Shadow of the Stars Chapter 53 Iisa lang naman ang naging kasunod ng pagpapakilala sa akin ni Taehyung as first love nya sa harapan ng lahat ng tao. At iyon ay ang... "Grabe! Ikaw pala ang matagal ng hinahanap ni Taehyung oppa na first love nya?!" "Ang swerte-swerte mo naman Snow!" "Alam mo bang trending ito sa lahat ng social networking sites? Simula kasi ng mag-debut sila ay lagi lang nyang nababanggit ang first love nya kaya nagsasaya talaga ngayon ang lahat ng fans nya!" "Teka Snow, paano ba kayo nagkakilala ha? Ikwento mo naman sa amin!" Oo. Nandito ako sa training room at napapalibutan ng mga kasamahan kong trainees. At pagpasok ko palang kanina sa may pinto ay agad na nila akong sinalubong ng mga tanong at masayang papuri which is hindi ko nakuha mula sa kanila noon. Dahil

