Kabanata 2

1540 Words
Pinaglalaruan ni Dani ang kanyang kuko habang nakapatong ang kanyang ulo sa kama niya malapit sa kanyang cellphone. Nakaupo siya sa sahig habang hinihintay na tumunog ang notification bell ng kanyang cellphone. Kahapon pa siya naghihintay ng response sa ni-rent niyang profile pero hanggang ngayon ay wala pa. Alas kuwatro ng umaga pa lang ay gising na siya at hindi na makatulog pang muli. Ito ay dahil kagabi, ipinatawag siya ng kanyang ama sa study room nito. flashback Pumasok si Dani sa study room ng kanyang ama dahil ipinatawag siya nito kaya Glyn. Ninenerbyos siya sa maaaring sabihin o gawin ng ama pero buong tapang pa rin siyang pumasok. Nadatnan niya ang amang abala sa pagbabasa, nakasuot ito ng eyeglasses. Naalala na naman niya ang mga panahon na binabasahan siya ng kanyang ama ng mga kuwentong pambata noong bata pa siya. Wala itong suot na eyeglasses sapagkat malakas pa ang mata nito nang mga panahong iyon. Namimiss na niya ang kanyang ama at gusto na niyang maging bata muli at yakapin ito ng mahigpit para maramdaman ang pagmamahal ng ama sa kanya. "Nasaan ka buong araw? Naglalaro ka na naman ba ng piano?" Biglang tanong ng kanyang ama. "Natulog ako buong araw papa, masakit lang ang ulo ko."  Pagsisnungaling niya. Napansin niya ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang ama pero napatitig na lang siya sa sahig para hindi makita ang pagbalik nito sa galit na titig niya. "Nilagnat ka ba? Halika nga rito." Utos ng kanyang ama pero hindi siya sumunod. "Okay na ako papa, natulog naman ako kaya nawala na ito." Pagsisnungaling niya muli. Kita niya sa peripheral vision niya ang pagtango ng kanyang ama. Naupo siya sa tapat nito tsaka hinintay ang sasabihin. "Sinabi mo kaninang umaga na may boyfriend ka na, kailan pa?" Nanigas siya sa tanong ng ama. Ito na nga ang sinasabi ni Glyn kanina. "Opo." Maikli niyang sagot. Nanginginig siya sa nerbyos na baka mabuking siya sa kasinungalingan niya at lalo lang magalit ang ama. "Magdadalawang buwan na po kami." Pagpapatuloy niya. Pati siya ay bilib na rin sa haba ng kasinungalingan niya. First time niyang magsinungaling ng ganito kalalim at kalala. "Ano ang pangalan ng binatang ito?" Mas lumala ang nerbyos niya. Kapag nagpatuloy pa ang pagtatanong ng ama niya, paniguradong mabubuking na siya. "Kapag ipapakilala ko na lang po siya sa inyo papa kung okay lang sa inyo." Gusto na   niyang tahiin ang sarili niyang bibig sa puntong ito. "Do you think the I will accept the guy?" Tinitigan niya ang ama sabay sagot. "Whether accept mo siya papa o hindi, hindi ko pa rin siya iiwan dahil mahal ko siya." Ang ama naman niya ang nabigla ngayon, hindi ito galit pero parang hindi rin niya gusto ang sinabi ni Dani. "Then let us meet him already. Gusto ko siyang makita ngayong Sunday. Nasa Manila man yan o Mindanao, he should be here by Monday." Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ama, hindi ito maaari dahil wala pang response ang boyfriend for rent niya. "Okay po papa. Kung wala na po kayong sasabihin, babalik na po ako sa kuwarto ko." Akma siyang tatalikod pero agad na nagsalita ang ama niya. "I'm so sorry kaninang umaga Danielle, anak. I should've not shouted at you."  So hindi rin pala siya nagsisisisi na sinabihan siyang magpakasal nang wala siyang permiso? Napangiti si Dani ng pilit bago magsalita. "Wala lang sa akin iyon papa, sana huwag mo uling iparamdam sa akin na parang hindi mo ako anak." Pagkasabi niya no'n ay agad siyang lumabas. Naguilty siya sa sinabi niya pero alam niyang hindi marerealize ng ama niya ang mali niya kung hindi niya ito ipinamukha. end of flashback "Ting!" Napalundag ang puso niya nang tumunog sa ang cellphone niya. Excited niyang binuksan at lubos ang saya niya nang mag-message ito sa kanya. "Good morning magandang binibini, may I ask the reason as to why you decided to rent me?" Tanong nito. "Kailangan ko ang tulong mo na magpanggap bilang boyfriend ko ngayong Sunday sa harap ng mga magulang ko." Diretsahang sagot ni Dani. "Why did you choose me then?" Medyo nainis siya sa pagtanong nito, pero agad rin siyang sumagot. "I prefer boys who like music." Maikling sagot niya. "Says the one who like music as well. Anyways, don't you think we need to know each other first, have some practice before we meet your parents. You'll never know, they might ask questions and we'll answer differently, yiu can't let that happen or else you're done for." Oo nga naman, may point naman ang lalaki, isip ni Dani. "Sige ba, saan mo gusto magkita?" Tanong niya sa kausap. "Just send me your location, I'll come over to pick you up." Agad na ibinigay ni Dani ang location niya tsaka sinabi kung anong oras at araw sila magkikita. Inistalk niyang muli ang profile ng lalaki at laking gulat niya nang malaman na galing pa itong Ilo-ilo. Akala niya ay taga-Manila ito. Sasakay pa ito ng eroplano at magbibiyahe papuntang Tarlac, hindi kaya't masyadong marami itong gagastusin para lang makipagkita sa kanya? Agad siyang nagmessage dito bago pa ito maglog-out. "Ako na lang ang pupunta diyan, masyado yatang malayo ang biyahe mo kung sakali."  Sahi niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito sumagot sa message niya, mukhang may iba itong kliyenteng kausap. "No worries, nandito naman ako sa Manila ngayon. I've been staying here for more than five months already, I just had no time to update my profile. I'll just fix it later, sorry for the inconvenience." Sagot nito. "Okay then, I'll be waiting for you." Itinapon niya sa kama ang cellphone tsaka sumigaw sa unan niya para walang makarinig. Para siyang nagdadalaga na nakikipagtext sa kanyang jowa. Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi na nadatnan ni Glyn. "Ano'ng nangyari sa iyo Dan? Para kang timang diyan, baka puwedeng pashare ng nangyari." At kinuwento nga niya sa kaibigan ang nangyari kani-kanina lamang. "Mukhang mali pala ako sa sinabi ko Dan, hindi yata lahat ng mahilig sa classical music ay walang interes  sa romance. Napaka-gentleman naman ng boyfriend mo." Tinignan niya ng masama ang kaibigan, boyfriend agad? But who cares, kailangan na yata nilang ipractice na sabihing "boyfriend" para mas legit. Nagpagkasunduan nila ng rental boyfriend niya na sa Friday sila magkikita kaya buong weekday ay hindi muna siya nagpractice ng piano at nagconcentrate na lang sa pag-aayos sa kanyang sarili. Ngayon lang siya ganito nag-effort na mag-ayos para lang sa lalaki. Noon ay nag-aayos siya para sa mga parties o celebration na dinadaluhan ng pamilya nila. Naninibago siya sa nga ginagawa niya, pati siya mismo ay hindi makapaniwala. "Tanggalin mo na ang facemask mo Dan, ilang oras mo na bang suot iyan?" Pumasok si Glyn sa kuwarto niya na may dalang damit, mga susuotin niya kinabukasan. "Isuot mo ang mga iyan at ako ang magja-judge." Agad siyang tumalima sa utos ng kaibigan at isinuot ang unang pares ng damit. "Hindi ko napansin na masyado palang mababa ang neckline, huwag iyan. Madyadong revealing para sa rental boyfriend. Kapag totoong boyfriend mo na, puwede siguro. Maaari mo ng tanggalin iyan." Inirapan niya ang kaibigan at agad na nagpalit. "Hmmm... masyadong floral, parang duster tuloy. Palitan mo iyan." Gusto niyang ibato sa kaibigan ang damit na suot niya dahil tinatamad na siyang magpalit muli ng suot pero wala siyang ibang choice kundi sundin ito. "Okay na iyan para sa unang meeting. Para kang dalagang-dalaga Dan, kulang na lang ay ang buhok mo. Maaga kang gumising bukas dahil matatagalan tayo sa make-up at buhok mo." "Yes boss!" Pabiro niyang sagot sa kaibigan. Napagod tuloy siya sa mga pinaggagawa nila kaya maaga siyang natulog. Beauty sleep na rin para fresh na fresh siya pagkagising niya. "Dan... Dan... Dan!" Napabalikwas siya ng gising nang marinig niya ang nakakabinging boses ni Glyn sa tainga niya. "Sinabi ko sa iyo na gumising ka ng maaga, bangon ka na diyan at maligo, malapit na mag alas otso." Nanlaki ang mata ni Danil at mabilis na tumakbo sa banyo. Isang oras na lang, nadito na rental boyfriend niya para sunduin siya pero hindi pa siya handa. Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na siyang maligo. Agad siyang pinaupo ni Glyn at inayusan. Nagtagal pa sila ng halos mag-isang oras na. Bago pa mag alas nuwebe ay nakahanda na siya, mabuti na lang at magaling si Glyn sa ginagawa niya. "Ting!" Tumunog ang notification sa cellphone niya. Dali-dali niya itong binuksan at binasa. "I'm already here in front your gate." Lumundag ang puso niya at bahagya siyang kinabahan. "Inhale-exhale ka muna Dan, dapat harapin mo siya with confidence." Payo ni Glyn bago niya buksan ang gate at tumambad ang isang mamahaling sasakyan na ubod ng kintab. Mamamangha sana siya pero mas ikinamangha niya ang lumabas sa sasakyan, isang napakaguwapong lalaki na tila may lahing banyaga. "Good morning Miss Ramirez." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kaniyang palad. Parang may kung anong gumalaw sa bituka niya nang dumampi ang  malambot nitong labi sa kanyang kamay. "Good morning din Mr. Jacobson." Sagot niya sabay bawi ng kamay niya. Agad naman siyang pinagbuksan ng lalaki at pumasok siya sa loob ng sasakyan nito. "So saan tayo ngayon?" Tanong siya pagkapasok niyo sa driver's seat. "To my place here in Tarlac, somewhere not too far away from here." Nanlaki ang mata ni Dani. Iniiwasan na nga niyang hindi sana taga Tarlac ang magiging fake boyfriend niya, how come na may koneksiyon pala sa Tarlac ang binata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD