[Zyra's POV]
"Sige na," ininguso ko ang bakanteng upuan sa may poker table. Pinanlakihan pa ako ng mata ni Castiel na parang nagdadalawang-isip kung tama ba ang narinig niya.
"Don't make me repeat it," banta ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mong hindi ako marunong," aniya habang nakakamot sa kanyang ulo. Whenever he would scratch his head, I find it annoying... he looks kinda stupid. You know, iyung mga taong parang lutang, palaging kumakamot sa ulo.
"That's why you need to learn! Come on!" I pushed him and was taken aback because of how lightweighted he is. Parang papel, ni hindi ko man lang nilakasan ang pagkakatulak ko.
"You should've taught me first before bringing me here."
"Failure is the best teacher! I don't fail, so I could never teach you. Sige na, para naman obligado kang matuto," pagpipilit ko at nilagay ang iilang chips sa mesa.
Humalukipkip ako at tumayo sa gilid ng upuan niya nung magsimula na ang laro. Castiel placed a blind bet of 25,000 and the others did the same. Mabuting natutunan niya ang pagkakamali niya noong nakaraan.
Seven of Clubs and eight of hearts ang baraha niya. Nice, there's a light in this game.
Ngumisi ako bago sumulyap sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo at bahagyang pinagpapawisan. Hindi ko maiwasang mapatawa sa ekspresyon niya.
"What are you so worried about?" Bulong ko na hindi matanggal ang ngisi sa aking labi.
"I literally don't have any idea how to play this thing. Ang natutunan ko lang ay ang mga terms." Malakas ang pagkakasabi niya nun kaya agad akong napatingin sa ibang mga manlalaro, natatawa sila at napapailing.
No one knows me here, huh?
"Just go with the flow, you'll soon realize how to play it."
One of the cards on the deck was revealed and it was a spade of two. Napakibit-balikat ako dahil doon.
What's your next move, Castiel?
Some of the players made a call and when it was Castiel's turn to answer, he look at me, asking me for an advice but I quickly avoided my gaze.
Lumawak ang ngisi ko na pati ngipin ko ay kita na nung marinig ang pagbanggit niya ng call.
He's playing safe until he gets how poker works. Kahit sa pagbukas ng pangalawang card sa deck na nine of hearts ay naguguluhan pa rin siya kaya panay call lang ang kanyang sinasabi.
Hindi ko maiwasang maaliw sa panonood kay Castiel. He doesn't know to play but I can see that he's doing everything to win.
Natatawa kong tinapik siya nang malakas sa likod nung buksan ang pang-apat na baraha sa deck na seven of hearts.
Agad na nawala ang tuwa ko dahil sa sobrang gaan niya. Kumakain ba 'to? Matangkad siya at masasabi kong parang nagji-gym dahil sa laki ng bisceps niya but... he's freaking light as a feather! Kahit kapag tinulak siya guro ng nakababatang kapatid ko ay matutumba siya.
He's unbelievably lightweighted
Ibinalik ko lang ang ngisi ko nung tumangla siya sa akin dahil sa ginawa kong pagtapik. Tinaas-baba ko ang aking mga kilay para bigyan siya ng clue sa pwede niyang gawin.
Ibinalik niya muli ang tingin sa deck na magkasalubong ang kilay. Unti-unting umawang ang labi niya sa ibig kong sabihin kaya tumango-tango siya na parang bata.
"Raise! 150,000!"
.
"Pano ba yan, talo tayo." Reklamo niya at nakanguso. "I'll just pay you back."
Agad akong tumigil sa paglalakad sa kanyang sinabi. Hinarap ko siya nang nakapamulsa. "Castiel, the night isn't over," ngumisi ako. "Come on! I can earn what you lost for just one round."
Hinila ko na siya papunta sa kabilang mesa, mga nasa tatlo pa lang ang players kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na hinila si Castiel paupo roon.
Para akong humihila ng bubwit, sobrang gaan niya. Kahit matipuno nga ang pangangatawan niya ay parang buto't balat naman dahil sa sobrang gaan niya.
"Akala ko ikaw maglalaro?" Takang tanong niya at agad akong nairita dahil sa pagkamot niya sa ulo. Binilhan ko naman 'to ng shampoo, ba't panay kamot pa rin?
"Naligo ka ba?" Tanong ko na ikinaawang ng labi niya. Sasagot na sana siya pero nagsimula na ang laro.
I drew a figure of 25 on his back and he immediately got what I mean. May talino rin pala 'to, noh?
"25,000." A blind bet of 25,000.
The game continued at ginuguhit ko lang sa likuran ni Castiel ang bawat hakbang na dapat gawin.
I wrote the letter R and A on his back using my forefinger. "Raise," he said to the dealer and waited for my next move.
"75... thousand," aniya matapos kong gumuhit ng number 75 sa matigas niyang braso. Seryoso? Paanong magaan ito eh mukhang sagana sa workout.
There's something wrong about this one. Kaonting takbo rin ay parang ginagapos na ang hininga niya. If you're a person who likes to work-out, hindi ka mabilis mahihingal while Castiel looks tired after running for ten freaking meters.
I smirked before leaning forward towards him, pushing my face closer to his ear. "You're sick, aren't you?" Agad naman siyang nanigas dahil sa binulong ko.
Napaawang ang labi ko dahil sa reaksyon niya. Unti-unti akong sumulyap sa mukha niya para tingnan ang kanyang ekspresyon. Mukha itong natatawa at tila nagtataka.
"No, I'm not. I'm way healthier than you," he chuckled.
"You're freaking light."
"I weigh 72 kilograms."
"No, you don't." Umiling ako nang hindi makapaniwala.
"Yes, I do. I just let you drag me effortlessly. I'm your slave afterall, remember?" Pinakitaan niya ako ng nakakalokong ngisi na ikinasimangot ko.
"Panalunin mo yan, ah." Bilin ko na may halong pagbabanta dahilan para ikaputla niya.
Dumistansya ako mula sa mesa nila. Matyaga kong pinanood ang bawat galaw ni Castiel. Panay pa ang nguso nito at mukhang naguguluhan pa rin.
Seryoso? Pangatlong laro niya na to, ah
Tumingin ako sa ibang manlalaro at lahat sila ay may kaedaran na. Sobrang bagal sa pagdedesisyon at yung dalawa ay hindi pa gaanong makakita nang klaro.
Hindi ka nga marunong pero mukhang mananalo ka sa round na 'to, Castiel