Shadow of the Stars Chapter 67 After naming mag-usap ni J-hope ay bumalik na ako sa building ng apartment ko. Mag-go-grocery sana ako pero pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas na pumunta pa ngayon sa ibang lugar kaya napag-isipan kong bumalik nalang sa apartment ko. Gulong-gulo ang isipan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Oo. Paano ko nga ba masosolusyunan ang problemang ito? "Sana ay pag-isipan mo na kung sino ba talaga sa kanilang dalawa para hindi na sila masaktan pang pareho" Yun ang patuloy kong naaalala sa mga sinabi ni J-hope. Tama sya. Dapat ay may piliin ako para matapos na ang lahat ng ito. Pero paano ba? Paano ba ako pipili kung alam kong masasaktan ko lang si Taehyung sa oras na pinili ko si Jungkook? Dahil kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko na kaya

