Six months after HINDI maipaliwanag ni Aurora ang saya na nadarama niya habang pinapanood niya ang nag-iisa niyang anak na maglakad sa altar kasama ng ama nito. Hindi na niya napigilang maluha habang pinapanood ang mag-ama. Malaki ang naging pagkukulang niya kina Autumn at Teodoro nang iwan niya ang mga ito para sundin niya ang t***k ng puso niya. Nagpapasalamat siyang mabilis siyang napatawad ng anak niya. At si Teodoro, kahit pa hindi nito direktang sinasabi, alam niyang napatawad na siya nito nang bisitahin siya nito sa ospital. Dumako ang tingin niya kay Sophia na nasa kabilang panig ng simbahan. Muli ay malaki ang pagpapasalamat niya na napatawad na siya nito. Utang niya marahil iyon sa pagkakaibigan nila na minsan mang nasira ng pag-ibig, alam niyang hindi pa rin iyon natitibag at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


