Chapter 26

1240 Words

NANGAKO si Summer sa sarili niya na magtitipid, pero nangati pa rin ang mga paa niya na pumuntang mall. Nang makabili na siya ng gusto niyang blouse ay pinigilan na niya ang sarili niya. Baka mabawasan pa niya ang perang pambili niya ng kotse. Dumiretso siya sa isang restaurant sa mall na iyon para mananghalian. Nasa isang pandalawahang mesa na siya nang makita niya ang pamilyar na mukha na katatayo lang mula sa katabi niyang mesa. Si Spring iyon. May kausap itong dalawang lalaking banyaga, pero umalis din agad ang mga iyon. “Spring,” bati niya kay Spring nang mapag-isa ito. Nagulat si Spring nang makita siya. Lumapit ito sa kanya at nakisalo sa mesa niya. “Hey, Summer.” Lumingon ito sa paligid na tila may hinahanap. “Mag-isa ka lang?” Tumango siya. “Oo. This is a stupid question, pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD