Shadow of the Stars Chapter 64 The leader of BTS, Jeon Jungkook was reported leaving the group and was confirmed by Mr. Lee, the CEO of the Agency. Yan ang balita sa TV ang unang tumambad sa akin nung umagang iyon. Sa sobrang shock ko sa balitang iyon ay nanigas ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko pa ang pagkakahulog ng remote control mula sa kamay ko sa harapan ng TV. T-totoo ba tong...nababasa ko? Pero bakit... Bakit nya... Bakit nya ginawa yun? Bakit sya umalis sa grupo? Nasa ganuon akong pag-iisip nang bigla ko nalang narinig ang tunog ng doorbell. Kaya napalingon ako sa pintuan at nagtatakang naglakad papunta doon. Binuksan ko ang pinto pero...agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang mapagbuksan ko ang gwapong lalaking yun sa harap ng pinto ko. Nakatingin lang sya sa

