Shadow of the Stars Chapter 41 “I love you, Snow.” Yes. He said that. Kim Taehyung said that. Samantalang nanatili lang akong naninigas sa kinatatayuan ko at hindi alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nyang iyon. Pero bakit… Bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa akin ang mga mata nyang iyon at bakit…pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ngayon ng dahil sa sinabi nya? Pero… Tama. Baka isa na naman ‘to sa mga jokes nya. Kaya… Nagtaas ako ng mukha at ngumiti. “Alam ko na ang kasunod ng sinabi mong yun”ang sabi ko saka ngumiti sa kanya. “Joke na naman ‘to diba? Hays…lagi mo nalang akong jino-joke. Umuwi na nga lang tayo” Yun ang sinabi ko saka tumalikod na at aalis na sana pero… Nabigla ako nang bigla nya akong hilain pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

