"Chill Kael. Gusto ko lang naman makilala ang chef na tumalo sa representative ko. I've known chef Ken for a long time, and he's the best I've known, well of course until you brought in chef Symon, and it seems you've recruited another exceptional chef, kaya gusto kong makilala itong chef Lilith na bukambibig ng lahat." Tumingin ulit ito sa direksyon ko. Pinilit ko nalang ang sarili na ngumiti. Exaggerated naman kasi ang sinabi nitong exceptional, baka tumaas ang kilay ng ibang makarinig. Sadyang nagamit at nahasa ko lang ang mga natutunan ko sa culinary school because I've been cooking for over a decade sa mansion ng mga Paladino. "Now that you've met her, leave." Malamig na sagot ni sir Kael. "You're too cold brother." Ngumisi ito kay sir Kael. "Hey, if my younger brother is being me

