Chapter Thirteen

2610 Words

HINDI MAPIGILAN ni Mikaela Tricia ang mapanganga nang makita ang bahay ni Daniel Niccolo. Hindi lang pala iyon basta bahay. Masasabi niyang parang isang seven star hotel ang nakikita niya ngayon. Labas pa lang ay nakapagarbo na, ano pa kaya sa loob? Tumigil ang sinasakyan nila sa mataas na silver gate. Mataas na iyon pero mas tanaw pa rin niya ang napakalaking mansiyon. Ngunit mas napukaw ang pansin niya ng naka-ukit na mga salita roon. Sa kanang bahagi ay may calligraphy na Casa de Amor at sa kaliwang bahagi naman ay Amor doloroso. Nakangising binalingan ni Mikaela Tricia si Daniel Niccolo na naka-upo sa passenger's seat at abala sa kakatipa sa cellphone nito. "Napaka-bitter naman ng pa-welcome ng gate mo." Kaagad namang umangat ang ulo nito at kunot-noong tumingin sa kanya. "What?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD