“HI SAM” “Dad, bakit hindi ka nagsabing darating ka ngayon?” itinigil ni Samantha ang kanyang pananahi para salubingin ang kanyang Daddy Tonny. “Para ma-surprise kita” nakangiting sabi nito. “May pa-surprise ka pang nalalaman…” nakangiting sabi niya. “Pasok muna tayo Dad” “Where is your Tatay Abel?” “Naghatid sila ng tahi ni Pierre kaya mag-isa lang ako ngayon” sagot niya habang inaayos ang pagkaing dala nito. “Buti na lang pala hindi ako sumama kasi kung kasama ako wala kang maabutan dito Dad” natatawang sabi niya. “Oo nga no” natatawa ding sabi nito. Inilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa na nasa sala. “Kain ka na muna Dad” “Sabayan mo na ako Sam” Umupo naman agad siya sa katapat na upuan ng kanyang ama. “How are you Sam? Okay na ba yung sugat mo?” “Yes Dad, oka

