WHEN EMERSON woke up the next morning, bahagya siyang natigilan nang makita niya ang asawa na nakayakap sa kaniya at mahimbing na natutulog. Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso ni Audrey na nakayakap sa kaniya upang hindi ito magising. Emerson successfully got out of his wife's hold without waking her up. Bumaba siya sa kama saka inayos ang kumot ni Audrey. Then he went to the bathroom, did his morning routine and brushed his teeth. Tulog pa rin si Audrey nang makalabas siya ng banyo kaya nagtungo siya sa kusina upang magluto ng agahan nilang dalawa. Pagbukas niya ng ref, wala itong masyadong laman. He looked at the cupboard and he only saw instant noodles. “My wife was really a thrifty person,” he said, sighing. “But being thrifty wasn’t good for her health,” he added, shaking his

