"Is he your boyfriend, ms. Mercehedes?" May pagdududang tanong nito nang hindi kaagad ako nakasagot. "H-Hindi!" Natataranta ko namang sagot. He gave me a confused look. "Then what? Bodyguard? Cause it looks like I'm about to be eaten alive here." Komento niya. "Oh well, deserve mo naman yun." Bulong ko. "What?" Salubong ang kilay nitong tanong. "Wala. Pero para masagot ang tanong mo, he's my—" Napatingin nanaman ako kay Jino, na hindi pa din nagbabago ang ekspresyon na ibinibigay sa lalaking kaharap ko. Is Kael threatened about Jino's presence? Kung sasabihin ko ba na may relasyon kami ay mas magiging civil ang pakikitungo nito sa akin at hindi na ako aawayin at uulitin iyong ginawa niya noong nakaraan ng ipagtabuyan niya ako, kasi nakakatakot ang kasama ko? Dumating na ang mga inord

