya sa pagkain. Bumalik ako sa kusina, hindi pa ako kumain dahil pagkatapos niya pa ako kakain. Sinilip ko ito habang kumakain. Mukha namang nagustuhan niya ang hinanda ko para sa kanya. Naisipan ko munang pumunta sa kwarto ko upang maligo. "Manang, ligo po muna ako ha. Bibilisan ko lang po." Sabi ko kay Manang kaya tumango, mabilis akong pumunta sa kwarto. Kumuha ako ng damit at inilagay sa ibabaw ng kama. May banyo dito sa kwarto kaya hindi ko na kailangang bumaba. Habang naliligo, kumakanta kanta pa ako. Nalaman ko na hindi pala ako magaling na singer. Ang panget daw kasi ng boses ko parang stereong sira daw. "La la la la la, la la la la la, la la la la la dobedo-bedoooo... Ahhhh." Birit ko. Masyadong relaxing ang ganitong kanta para sakin. Natawa ako sa sarili ko. I like music but it seems like music doesn't like me. 'Ang unfair noh?' Natapos akong sa pagligo. "s**t yung tuwalya nakalimutan kong kunin." Sabi ko sa sarili ko. "Sa bagay kwarto ko naman ito at walang papasok dito. Takot nga sila dito eh." Binuksan ang pintuan sa cr at tumingin tingin sa paligid. 'Mukha kang tanga Christina. Wala ngang papasok dito sa kwarto mo diba.' Sabi ng magaling kong utak na tanga pa ako. Nang wala akong nakitang tao ay hinanap ko muna ang aking tuwalya. Syempre kailangan ko muna magpunas ng katawan bago magbihis diba? Baka pagalitan pa ako ni Sir Leon kung makita niya akong mukhang basang sisiw. Habang naghahanap ng tuwalya ay nakaramdan ako ng parang may tao sa likuran ko. Mukhang may nagpaparamdam na naman kaya mabilis ko uling hinalungkat yung bag ko. Lumawak ang ngiti ko ng makita ko ito kaya kaagad ko itong kinuha. "Nakuha rin kita." Sabi ko. Humarap na ako upang magpunas ng katawan ngunit laking gulat ko nang. "AHHHHHH!!!!" Sigaw ko nang makita ko si Leon na nakatayo sa harapan ko tila nakatulala lang at nakatitig sa buo kong katawan. "AHHH!!! MANIAC!!! LUMABAS KA SA KWARTO KO!!" Sigaw ko. Nagising naman siya sa kanyang katinuan at mabilis na lumabas ng kwarto. Mabilis kong tinakpan ang katawan ko ng tuwalyang hawak ko. "May nakakita na ng katawan ko.Hindi ito maaari. Kailangan niya akong panagutan. Paano kung nabuntis ako dahil sa titig niya? Hindi pwede ito." Sabi ko sa sarili. Kahit alam kong mas lugi siya at hindi nakakabuntis ang pagtitig pero what if? Tapos na ako magbihis at hindi parin ako lumalabas. Nahihiya ako, siguro nung nakita niya ang katawan ko ay bigla siyang nasuka. Kahit maganda at sexy naman ang katawan ko. Naiiyak na ako sa oras na ito. "Christina." "Ay deputa." Gulat kong sabi kay Manang. Bakit ba kasi laging nanggugulat itong matandang ito? "Sorry po nagulat po kasi ako." "Nakang bata ka, pinapatawag ka ni Leonardo. Kakausapin ka raw." Bigla akong kinabahan. Baka palayasin niya na ako. Pero nahihiya kasi akong lumabas. Nahihiya akong makita siya. "S-sige po." Sumunod ako kay Manang. Bawat hakbang ko ay tila nauubusan ako ng hininga. "Sige na pumasok ka na." "Ayaw ko po." "Sige na. Kanina ka pa pinatawag niyan." "Wait lang po, binubugaw niyo po ba ako kay Sir Leon?" Birong sabi ko kay Manang. Mukha kasi siyang mamasang na nagbubugaw ng mga dalagita sa Cubao. Tumingin naman siya sakin ng masama. "Papasok na nga po hehehe." Kumatok ako ng tatlong beses at dahan dahan na pumasok. Mahina akong tinulak ni Manang. Nakita ko si Sir Leon na may binabasa kaya hindi muna ako nagsalita. Tumingin siya sakin, mula ulo hanggang paa. Nahihiya kong tinakpan ang aking hinaharap. Tumawa naman siya ng mahina. "Take a sit Christina." Agad ko naman siyang sinunod. "Sir Leon? Ano po bang paguusapan natin?" "About yung nangyari sa kwarto. Why are you naked ? Are you seducing me?" Pilyong ngiti ang nakikita ko sa kanyang mukha. 'Kapal ng mukha!! Seduce daw? Tsk! No way.' "Hindi po Sir. Hinahanap ko lang po yung tuwalya ko kasi magpupunas ako ng katawan. Nakalimutan kong dalhin yung tuwalya sa banyo. Akala ko kasi walang magtatangkang pumasok sa kwarto ko." Mahabang paliwanag ko. Yun naman kasi ang totoo. "You're shouting! Umakyat ako because you're f*cking shouting! I thought something bad happen to you. Your my employee. I need to take care of you and may other employee." Napangiti naman ako sa sinabi niya. 'Take care daw. Kumalabog naman ang puso ko dahil sa sinabi nito. Kinikilig kasi ako. May pake rin pala siya sakin. 'Tama na masyado ka ng malandi.' "Stop imagining things. Ganun lang talaga ako. I care about them." Binato niya ako ng maliit na papel sa mukha. "Stop smiling. You look like an idiot." Napatingin naman ako sa kanya. "Sorry po. " "You can go." Tumayo na ako sa pagkakaupo. "Tsk. Masyadong feeling. Hindi nalang magsorry dahil sa ginawa niya. As if naman hindi tumigas ang junjun niya." Mahinang bulong ko bago lumabas ng opisina niya. "What? What did you say?" Gulat akong napatingin ulit sa kanya. Nasa likuran ko pala siya at nakasunod sakin. "P-po?" Nauutal na sabi ko. "Sabi mo feeling ako. As if naman hindi tumigas ang junjun ko sayo." Nakataas ang kilay nito. "W-wala po akong sinasabing ganun ha. Baka po minamaligno kayo. Naku sir may alam akong mangtatawas. Matutulungan ka nun kung bakit ka nakakarinig ng mga boses." Tsup. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Halik? Hinalikan niya ako. OH MY GOD. Hindi ko siya mapigilan o maitulak dahil aaminin ko, nasasarapan din ako sa halik niya. Siya mismo ang pumutol sa halik. Gusto ko pa sana siyang hatakin pero nahiya lang ako baka sabihin niya m******s ako, kababae kong tao. Nakatingin lang siya sakin at tumawa ng mahina. "I like your lips. It's really delicious." Hindi na ako makahinga. I need to take a move. Mahina ko siyang sinampal kaya napatingin siya sakin ng masama. Napalakas ata yung sampal ko. Patay! "B-bakit mo ko hinalikan? Paano kung mabuntis mo ako diyan sa halik mo? Paninindigan mo ba ako at ang magiging anak mo? My virgin lips." Hinawakan ko ang labi ko. Kailangan kong magbiro para hindi awkward saming dalawa. "You're funny. Virgin? May virgin pa pala sa panahon ngayon? Tsaka Christina dont worry, hindi ka pa mabubuntis sa halik ko. First base palang anh ginawa natin. Marami pang base bago kita mabuntis." Kinindatan niya ako kaya lalong uminit ang pisngi ko. Pinagpapawisan na din ako. Hindi sa baba ha. "Hoy lalaki! Virgin pa ako! Never been touch to noh! Kapal nito." "I don't think so. The way you move parang sinasabi na hindi na." "Hoy! Naoofend na ako ha. Pasalamat ka gwapo ka kung hindi baka matagal na kitang ginawang kamukha ni Bim. Tabi nga." Hinawi ko siya at umalis sa harapan niya. Naoffend kasi talaga ako sa sinabi niya. Kahit naman mukha akong pariwara sa buhay ay marunong din akong sumeryoso katulad ng mga bagay na ganito. Tsaka totoo naman, never been touch ako noh, muntikan lang akong marape pero hindi naman natuloy. "Hindi rin ako bibigay kaagad kay Sir Leon noh. Over my dead sexy body." Bumalik ako sa kwarto at dun muna namalagi. Aalisin ko muna yung pagkainis ko kay Leon. Maya maya nakarinig ako ng katok. Yung katok na parang nahihiya. 'May ganun ba?' For the first time kumatok si Manang at hindi nanggulat. "Manang bakit po? Sir Leon? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Nakatitig ako sa mukha niya, akala ko siya si Manang. "Kiss me." Mapangakit niyang utos. "P-po?" Naguguluhang sabi ko. "I said kiss me right now." Kasasabi ko lang na hindi ako bibigay pero mukhang bibigay na ako. "Ehh.. Magsorry ka muna." "Ang arte mo." "Ito naman joke lang. Ito na po hahalikan na kit---" Hindi pa ako tapos na magsalita nang hatakin niya ang ulo ko palapit sa kanya. Humawak siya sa bewang ko at humawak naman ako sa batok niya. 's**t ang sarap, kahit kailan talaga ang landi mo Christina.' Bulong ng isip ko. 'Sa kenye leng namen eh.' Pabebe kong sabi. Ikaw pa ba ang aarte kung isang demigod ang bumaba sa lupa para halikan ka? Aayaw ka pa ba? Minsan lang ito at sa kanya lang naman ako naging ganito kalandi. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD