PART 1

334 Words
Napaangat ulo si Lennie. Napatingin siya sa dakong iyon. Nagkakagulo na naman kasi. May pasyente na naman sigurong dumating. Napatayo siya sa kinauupuan. Madaming nurse ang nagtatakbuhan. Sunod-tingin siya sa mga ito. Mayamaya pa'y idinaan sa kanyang harapan ang babaeng duguan. Parang naging slow motion ito sa kanyang paningin. Tila sinadyang bumagal kasi ang bawat pag-ikot ng segundo sa orasan. Sa pagbaling ng ulo ng pasyente paharap sa kanya ay siya namang pagdako niya nang hindi sinsadya sa mukha ng walang malay na dalaga. At anong pamimilog ng mga mata niya sa kanyang nakita. Kamukha niya kasi! Kamukha niya kasi ang pasyente! Tapos ay bigla ulit bumalik sa normal ang lahat. Saglit lang ay wala na ang mga nagkakagulo. Naipasok na sa Emergency Room ng hospital ang agaw-buhay na pasyente. Napaisip na natulala si Lennie sa kanyang kinatatayun. Siya ba 'yon? 'Yong katawan na ba niya iyon? Kasi hindi siya tao. Isa lamang siyang kaluluwa na ligaw rito sa ospital. Matagal na panahon na! Unti-unting sumilay sa mga labi niya ang ngiti gawa ng kaisipan niyang iyon. Napatingin siya sa hallway ng hospital kung saan dinaan ang kanyang katawan. Hindi siya makapaniwala! Sa wakas, makakabalik na siya sa kanyang katawan! Naiiyak siyang nagtatakbo papuntang Emergency Room ng hospital. Babalik na siya sa katawan niya! Babalik na siya! Ang tagal niyang inantay ang pagkakataong ito! ~~Walang kamalay-malay ang tatlong nurse at ang doctor ang paghihiwalay ng kalukuwa ni Emmzerilla Sab, seventeen years old, sa katawang lupa nito. Tulala na naglakad ang kaluluwa ni Emm palayo sa katawan nito na pilit sinu-survive ng duktor. Naglakad ito sa hindi alam na direksiyon.~~ Lumusot ang kaluluwa ni Lennie sa pinto ng ER. Natutop niya ang bibig nang makitang umiling ang doctor. "No! Hindi ako pwedeng mamatay!" nataranta niyang bigkas. "Time of --" Natigilan ang duktor pati na ang mga nurse. Nag-tot-tot-tot ang tunog ng machine sa tabi nila. Kanina ay naka-flat line na iyon kasi pero himalang kumislot-kislot na ulit iyon. Muling pinagkaguluhan nila ang katawan ni Emm........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD