65

1089 Words
Kabanata 65 "I don't dream of having the woman I love as my enemy." Agad akong napamulagat dahil sa aking panaginip, kumuyom ang kamao ko. I did a good job hiding my true feelings when I saw Liham again after all these years. Halo-halong pakiramdam. Galit. Sakit. I cannot explain. All I know is that I hate him to the core, that he is the biggest liar. Hindi niya ako pinakinggan noon, sa halip ay nagpauto siya sa kanyang kapatid. He believed her lies, hindi niya alam na retokada lang pala ang kambal-kuno ng putang si Lessana. My throat feels dry and I am thirsty, kaya naman bumangon ako at bumaba. Maraming mga tauhan ang rumuronda at nagbabantay sa paligid, they greeted me and I'll just nod to acknowledge them. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom, I let the cold water quench my thirst, hindi na ako makatulog pa kaya naman napagdesisyunan kong lumabas sa mansion, tahimik ang labas at madilim, tanging ang ingay ng mga crickets lang ang naririnig. Naglakad ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin, sa gitna ng paglalakad ko ay nakarinig ako ng tunog ng espada. Agad ko namang naisip si Noah, sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay, I stopped at the garden. Then I saw him there, aiming his sword at the air, letting the sharpness cut the wind, making a swishing sound. Why is he training so early? I watched him. Wala siyang suot na damit at pawisan siya, his well built muscles were tensed, tumutulo ang butil ng kanyang pawis mula sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg, since I was at his side, I saw how pointed his nose is, and his strong sharp jaw. He continued to slice the air with his sword, nang tumigil siya sa pag-ensayo ay habol na niya ang kanyang hininga, bigla siyang humiga sa damuhan kaya naman mabilis akong tumakbo palapit sa kanya dala ng pag-alala. "Noah?!" I held his strong arm, "Noah! Are you okay?" He looked at me with a strange face, "Yomiere? I-I mean, Sapphire?" "Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, bigla ka na lang humiga dyan!" Inis ko siyang tinignan. I worried for nothing. "Bakit gising ka pa?" Takang tanong niya. Nagkibit-balikat ako at umupo, he pushed his body up and sat too, marumi na ang likod niya dahil sa mga dahon ng bermuda grass na dumikit sa kanyang basang likuran. "Hindi ako makatulog." Sagot ko sa kanya, "ikaw? Bakit ang aga mo naman?" "I always train this early, Sapphire..." He smiled. Napatango naman ako, "why do you train with swords? E hindi ka naman gumagamit ng espada sa missions." "Hindi ko rin alam." Pinikit ni Noah ang kanyang mata, dumikit ang balikat niya sa akin at agad namang natanggal, tila kumapit ang pawis niya sa aking kutis. "Sorry." "It's okay." Sagot ko naman sa kanya. Tumingala si Noah sa himpapawid, "this is my favorite view." Turo niya sa langit, "gustong-gusto ko ang liwayway." He smiled, as if reminiscing a good memory, unti-unting nagkaroon ng liwanag sa madilim na himpapawid habang sumisikat ang araw, isa-isa namang nawala ang mga bitwin. "The stars seem to go missing but they're always there, we just don't see them because the sun outshine them." I nodded, "I agree..." "Pakiramdam ko'y isa akong bitwin." Noah chuckled, "at habang nandoon ang araw ay hindi ako mapapansin." "You sound like a heartbroken lover." I laughed as I gaze the dawn. He laughed with me. "Do I?" Tumango ako habang nakaukit pa rin ang ngiti sa labi, nang tumingin ako kay Noah ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. "You rarely smile genuinely, Sapphire..." Biglang nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ng seryosong maskara, dahil sa sobrang lapit namin ay ramdam ko ang paghaplos ng mainit niyang hininga sa akin. Lumunok ako at tumayo, pinampag ko ang likod ko upang alisin ang mga damong kumapit. "Mauuna na ako." Noah nodded and put his sword to its sheath. Sa gitna ng paglalakad ko ay hindi ko maiwasang maguluhan sa aking sarili. Hindi ko rin alam kung bakit ako naguguluhan kaya mas lalo lang akong naguguluhan. It's really frustrating, to be honest. I sighed, pumasok na ako sa loob ng mansion at nadatnan si Castro. "Sapphire." He bowed his head, "saan ka galing?" "Sa labas, nagpahangin." Tipid na sagot ko, umakyat na ako sa hagdanan at bumalik sa aking kwarto, ngunit nalampasan ko ang guestroom kung nasaan si Kuya Yazi. I stopped there, I debated myself inside my head whether I will open the door and enter or the latter. I ended up twisting the knob. Pumasok ako sa loob, pinagmasdan ko si Kuya Yazi na nakahiga sa kama, naglakad ako palapit sa kanya. "Yomi?" Natigilan ako, he's awake? "Kuya?" He smiled, "am I dreaming?" Umiling ako, hinawakan ko si Kuya at agad naman siyang ngumiwi, na tila natatakot mahawakan. "Kuya, you don't have to be afraid..." "Mi, I'm sorry... I don't deserve to live..." Kuya Yazi opened his eyes and looked at me, "patawad..." I nodded. "Hindi ako naging mabuting kuya..." He cried, "I'm sorry... I lied, hindi ko pinatay si Miyo... buhay siya..." I gasped, "where is he?" Hindi ako makapaniwala, buhay si Kuya Miyo?! "Kasama niya si mama noon..." Nanginig ang labi ni Kuya Yazi, "nasa kamay sila ng Laferro mafia, ang mga kumuha sa akin. I sacrificed myself for Miyo, hoping I could atone for my sins. I let them touch me..." "Pero hindi ko alam kung magkasama pa rin sila, hindi ko alam kung talagang buhay pa rin talaga siya. I just hope Miyo is alive, knowing the Laferro mafia, hindi imposible na wala silang ginawa sa kanya." Pinunasan ko ang mga luha ni Kuya Yazi, "alam mo ba kung nasaan ang hideout ng mga Laferro mafia?" Tumango siya, "s-sa taas ng bundok sa probinsya ng Villanueva." That information was enough. "Mi, I'm tired..." Kuya Yazi gave me a weak smile, his lips were dry, his eyes lifeless, he was pale, marami ring pasa sa kanyang katawan, marami rin siyang pinayat. "Rest well, Kuya." He closed his eyes and smiled, pinagmasdan ko si Kuya na bumalik sa kanyang pagtulog bago lumabas. Agad akong tumungo sa kwarto ni Stella, walang katok-katok akong pumasok, "Stella!" Mabilis siyang bumangon sa kama at saka niya hinablot ang baril. Nang makita niya na ako ito ay nagbuntong-hininga siya, "I almost killed you for shocking me!" She sighed. "Tell Castro to gather all the team bosses." Seryosong utos ko. Stella became serious too and nodded, her expression was questioning. "I know where the Laferro mafia's main base is. We will commence attack and destroy them until there's nothing left, let's see how Lessana will respond to this." I smirked as I picture Lessana. "I will destroy everything she worked hard for." I heaved a heavy breath... "And we will save my mother and brother from their hands."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD