"Uy,ineng..bakit hindi ka sumabay samin sa almusal?" bungad sakin ni Nang Cora.
Lumabas lang ako ng silid ng maramdaman ko tapos na sila kumain.
Tumulong siya sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Uhm,masakit po kasi ulo ko,Nanang Cora..hindi po kasi ko nakatuLog ng maayos kagabi eh.." pagdadahilan niya na totoo naman.
Mag-uumaga na ata siya nakatuLog dahiL iniisip niya ang nangyari sa nakaraan gabi.
Muli kumabog ang kanya dibdib.
"Ganun ba. Mabuti pa kumain ka muna at uminom ka ng gamot. Teka,ikukuha kita ng gamot.." turan ng matanda.
Marahas siya napabuga ng hangin.
Nahihiya siyang magpakita sa amo nila. Galit yun dahil sa clumsiness niya kagabi.
Pero nagulat naman talaga ako eh!
"Hindi maganda ang pakiramdam mo?"
Sa kabiglaan muntik na niya mabagsak ang hinuhugasang plato sa lababo.
Gulat na napatingin siya sa nagsalita at lalo mas dumoble ang kabog sa dibdib niya.
"S-Señor.." atubili niya saad.
Matiim lang ito nakatingin sa kanya.
"Kung masama ang pakiramdam mo,wag mong pilitin magtrabaho at baka makabasag ka ulit," matiim nito saad.
Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya.
"Señor,hindi ko talaga sinasadya makabasag kagabi..nagulat lang po talaga ako,"muli niyang depensa para sa sarili.
" I know,Ysai..kasalanan ko naman,hindi ko alam na magugulatin ka pala.."may amuse sa mukha nitong saad.
Napakurap-kurap siya. Totoo nga ba ang nakikita niya?
"Opo,Señor.."kimi niya saad at hindi niya napigilan na kumawala ang ngiti sa labi niya.
Napatitig ito sa kanya. Tila bigla may bumalot na kakaibang tensyon sa pagitan nila. Mainit na nakakailang.
Heart,kalma ka lang..sabi niya sa kanya isip dahil sa sobrang bilis ng t***k ng kanya puso.
"Señor,nandito ho pala kayo. May binata na naghahanap sa inyo.." pagsulpot ni Nanang Cora.
Tumango rito ang Señor nila.
"Sige ho,Nanang.." tugon nito kay Nanang Cora at muli siya nito pinukulan ng matiim na titig.
She's smile at him sweetly. Nakita niya ang pagdilim ng mga mata nito.
Saka siya marahas na bumuga ng malalim na hininga.
"Bakit,ineng? Anong pinag-usapan niyo ni Señor?" sita ni Nanang Cora na may himig na panunukso.
"Wala po,Nanang.."maang-maangan niya saad.
Ayaw niya sabihin dito na nakabasag siya kagabi dahil panigurado sesermunan na naman siya nito.
"O heto ang paracetamol,inumin mo yan para maalis ang sakit ng ulo mo.." anito.
"Nang,wala po ba kayo gamot sa katangahan?" aniya sabay ngisi rito.
"Walang gamot diyan,Ineng.."
Napasimangot siya sa matanda.
"Si Nanang talaga,lakas niyo mangbarag.."
"Heh! ikaw na bata ka,umayos ka nga lalo ako tatanda dahiL sayo.."
Tinawanan niya na lang ito.
Siya na siguro ang Reyna ng mga sablay. Hindi,mag-iingat na lang ako.
Oo,kung hindi ka clumsy hindi ka niya mapapansin! anang ng kanya inner self.
Napangisi siya. Siyanga,Bless in Disguise pa ata yun!
Lihim tuloy siya kinikilig-kilig.
Hay,crush ko taLaga siya!