Chapter 57

4342 Words

Shadow of the Stars Chapter 57 Whole day kami sa bahay-ampunan na yun. Naglaro lang kami at kumain kasama ang mga bata. At ngayon ay gabi na kami nakauwi at tahimik lang kaming dalawa habang nakasakay na sa kotse nya pauwi. Walang nagsasalita sa amin at bumalik na naman ang awkward na atmosphere na yun. Hindi ko din alam kung bakit bigla nalang bumalik ang pagiging seryoso nya matapos kaming magpaalam sa mga bata. Nasa ganuon lang kaming posisyon nang…bigla nalang syang umubo. Napalingon naman ako sa kanya. “Okay ka lang?” ang nag-aalalang tanong ko. Oo. Kanina ko pa napapansin na lagi syang umuubo at parang…parang namumutla pa sya. Isang pilit na ngiti naman ang isinagot nya at ini-clear nya ang throat nya. “O-okay lang ako” ang sambit nya sa nahihirapang boses na yun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD