Special Chapter 5 Daddy Duties

2576 Words
SEVEN’S POV MY chest tightens as the beautiful girl before I smile. A warm feeling I’m so familiar with engulfs me. Instantly, my lips tugged upward. Love shines in my eyes for the human who’s eyeing me with curiosity. “Palagi kang istorbo. Give me five minutes and we’ll have our date.” Naiiling na ipinagpatuloy ko ang ginagawa bago pa ako bumigay nang tuluyan sa napakalaking patibong ng buhay ko. A pair of amber eyes that’s swarming with innocence. May mainit na kamay na humaplos sa puso ko. I lean forward and kissed her head. I’m transfixed, inlove. “I’ll be quick. Promise.” I was securing the padded waist belt around me when I felt someone tagging my tie. Natigil ang kamay ko sa ere. Mukhang makikipag tag of war na naman ako sa isang ‘to. “Hey. We had an agreement, you’ll behave. Wala na ‘kong time magpalit ng tie and we both know I need to be dressed to nines for this ocassion,” hinila ko ang kurbata mula sa kamay nito and wagged my finger at her. She pouts. Nanubig ang mag mata nito’t nagsimulang humikbi, talo ko pa ang sinikmuraan sa nakita. I groaned. “Jesus. Fine. Fine. You can have my tie. Heto na.” Iiling-iling na hinubad ko iyon at inaabot sa kaharap. She shrieked and happily grabbed my brand new Loius Vuitton tie. Ilang kurabata ko na ba ang pinagdiskitahan nito? Aaminin kong iyon ang pinaka masayang tunog na naririnig ko sa tanang buhay ko. Aside from Santy’s moans and laughters, of course. I pulled a long breath and concentrated on my task at hand. Pasimple kong sinipat ang Panerai, I only have thirty minutes para makarating sa venue kung saan mag de-deliver ng speech ang asawa ko. I wouldn’t miss it for the world. Today, she’ll accept one of the prestigious award in the business world as the Top Young Female Entrepreneur and she’ll deliver a speech after. Ang speech na ilang araw at gabi niyang pinagpuyatan. “You’ll stay quiet, okay? Ayaw nating maistorbo siya. Alam mo naman ang nagiging reaksiyon noon kapag nakikita ka.” Patuloy ko habang ini-isa isa ang mga straps na malapit nang magsala-salabat sa katawan ko. “Damn. Ba’t mas madali pang mag assemble ng baril kaysa rito?” I’ve done tis several times pero parati nagkakamali ako ng pagsusuot ng strap. Lalo na ngayong kapos ako sa oras. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng araw na maghuhurementado si Otto ngayon pa talaga. Kailangan ko muna tuloy gampanan ang pagiging kuya at don. Kung ‘di lang imporatante ang lakad ko, nakatikim sa akin ang kapatid kong iyon. Siete, focus. Male-late ka. Mahirap magtampo si Santy. Bukod sa magastos, masakit pa sa puson. Napangiti ako nang muling maalala ang huling beses na ‘di ako inimik ng asawa. Napilitan akong matulog ng tatlong araw sa room ng kambal. That was because I was ten minutes late for our anniversary dinner. “Pull the right strap then the left. Secure at the shoulders. Check both sides. Okay. All good.” I was about to secure the last strap on my shoulders when my phone rang. Umungol ako nang makita ang pangalan ni Shamie sa screen. Ngayon pa talaga naisipan ng kulukoy na ‘to ang makipag videocall sa ‘kin. Balewalang sinagot ko iyon habang nakayuko sa dibdib ko. I’m still figuring out where the s**t I’m wrong with this pain in the ass thing. “Bilisan mong gago ka–” “Daddy, what’s gago?” Shit. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko pagkarinig sa bibong boses ng panganay ko. “Uh-oh. Someone’s in trouble.” “Hello, big guy.” Ignoring my younger brother, I greeted Doce. Dark curls and an intense gaze was plastered on the screen. Napangiti ako sa ayos nito. Like me, he’s sporting a three piece dark blue suit. Pinasadya pa iyon ng asawa ko since my son is into the imitating phase. Lahat nang nakikita niya sa ‘kin, ginagaya. Pati yata pagmumura ko. “What is gago?” Nakapameywang na untag nito. Sumilip si Shamie sa screen, grinning at me. “You heard daddy wrong, young man. Sabi ko bago. Meaning new.” Nagsalubong ang makakapal nitong kilay saka bumaling sa tiyuhin. Inikot nito sa maliit na kamay ang mahaba at kulot na buhok ng kapatid kong balak na yatang maging ermitanyo. “Leally? Sabi po ni dad gago di ba zio Shamie?” Lihim akong napangiti nang marinig ang pagiging bulol nito sa letter R. “Yes, buddy. Ganoon din ang narinig ko.” “Shamie,” banta ko sa kapatid. My son scratched his chin, a hobby he used to do when thinking or confused. Humalakhak ang baliw kong kapatid habang panay ang dasal kong sana’y makalimutan iyon ni Doce. But knowing him, its as if I’m wishing for the sun to be square. Pihado, lahat nang makita nito mamaya’y tatanungin tungkol sa word na ‘gago’. Patay na naman ako kay Santy. He got a very inquisitive bone that is uncommon for a four year old. “Wala naman akong sinabi. Kasalanan ko bang walang filter ‘yang bibig mo. Nasaan ka na pala? Malapit nang maging zoo ‘tong si Bumble bee.” Sa narinig, tinitigan ko ang screen. Muntik akong mapamura nang makitang may isang cage sa backseat at sa loob niyon ay isang medium size na yellow python. “Shamie, ba’t mo na naman binilan ng ahas ‘yang pamangkin mo?” “Ngumawa. Ibinato kay Red ang laptop ko,” tinakpan ng kapatid ko ang tainga ni Doce. “This spawn of Satan knows too much. Tinakot akong ipapakain sina Tofu sa alaga niyang aligator kung ‘di ko s’ya bibilhan ng ahas na mestisa.” Doce’s eyes narrowed. “Zio, sinisilaan mo ako kay dad,” inalis nito ang kamay ng tiyuhin sa tainga’t bumaling sa akin. “Hindi po sa aligatol ko papakain mga fish niya, daddy. Papa-cook ko kay Nanny Hilda then papa-eat ko kay Blue.” Sabay kaming nasamid ni Shamie. “Doce, anak…you can’t do that.” Puno ng awtoridad na saad ko. Umingos ito. His cute button nose was stubbornly pointed at me. Kanino ba nagmana ‘tong batang ‘to? “Fish po ‘yon. Ba’t ‘di puwede?” “Cause they’re not just ordinary fish. Alaga sila ni Zio mo.” “No.” Humalukipkip ito sabay padyak. “Bakit bawal po e fish ‘yon, daddy? Ikaw nga sabi mo kay mommy papa-eat mo ‘yung cobla mo?” “Doce!” SHIT! Hindi ko akalain na gising pa ito noong isang gabing nilalandi ko si Santy. Nasa playroom noon ang mag-iina ko’t naabutan ko si Santy na nag be-breastfeed sa bunso namin habang mahimbing na natutulog ang kambal. At dahil ulol na ulol ako sa asawa, sinunggaban ko ito. I ended up sucking her right breast while my daughter was on the right. Sabihin na nilang twisted ako but seeing Santy’s breast huge and leaking with milk was always my fave sight aside from the beautiful apex between her legs, of course. Ang saglit na paghaharot ko sa asawa’y nauwi sa mainit na pagniniig namin sa likod ng malaking cabinet ng mga laruan. Sinamantala namin habang tulog pa ang tatlo. Hell, I even remember na muntik akong mabitin dahil biglang umiyak si Tredi while I’m balls deep into my wife’s warm p***y. Mag a-anim na taon na kaming kasal, some would expect that the fire has die down. It’s the exact opposite actually. Mas lalo akong naging adik sa asawa ko. Sa tuwing makikita kong tahimik ang mga bata, agad kong hinihila si Santy sa isang sulok. I’ll ravish her right then and there. We’ve been creative and more opportunistic when it comes to the s*x department. Pagsapit ng gabi, mas malumanay ako sa pag angkin kay Santy. I take my time cause my wife deserves all the worshipped from me. Now, this? “Holy molly! Buddy, kailan sinabi ng daddy mo ‘yon?” “Shamie put–” “Noong isang alaw po, zio.” Ngayon ko hiniling na sana nasa malapit lang ang kapatid nang sa gayon ay napilipit ko ang leeg nito. Panay ang iling nito habang nakapinta sa mukha ang labis na pang aasar. Sana mas hininaan ko pa ang boses nang sabihin ko kay Santy na gusto kong isubo niya si Ambassador. Simula kasi nang maging abala ito sa pagbubukas ng mga bagong branches ng Pages and Thorns— ang café s***h flowershop s***h bookshop nito, panay quickie na lang muna ang nagagawa namin. “Juicy.” “Shut up!” Bumaling ako sa anak. “Doce, me and mom are just joking that time. You hear me?” “Selyoso po kayo no’n. Mommy said it was big and angly–” “Okay, buddy. That’s TMI for zio. How about we drop at the nearest ice cream parlor habang nag we-wait sa daddy mo? You like it?” For sure naging kamatis na ang mukha ko but I’m relieved that Shamie somehow managed to put a stop to my son’s tirade. Pumalakpak si Doce,he’s beaming at me. “Zio, I want a tigel. Daddy, buy me a tigel. Please.” Hindi ko alam kung sa pagiging bulol ng anak ako natawa o sa napaka outrageous na hiling nito. I was about to open my mouth when we were bothered by a shriek followed by a wail. “Jesus! Is that Rafi?” “Sino pa ba?” Mabilisan kong tinapos ang pagkakabit ng baby carrier sa katawan saka bumaling sa bunso na ngayon ay pulang-pula ang buong mukha’t hilam ang mga mata ng luha. Leaning forward, binuhat ko ito mula sa high chair at inalo. “Hey, princess. Daddy’s here. Sshh. Come here. Stop crying na.” “Hello, plincess. Wag na iyak. I miss you.” Doce clapped and tried to make face. Iniharap ko ang bunsong babae sa kuya nito. Bigla itong tumigil sa pag iyak nang marinig ang boses ng kapatid. She clapped her chubby hands and started to mumble baby words at Doce and Shamie. “Good girl. Now let’s go to mommy.” Mataktika kong inilagay sa baby carrier ang bunso na ngayon ay mag da-dalawang tao na. Bumaling ako sa kapatid. “What time kayo darating sa venue?” “Nandito na kami sa labas. Kaya nangungulit na ‘tong anak mo. By the way, bagay sa’yo ang baby carrier. Lakas mo maka daddy boss.” Itinaas ko ang middle finger sa kapatid nang makitang ‘di nakatingin ang anak. “Doce look oh–” Mabilis kong pinutol ang tawag. Isiniksik ko ang cellphone sa bulsa’t kinuha ang baby bag na kanina pa inihanda ni Bob. “Daddah…mommy.” I grinned when I heard my daughter’s tiny voice. Pasimple kong inamoy ang likod ng ulo nito habang palabas kami ng nursery. Sa tatlo, si Serafina o Rafi ang pinaka kamukha ni Santy at siyang pinaka clingy sa ina. “Yes, princess. Aalis na tayo. W’ell go see your mom.” Matinis ang tiling pinakawalan nito saka nagkakakawag. Nasa hagdan na ako nang makita ko si Bob kasama si Tredi na mukhang kagigising lang. “Daddy, ayaw ko sama.” Naka pout na anito sabay takbo sa ‘kin palapit. Sa dalawa ito ang pinaka sumpungin. Mukhang na istorbo ang nap nito kaya’t nagmamarakulyo na naman. “Tredi, hindi pwede. Nag usap na tayo about this, remember?” “Ayaw!” Nagdadabog na umupo ito sa hagdan at nagsimulang mag tantrums. “Jesus!” Inis na tumingala ako’t hinilot ang sentido. “Señor, tumawag na ho si Don Accardi, on the way na raw sila sa venue pati ang papa niyo.” “Tell them may kaunting aberya lang,” wika ko habang nakatitig sa anak na ngayon ay naka suot pa rin ng character inspired pajama set nito. Mabilis na tumalima si Bob. Naiwan akong nakatunghay sa pangalawa kong walang tigil sa pag ngawa. “Tredi, eso basta. Stand up.” “No! Sleep po ako daddy. Ayaw ko sama.” Big dark brown eyes looked at me, pleading. Sino ako para tanggihan ito pero mas lalong ‘di ko kayang maatim na maiwan ito sa bahay. With my hands on my hips, I used my most serious voice. Sa dalawa, si Tredi ang mas mabilis mapahinuhod. “Maiiwan ka rito sige. Pero huwag kang lalapit sa ‘kin kapag pinagalitan ka ni mommy mo, si?” Tumulis ang nguso nito’t suminghot. “Last time, I let you sleep kaysa umattend ng birthday ng pinsan mo pareho tayong nalagot, di ba? Okay lang naman sa ‘kin na sa bahay tayo ni zio Onze matulog at ‘di natin makita si Rafi ng mga three days.” “Ayaw po! Daddy…ayaw.” Lihim akong napangisi. “Ayaw mong sumama o ayaw mong matulog na lang?” He sniffed. Kinuha nito ang dulo ng damit, pinunasan ang mga pisngi saka suminga. Hindi ko na napigilan ang mapangiti. “Tredi, what will it be?” Taas ang kilay na sagot ko habang pasimpleng tinetext si Navarro na ihanda ang damit ng pangalawa ko. A.k.a Doctor Strange costume. “A-yaw ko po i-wan, daddy. Miss ko Rafi. Love ko Rafi.” “I know, young man. Come on, punta na tayo kay mommy.” Mabilis nitong kinuha ang kamay ko’t sabay kaming nanaog. He keeps on telling me about his fave movie habang binabagtas namin ang patungong parking lot. Una kong isinakay ang bunso ko sunod si Tredi. Matapos kunin ang isusuot ng anak sa tauhan ko, mabilisan ko itong binihisan sa biyahe. Ilang beses kong tinanggihan ang alok ni Bob na siya ang mag asikaso kay Tredi. I know, this is a far cry from my role as a feared don but I oddly, I find joy everytime na inaasikaso ko ang mga anak. Tulad nang saya at kakuntentuhang nararamdaman ko kapag pinagsisilbihan si Santy. On a regular days, I am still the kingpin of La Familia and a ruthless leader of the Outfit but always, I am just Seven. Ang mapagmahal na asawa ng isang Santy Torrevillas at ama nila Doce, Tredi at Rafi. Sinong mag aakalang darating ang araw na magbibitbit ako ng baby bag na puno ng milk formula at diaper? Napailing ako habang ikinakabit ang bib ni Rafi. “Daddy duties muna mamaya ididispatsa ko kayo sa Nonno n’yo.” “Why po daddy?” “May lakad kami ni Mommy.” “Where? Sama po kami Rafi tas Doce.” Pinitik ko ang ilong ng anak. Saka bumulong. “No, young man. Kay Papa Sixto muna kayo or Nonno Gio, okay? Visit lang kami heaven ni Mommy.” The set of orbs that’s identical to mine shine with so much glee. “Yehey! Bibili na sila daddy ng baby sister ko!” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Tredi. I apologetically eyed my two staff. s**t. Ba’t ba napakatabil ng isang ‘to? “Tredi, secret ‘yon, ‘di ba? Kapag marami naka alam hindi matutuloy.” Mabilis itong tumango kaya’t kaagad kong binitawan ang bibig nito. “Uncle Bob, hindi po punta sa heaven sina daddy para buy ng baby sister ko. Secret daw po ‘yon. Wala po kayong rinig ha?” Anak ng tokwa’t baboy na may lugaw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD