Terry's POV
Ang sakit ng ulo ko paggising ko kanina, ang sakit sakit ng ulo ko. Para akong binagsakan ng yelo sa sobrang sakit. Ano kayang nangyari kagabi tss nakaharap ako ngayon sa salamin. Gusto kong isipin ang mga ginawa ko kagabi. Siguro, si Theo na naman ang naghatid sa 'kin dito sa kama. At kagabi, ang laswa ng panaginip ko. Naghalikan daw kami ni Theo.
"AAAAAAAAHHHH!!!! TERRY TUMIGIL KA SA KAHIBANGAN MO. SOBRANG NAG-AALALA KA LANG KAY THEO KAYA PATI SA PANAGINIP MO SIYA NA ANG LAMAN! IKAW BA NAMAN HALIKAN NI TH---"
"Sino kausap mo Terry?" Napatigil ako ng mapansin ako ni Ate Susan na kinakausap ang sarili ko sa loob ng kwarto ko.
Hays! Parang totoo kasi yung panaginip ko e. Totoong-totoo talaga siya kaso si Theo? Hahalikan ako? Pffft mas mabuti pang kumain ako ng tubig.
"Wala naman po. May kinakabisado lang po akong linya!" Palusot ko kay Ate Susan na agad ding naniwala.
Gayun pa man, bawal talaga pag si Theo. Ayokong masaktan siya ulit kaya pipigilin ko kung sakali man.
Theo's POV
"540 sir yung rose!" sagot ng tindera sa 'kin no'ng tanungin ko siya kung magkano an rose na 'to. Galing ako kanina sa mall, I brought some groceries and dumaan nalang din ako dito sa bouquet shop to buy some flowers for Terry and Mommyla.
Maganda kasi ang rose na 'to and they both love flowers kaya naisipan kong bumili. Maya-maya, uuwi na din ako.
Cassandra's POV
"So guys, I really really missed you! Mamaya, pupuntahan ko kayo!" i talked to my friends through videocall.
It's so nice being here again, actually I'be been here since yesterday. And unfortunately, I saw Kyle drunk. He sat on our table. I missed him so much.
I don't know what happened since I'm drunk too. If I did a mistake, I'll accept the consequences but I loved it since I love him too. I had a relationship with Theo but the truth is, I love Kyle over him. Our grandparents and parents want us to be girlfriend and boyfriend since his family is very close with us. I can do nothing, we can do nothing but to follow them. I loved Theo before, and honestly I cheated on him.
Nagkaroon kami ng relasyon ni Kyle kahit kami pa. Kasi nga, mas mahal ko si Kyle but as time passes by unti-unting lumalalim ang pagsasama namin ni Theo kahit na mas mahal ko si Kyle. Magbestfriend sila so we decided to hide it from anybody.
Ang sabi nila ghinosting ko si Theo but honestly, I didn't. I tried to had break-up with Theo pero ayaw niya. Baliw na baliw sa 'kin si Theo kaya hindi niya ako kayang iwan at maiwan. At dahil gustong-gusto ko na makipaghiwalay sa kanya, I hide myself away from her. Hanggang sa aalis na kami papuntang Canada, the life is good there more than here in the Philippines. Doon kami nanirahan, since Mamala is living there. Bestfriend sila ni Mommyla kaya the connection haven't cutted yet kaya nalaman ni Theo na nagpunta kami sa states.
Minahal ko si Theo kasi kababata ko siya at siya yung unang lalaking minahal ko but when I met Kyle, everything changed.
Si Kyle naman, no'ng nalaman niyang tinapos ko ang meron kami ni Theo, pinagpatuloy namin ang meron kami but since LDR kami, the connection faded. Madalas na mag-away at magsumbatan kaya we stopped. Mas pinili namin na tapusin at hindi ipagkalat dahil inaalagaan din ni Kyle ang friendship na meron sila.
You can't blame for leaving the person I don't love. Pero ngayon, I missed him. Gusto kong subukan sa bagong pagkakataon, babalikan ko ang Theo na nasaktan ko. Alam kong, mahal niya pa ako at sana nga ako pa. Saka hindi lang naman ako bumalik para kay Theo. I have to tell Mommyla of what happened to my grandmother,Mamala.
I stayed at my friend's house last night, I wanna surprise everybody. And my plan is to stay with Theo until my mission is done.
Agad akong nagtungo sa village nina Theo. Ang daming nagbago sa surroundings huh pero I can still manage myself identifying where is their house. I pressed the doorbell and Manang Susan was shocked when she saw me. She automotive handled my bags and baggages inside the house.
"Ma'am Cassandra? Nagbalik ho kayo!" bati nito sa akin. Ngumiti lang ako at tinanggal ang shade na suot-suot ko at nilagay ko sa mini pocket ko.
"It's nice seeing you again Manang Susan! It's been a years without seeing you!" saad ko dito. When I was child, I could still remember how she took care of us. She was the maid we supposed to trust in anything. He don't have any family so in short, they let Manang Susan stay with them.
"Ngayon ka lang po ba?" tanong nito nang makapasok kami sa bahay. Kumuha siya agad ng juice at ibigay sa 'kin. Umupo lang ako sa sala at mukhang walang tao dito ngayon.
"Dito ka lang ho muna Ma'am. Tatawagin ko lang po si Terry sa taas..." I nodded.
Terry? A new name for me. Ngayon lang ako naupdate na may kasama na siyang kasambahay dito. Anyways, kapangalan niya ang Mamala ko.
Kung mapapansin niyo, Mommyla ang tawag ni Theo kay Mama Aida and Me, I call Mamala si Mama Terry. They're bestfriend, and di na kami magtataka why they want us to call them by that.
"Umayos ka Terry. Nagbalik na si Ma'am Cassandr--"
"Siya ba si Terry?" napatigil si Manang Susan sa pagsasalita ng magsalita ako. They both nodded.
Mukhang magka-age lang kami ng Terry and yet, she's a maid? How ironic.
"A-Ahm. Ngayon lang ako naupdate na may bago na palang katulong dito.." the girl named Terry stared at me like she's shocked and unfamiliar with me.
"Ahm--I'm Cassandra! Theo's ex? And you?" I offered my hand towards her and she grabbed it.
"Te-Terry!" Nakipagkamay sa 'kin and after it, kinuha ko ang alcohol ko sa mini pocket ko at binuhos sa kamay ko I offered an alcohol but she said no.
"Terry? Pwede bang pahilot ng likod ko?" She nodded. Feeling ko may deperensya siya sa pagsasalita.
She walked away and parang may kukunin.
Terry's POV
Nagtungo ako sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit for medical. Nando'n kasi nakalagay ang mga gamit sa pagmasahi.
"Manang Susan? Nakita mo ba yun? Ang arte niya! Masungit ba yun?" Tawag ko kay Manang Susan na pumasok din sa kwarto.
"Hindi naman. Sadyang nasanay lang talaga sa mayamang galawan. Ex yan ni sir Theo na hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan.... Ano sa tingin mo? May comeback kayang magaganap?" Kinikilig niyang saad. Comeback? Hala? Meron nga ba? Sana naman... M-Meron...
"Oo naman!" Napabuntong-hinga kong tugon bago siya iniwan sa loob. Nagtungo ako kay Cassandra na ngayo'y naglalaro sa cellphone nito. Halos lahat ata ng tao dito ay laging may hawak na cellphone e.
"M-Ma'am? Talikod na po kayo!" marunong akong maghilot kahit papano.
Theo? Bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sa sakit na ginawa ng babaeng 'to. Babaliin ko ang mga buto nito.
"Oh yah sure!" umangat ito ng konti kaya sinimulan ko na ang paghilot, mukhang nasasayahan din naman siya.
"Infairness, ang galing mo!" Ngumiti lang ako ng peke. Ewan ko ba, parang sa mga kwento ni Theo pati ako galit na galit na din sa babaeng 'to.
"Cassandra?" bigla siyang tumayo at ngumingiting lumingon sa pintuan.
"MOMMMYLAAAA!!!" sigaw nito sabay takbo papunta kay Mommyla na mula sa labas. Mukhang gulat na gulat si Mama Aida sa kanyang nakita. Kahit ako man siguro si Mama Aida, magugulat ako na nagbalik na ang babaeng nanakit sa kanyang apo.
"You're back?!" Nakangiting tanong ni Mama Aida. Malamang! Kaya nga nandyan po sa harap niyo. Pero bakit parang natutuwa pa siya?
"Yes Mommyla! And marami ka pong dapat malaman..." agad silang nagtungo sa kusina at doon nag-usap.
Binalik ko nalang ang gamit sa kwarto at umakyat sa silid ko.
Pano yan? Nandito na ulit si Cassandra? Pano ako? I mean, si Theo? Pano na yung puso niya? Pero kung iisipin, mas mabuti nang nagbalik si Cassandra para maiwasan namin ang pagkahulog sa isa't isa. Pero andyan naman si Kyle, alam kong kaya niya akong mahalin at mamahalin ko siya.
Cassandra's POV
"Woah! Kamusta ka na Cassandra? It's been a years ago huh! Ngayon ka lang nagpakita ulit!" she pouted her lips. I know that they missed me. Super close ako sa family niya.
"Sorry po Mommyla. Yun nga po e, pinauwi ako dito ni Mommy for you to know about what happened to Mamala!" her eyes gave me different questions. Ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala.
"Bakit? What's happened?"
"Si Mamala kasi, she got comatose for how many days. Walang makitang sakit sa kanya at walang symptoms na nakita sa kaniya... Basta bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay..." biglang nanghina si Mommyla sa kanyang narinig. I know how much they loved each other. 10 years ang gap nila but the closeness behind them are like sisters. Kaya alam kong matutulungan niya ako. We need need a financial support mula sa kanya--sa kanila.
"Sana naman magising na siya...Sige! Hayaan mo, gagawin ko lahat para lang matulungan kayo ha? Nandito lang kami ni Theo para sa Inyo..." I nodded.
"Syanga pala Mommyla, nasa'n si Theo?" she looked at the door and I look after it.
I saw Theo chuckling and may dala siyang mga bulaklak.
"Th-Theo?" I whispered. My heart beat fast. Hindi ko alam kung pano siya haharapin.
"Cassandra!" He said with emotionless voice. Dahan-dahan itong lumapit at nilagpasan lang ako.
"I missed you Theo!" I silently whispered but he heard.
"Kelan ka pa dito? Kailan ka pa nakauwi?"
"Ka-Kanina lang...." I answered.
"Okay!"
"I-is that for me?" I curiously asked. Pero umiling ito.
"Mommyla? Flowers!" Binigay niya yung isang bulaklak kay Mommyla. And may isa pang natitira.
"Why are you here? Bakit ka nagbalik? Bakit ka pa nagpakita? Hindi mo ba alam yung ginawa mo sa kin?" seryuso nitong tanong. Wala manlang I missed you Cassandra diyan?
"Apo..." Bulong ni Mommyla. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Theo? Did you already forgive me? Alam kong nagkamali ako pero pinagsisihan ko yun! Sana patawarin mo ako..." I smirked.
"Cass? I already forgave you but if you will ask me if I already forgot what you did? I have no answer!" Saad nito sabay alis sa harap ko.
"Theo!" tawag namin ni Mommyla.
Ouch! That hurts. Alam kong ang dami kong kasalanan. Pero wag naman sana yung ganito, Sana naman Bigyan niya pa ako ng huling pagkakataon.
Theo's POV
Fvck! What is she doing here? Expected ko naman na dadalaw siya dito but when I saw her baggages? It seems like dito na siya titira habang buhay!
Kanina, gusto ko siyang yakapin kasi nakaramdam ako ng saya na sa wakas, bumalik na siya pero bakit may part na naiilang ako? Bakit parang mas gusto ko na siyang wala sa buhay ko? Sanay na ba talaga ako o nag-aalala ako para kay Terry?
Iniwan ko na agad sila sa kusina't dumaretso ako sa silid ni Terry at naabutan ko siyang nagsasalita.
"Terry? Alam mo naman diba na bawal? Oh? Bakit ka nagkakaganyan? Wag kang malungkot! Alam mo namang hindi si Theo! Okay?!" Binuksan ko ang pinto at agad siyang nagtulog-tulugan.
Sige. I won't disturb her this time. Siguro lasing lang siya ulit HAHAHA.
"Terry? Napadaan ako sa flower shop kanina and I saw something na parang feel ko magugustuhan mo! Pangbawi sa mga ginawa ko!" nilapag ko ito sa mesa niya at lumabas din ng kwarto niya.
Pumasok na din ako sa silid ko at doon nag-isip-isip. Anong gagawin ko? Tss pero no worries naman ako pagdating kay Terry kasi nga diba? Bawal! Bawal na bawal saka si Kyle nalang sa kanya! Ayokong makipagkompetensya.
Ilocked my door para siguradong walang makadisturbo. Gusto kong magpahinga kasi wala akong pakialam kung nandyan si Cassandra sa labas, kasi unang-una sa lahat, ayoko nang makita siya at ayoko nang umasa.
Nakatulog ako at nagising, gabi na. Sana naman wala na dito si Cass, ayoko nang bumalik yung sakit na nararamdaman ko. Nagtungo ako sa balkonahe at doon nagpahinga.
"Ang ganda ng buwan at mga bituin no?" it's Cass. Her voice are so relaxing but s**t! Here is the pain again. I looke at her emotionless.
"Di ka pa pala nakauwi?" Umupo siya sa tabi ko. Aalis na sana ako when she suddenly hold my hand and stopped me. Yung puso ko, argh! Ano bang nangyayari sa 'kin?
"Theo? Humingi ako ng favor kay Mommyla if I can stay here. Wala akong kasama sa condo e but if you don't want to, I can go. Uuwi ako bukas!" Nagpapakonsensya ba siya? Tss pano yun? Magsasama-sama kami?
"Cass? Pwede ba.... I mean, sige! Papayag ako pero don't expect na mabuti ang pakikitungo ko. Sa lahat ng sakit? Akala mo ba ganon lang kadali? Yah it's been 5 years ago pero masakit pa din..." She nodded. She's admitting her mistake and it's good for no argument.
"That's why I'm back Theo, let's continue what we had before!" tumingin siya sa 'kin ng daretsahan at nakangiting may luha sa mata niya.
"Cass, hindi madaling magpatawad! Iniwan mo akong mag-isa kaya yung sakit? Di ko alam pano tatakasan!"
"Theo! Theo makinig ka! Eto ako, babawi ako sayo! Ibalik natin yung dating tayo!"
"Cass no--"
"Theo? Bakit? May iba na ba?" Pano kung sabihin kong oo? Pero bawal? Pano?
"Wa-Wala... Walang iba pero Cass? Hindi na ika---" nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako.
"Ehem! Eheeeeem! Ehe-eheeeeem!" Someone growled bat our back kaya napatigil siya sa paghalik sa 'kin.
It was Terry. Tumingin si Cassandra Kay Terry na may inis sa mga mata niya.
"Ang dami namang anay dito naku!" Nagkukunwari itong naglilinis ng drawer na malapit sa pinto ng balkonahe. Seryuso ba siya? HAHAHAHA. I got it, she's jealous!
"Are you insulting me?" Tanong ni Cassandra kaya napatingin sa 'min si Terry.
"Hindi ho. Kasi po, ang daming anay dito. Dati po kasi wala na ito tapos ngayon eto na naman for sure maninira na naman 'to! Sorry po Ma'am Cassandra! Sige alis na ako!" She's funny. Pano nagkakaanay ang salamin? HAHAHAHAHA.
Cassandra looked insane.
"Okay! Stop it Cass. Pagpasensyahan mo na si Terry! Una na ako sayo..." Agad akong tumayo at hinabol si Terry.
"Terry??" hindi ito lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gusto ko lang sana ipasara ang gate, mukhang naiwan nilang bukas.
"Terry!!!!---"
"BAKIT BA?!" sigaw nito nang makalingon ito. Nagsasalubong ang dalawang kilay. Ano naman kaya ang nakain nito?
"You close---"
"HOY THEO! HINDI AKO NAGSESELOS. BAKIT NAMAN AKO MAGSESELOS?" Napatawa lang ako ng bahagya. Anong selos? HAHAHAHAHAHA. Is she really jealous?
"Terry? Ang sabi ko, You close the gate!" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at ngumisi.
"A-Ah? Hi-Hindi ba jealous? Hihihi ang bungol ko pala!" napakamot ito ng ulo at mabilis na naglakad palabas ng bahay upang isara ang gate.
May mga cotton buds naman kami pero mukhang 'di niya ginagamit.
Anyways, pano na 'to? Pano ko iiwasan ang Cassandrang yun? Patay! Malaking g**o talaga 'to ngayon. Lalo na't pinagtatanggol ako ni Terry laban sa p*******t ni Cassandra.
Hinawakan ko ang labi ko, hindi ko inaasahan na hahalikan niya ulit ako. Mahal ko pa ba si Cassandra?
ARGHHHHH HINDI KO NA AAALAAAAM!!! NAGUGULUHAN NA AAAAAKO!!!