NAGMAMAKTOL sa gilid ng pool si Summer habang nakababad ang mga paa niya sa tubig. Dalawa ang private pools na nirentahan niya, at karamihan sa mga bisita ay nasa kabilang pool dahil iyon ang mas maliwanag na bahagi, at naroon din ang mga alak. Ang mga kasama niya lang sa madilim na bahagi ng pool ay ang mga bisita niya na nagme-make out. Well, malawak naman ang isipan niya sa mga gano’ng bagay kaya malaya ang mga ito na maghalikan sa party niya. Nahagip ng tingin niya si Winter na kausap pa rin si Tella at dalawa sa mga ka-opisina niyang babae. May hawak na alak sa isang kamay ang binata at nakahubad na rin ang T-shirt nito kaya libre nang pagnasahan ng kung sinu-sino ang mala-Adonis nitong katawan. And he seemed comfortable flaunting his gorgeous body, and he really seemed to enjoy fli

