Prologue

2813 Words
Alexandra Knight’s POV Nasa isang private beach resort kami ngayon ng aking asawa kasama ang aming kambal. Naisipan naming mag-unwind muna at magbakasyon. Mahirap rin kasi ang trabaho namin ng aking mister na si Xavier. Mula umaga hanggang gabi ay subsob kami sa opisina kung kaya't kaunting oras lamang ang naibibigay namin sa aming mga anak. Dahil wala nang gaano pang gagawin sa kompanya, naisipan ko na mag-family bonding kami para naman kahit papaano ay may alaala ang mga anak namin sa amin, 'di ba? Sobrang ganda ng Beach Resort dito sa Batangas. Malakas ang simoy ng hangin, mababaw ang tubig na hanggang tuhod ang taas dahil hindi pa high tide. Alas kuwatro pa lamang ng hapon ngunit damang-dama na namin ang tinatawag nilang sea breeze. "Alex?" mahinang tawag sa akin ni Xavier habang hawak ang magkabilang kamay ng mga anak namin. "Hmm?" mahinang tugon ko at nginitian ito. "Can you answer the phone? Naglalaro pa kasi kami ng kambal mo," saad niya dahilan para mapatango ako. Kaagad kong kinuha ang telepono sa bulsa ng aming travelling bag na kanina pa pala tumutunog, hindi ko lang naririnig. "Hello? This is mr. Knight's secretary. He's in a vacation right now. You may set an appointment two days from now if you're not in a rush. Thank yo--" ibababa ko na sana ang tawag, nang marinig ko ang malakas na pagtawa nito sa kabilang linya. "I don't need an appointment-- whoever you are. I need to talk to your husband," sabi nito dahilan para mapalunok ako. Ang lalim ng boses niya ang nagbigay ng kaba sa aking dibdib dahilan para mapahawak ako roon. Maging ang mga balahibo ko ay nagsitayuan dala ng boses nitong lalaking kausap ko sa telepono. "H-he's b-busy right now, sir." biglang nautal ang pagtugon ko kasabay ng aking paghinga nang malalim. "Just tell your husband that I'm on the call and we need to talk!" Napa-igtad ako sa gulat dahil sa lakas ng sigaw nito. Kaagad kong nailayo ang telepono sa aking tainga dahil baka ikabingi ko na sa susunod ang sigaw ng-- kung sino man ang lalaking ito. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong stool at tinakpan ng palad ang speaker nang hawak kong telepono. Marahan akong naglakad papalapit sa mag-aama ko at pasimpleng sinenyasan si Xavier tungkol sa tawag. Mukha namang naintindihan niya kaagad ang nais kong iparating kung kaya't tumayo na ito mula sa pagkakaluhod at kinuha ang telepono sa akin. "Who's the caller?" he asked confusingly while raising his eyebrow. I shrugged my shoulder and acted innocently, ignoring the scary atmosphere starting to form between my husband, the guy on the phone, and I. Hindi na ito muling nagtanong pa. Marahan niyang isinalpak ang telepono sa tainga at lumayo ng ilang metro sa amin na mag-iina niya. Lumapit ako sa kambal namin at sinubukang mag-focus sa pakikipaglaro sa kanila ngunit nagsisimula pa lang magsalita si Xavier ay nakaramdam na naman akong muli ng kaba at lumingon sa gawi nito. "What do you want from me?" may tono ng inis iyon ngunit mahina lamang, sapat na para marinig ko. Alala siyang tumingin sa gawi namin, at pilit na ngumiti sa akin. "Please, don't include my family in this matter. Inosente ang asawa at mga anak ko." bigla na lamang napamasahe sa sentido si Xavier at umiling-iling. "Tell me, what do you want me to do? I'll do it right away," alok ng asawa ko kasabay nang paghilot nito sa sariling noo. "What the fuc--" hindi na natuloy ni Xavier ang sasabihin at napakuyom na lamang sa kamao. He clenched his jaw and threw the phone not so far away from where he was standing. Kaagad akong tumayo at pinuntahan ito. "What happened?" alala kong tanong habang nakakapit sa braso niya. Inalis nito ang kamay kong nakakapit sa braso niya para pagbuhulin ang mga palad namin. Tumitig ito sa akin nang panandalian at marahang ihinarap ang mukha ko sa kaniya. "I love you, Alex." he planted a gently kiss on my forehead, down to my nose. He leaned closer on me, to kiss my lips. Hinalikan ko siya pabalik at pinag-espada ang mga dila namin. Unti-unti ko na ring ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya. Tuluyan ko nang nakalimutan ang mga nangyayari sa paligid namin dahil sa sensasyong dulot nito sa akin. Itinigil ni Xavier ang paghalik sa akin dahil may kung ano na humila sa mga laylayan ng damit namin. "Mommy, mommy! Swim lang kami ni kuya Carson ah," sabi ng unica hija namin ni Xavier na si Carsyn. She's smiling from ear to ear while pulling the last layer of my dress. Ang cute talaga ng anak ko. Mana sa ina. "Sure baby, basta h'wag kang bibitaw kay kuya, huh?" sabi ko at iniluhod ang mga tuhod sa buhangin upang magpantay kami. I kissed her forehead and waved goodbye. Nagtatakbo na ito palayo habang kahawak-kamay ang mas nakakatanda niyang kapatid. Masaya silang naglalakad patungong dalampasigan. Ang sweet talaga nilang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at iyon ang pinagpapasalamat ko sa Diyos. May poprotekta na sa unica hija ko kapag nawala kami. Malapit nang mag-takipsilim kung kaya't lumilitaw na rin ang ganda ng kalangitan. Sobrang nabubusog ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang langit na kasingganda rin ng tanawin tulad ng mga anak ko na masayang naglalaro kasama ang isa't-isa. "Nga pala, hon?" tawag ni Xavier sa akin upang bumalik ang aking wisyo. "Ayaw mo bang mag-enjoy? Tignan mo 'yong mga bata, ang liligaya," naka-tawang sabi ng asawa ko at inakbayan ako. Pinagbuhol ko na lamang ang mga daliri namin habang nakapatong iyon sa balikat ko. "Natatakot lang ako, hon," pag-amin ko. Sakto namang nag-tama ang mga mata naming muli. Napangiti ako sa ganda ng facial features nitong asawa ko. Kung nagpa-ulan ng kaguwapuhan ang langit, malamang ay sinalo nito lahat. Ang buhok nito ay malinis ang pagkakagupit, hindi gaanong bilugan ang mukha, malalapad ang mga panga, mapupungay ang mga mata ngunit bilugan. Matangos ang ilong nito pero sakto lang ang hulma sa mukha niya dahilan para matukoy ko ito na perpekto. Mapula at maninipis ang mga labi ni Xavier kaya masarap kahalikan. Natawa na lamang ako sa huling sinabi ng aking utak. Matangkad si Xavier. Mga nasa 6'4 ang taas niya. Malaki rin ang pangangatawan nito at mahahalata mong araw-araw nag-wo-work out. Muli akong nagbaling ng tingin sa mga matang mapang-akit na mayroon siya. Malungkot ang mga ito samantalang nangangamba ang sa akin. Bigla ko na naman kasing naalala iyong lalaking nakausap namin kanina. Hindi sa nag-iisip ako ng masamang mangyayari sa aming dalawa, nakakatanggap na rin kasi kami ng mga death threats na isinasawalang-bahala ni Xavier. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at hinalikan ang aking buhok. "I'm sorry, honey... inilagay ko ang mga buhay niyo sa panganib. But I promise you, I'll do anything and everything just to protect you and my children..." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at hinalikan itong muli sa labi. Gumanti din siya hanggang sa lumalim na naman ang tagpong iyon. Naramdaman ko na lamang ulit ang paghila ng kung sino sa laylayan ng suot ko. Nang tignan ko, ang mga anak na naman namin, as usual. Pagkabitaw namin ni Xavier sa isa't-isa, tinignan kami ni Carsyn na para bang nandidiri sa nakita at kunwaring nasuka-suka. Si Carson naman ay nag-iwas nang tingin at napakamot na lamang sa kaniyang batok. Nagkatinginan pa kami ni Xavier kung kaya't sabay kaming natawa sa naging reaksyon ng mga batang ito. "Yuck! Stop kissing mommy, daddy! I'm still a baby!" at tinakpan ni Carson ang mga mata niya. "Let them, sissy! For me, it's okay. Because when you kiss someone, it means you love them." tinanggal na niya ang pagkakatakip sa mata ng kapatid at ninakawan ito ng halik sa pisngi. Napangiti na lang kami ni Xavier dahil lumaking malapit ang dalawang cute na mga batang 'to. Grateful talaga ako na si Carson ang pinagkaloob sa amin ng Diyos. "So you love me, kuya?" tuwang tanong ni Carsyn na nakatingala pa sa kambal niya. Mas matangkad kasi si Carson dahil lalaki siya. "Of course, kuya loves you. Forever and always. Remember that, sissy!" tugon niya sa kapatid at hinalikang muli, ngunit sa noo. Inakbayan na rin niya ito at ginulo ang buhok. Napa-pout na lang ang baby namin na sobrang tataba ng pisngi. Our baby is so cute, aww. "I love you too kuya!" tugon ni Carsyn at pilit inabot ang kapatid niya upang halikan din sa pisngi. Bumaba naman si Carson ng kaunti para maabot siya nito. "Mas mahal kita," aniya. "Mahal ko po kayo mommy, daddy!" at nagbaling naman siya ng atensyon sa amin. Akala ko ay makakalimutan na kami, e. Natawa tuloy ako. Hinila niya si Carson palapit sa amin at nag-group hug kaming apat. Binuhat naman ni Xavier ang cute na bata at sinakay ito sa balikat niya. Hinawakan naman ni Carson ang kamay ng nakababata niyang kapatid. Xavier held my hand too. Napangiti na lang ako dala ng kilig na bigla na lang dumapo sa aking sistema. Habang naglalakad kami patungong tabing-dagat, nagkukwentuhan na ang magkapatid samantalang nagtititigan naman kami nitong napaka-g'wapong mister ko. "Daddy, baba mo na ako. Lalaro pa kami ni kuya," sabi ni Carsyn dahilan para maghiwalay ang mga mata at kamay naming dalawa. Agad niyang ibinaba ang bata mula sa kaniyang balikat. Hinawakan naman ni Carson ang kamay ni Carsyn saka sila nagtatakbo palayo. "Wag lalayo, huh? Ingat kayo!" paalala ko. Muling ibinalik ni Xavier ang pagkakahawak sa kamay ko. Naglakad-lakad pa kami sandali nang maramdaman na naming pareho ang pagod. Hapon na rin kasi kaya hindi na ganoong mainit ang singaw ng hangin. Tanaw na tanaw namin mula rito ang dalawang bata na naglalaro ng habulan sa buhanginan. Manang-mana sa ama nila. Malikot din itong si Xavier, e. Naalala ko pa noon, noong panahon na nagde-date pa lang kami. Dito niya ako dinala. Para kaming mga bata noon na masayang naglalaro. Hindi namin iniisip ang problema sa black society. It's like we're the only center of the universe. Ngayong ang mga edad namin ay nasa 30's na, ang sarap na lang balikan ng mga memories naming dalawa. Worth it lahat. Worth it na ipinaglaban ko siya kina mama. "Naaalala mo na naman iyon, 'no?" pang-aasar ni Xavier dahilan para hampasin ko siya nang mahina sa braso. "Shh! H'wag kang maingay! Marinig ka nila, e," nahihiya kong sabi at nag-iwas ng tingin. "Wala naman akong specific na sinabi, a?" pang-aasar niya ulit at pinagdiinan pa 'yong word na specific. Napatakip na lang ako sa aking mukha. Inakbayan na lamang ako nito. Kasabay no'n ay ang paghilig ko sa balikat niya. "I love you, Xavier..." sabi ko dahilan para itingala ko sa kanya ang aking ulo. Nagtama ang mga mata namin at bago pa muling magdampi ang aming mga labi, nasabi na lang niya ang mga salitang, "Mahal na mahal din kita, Alex. More than you love me.." Pagkasabi ni Xavier no'n ay bigla na lamang kaming nakarinig ng dalawang malalakas na putok ng baril mula sa hindi kalayuan. Kaagad napatayo ang asawa ko kung kaya't nadamay ako. Bumitaw ako sa kamay ni Xavier upang puntahan ang mga bata na gulat at takot dahil sa mga narinig. Papalapit pa lamang ako sa kanila ay may nagpaputok na namang muli ngunit mas malapit na ngayon sa puwesto namin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot kaya nagmamadali kong pinuntahan ang mga anak namin at niyakap ang mga ito. "H'wag na kayong matakot, mommy is here." hinimas ko ang buhok ni Carsyn upang pigilin ang luha nitong papatulo pa lamang. "I'm not scared, mommy. Carson is strong," pahayag nito at inakbayan ang kapatid. Tumayo na ako at binuhat si Carsyn habang nakahawak naman si Carson sa kamay ng kapatid. Naglakad kaming tatlo papalapit kay Xavier, nang bigla na lamang itong bumagsak sa buhanginan. Nanlaki ang aking mga mata at dali-dali itong pinuntahan. Maagap kong ibinaba si Carsyn kasama ang kambal niya. "Xavier!" alalang tawag ko rito at dali-daling lumuhod sa damuhan upang i-check ang kalagayan niya. Wala na siyang malay at mabagal ang paghinga. Kinapa-kapa ko ang dibdib nito at ipinilig ang aking ulo pahiga sa kaniya upang marinig kung mayroon pang heartbeat. "Please, wake up!" mariing utos ko at iyinugyog siya. Nagsimula nang tumulo ang luha sa aking mga mata habang haplos-haplos ang kaniyang magkabilang pisngi. "Xavier! H'wag ka ngang tutulog-tulog diyan! Wake up, please!" I can't stop sobbing so hard until I ran out of breathe. "Xavier, w-wake u--" I was about to pass out, when my senses came back to me as I woke up. "Honey, are you okay?" alalang tanong ni Xavier habang tinatapik ang braso ko. Nakasandal ako sa dibdib niya noong magising ako. "What happened?" mahinang tanong ko. Bigla na lamang akong nakaramdam ng tubig sa aking pisngi. Nang hawakan ko iyon ay luha pala. "I think you're dreaming or having a nightmare rather," paliwanag ni Xavier at inalalayan akong makasandal nang maayos sa back seat ng sasakyan namin. Kaagad kong hinanap sina Carsyn at Carson na mahimbing na natutulog sa gilid namin. "Gaano na katagal ang biyahe natin?" tanong ko dito at sandaling nag-inat. Humikab rin ako habang nakataas pa ang dalawa kong mga braso, nang sumagot si Xavier. "Half an hour," tugon nito sabay tingin sa suot na relos. Hinanap ko ang aking hand bag upang ayusan ang sarili ngunit bigla na lamang pumreno ang sinasakyan naming van. Muntik pa akong masubsob sa flooring, mabuti na lamang at maagap akong napakapit sa front seat. Nagising sina Carsyn at Carson na muntikan na ring bumagsak. "What happened, manong?" asik ni Xavier sa driver namin. Magsasalita na sana ito, nang bigla kaming makarinig ng isang malakas na putok ng baril na dahilan upang bumagsak ang ulo nito sa manibela ng Van. Tumama iyon sa busina kung kaya't kasabay ng mga tili namin, ang pag-iingay ng sasakyan. Unti-unting dumaloy ang dugo mula sa ulo ni mang Arcing. Nanlaki ang mga mata ko nang makita rin si manang Lydia na nakasandal naman sa front seat ngunit duguan rin. Kaagad kong binuhat si Carsyn at ikinandong sa ama niya at ganoon rin ang ginawa ko kay Carson na ikinandong ko naman sa akin. Isang malakas na tunog muli ng baril ang umalingawngaw sa tahimik na paligid at tunog ng isang makina na ginagamit sa pagputol ng puno. Tunog... Chainsaw! "Oh my God!" napatakip na lamang ako sa aking bibig at nanginginig na binalingan nang tingin si Xavier. "Calm down, hone--" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang gumasgas ang tunog ng chainsaw sa sinasakyan namin. Napatili ang mga anak ko sa takot, maging ako. In this kind of situation, I really don't have the courage to stay strong as people told me to be. "I'm scared, Xavier..." pahayag ko rito na may halong takot sa boses na nanggagaling sa akin. He was about to speak again, when the intruder finally break the van's door and showed in front of us. Ngumiti ito nang mala-demonyo habang isa-isa kaming pinagmasdan mula ulo hanggang paa. He waved his gloved hands at my children, still wearing his devilishly smile. They seem frightened and scared, so am I, while my husband kept his posture tenaciously and firm. "How was the last vacation of this family? Did it went well?" may halong panunudyo sa boses nito at ipinatong ang kamay sa likuran ng front seat. Akma pa itong papasok sa loob, nang tumayo si Xavier at ihinarang ang sarili niya upang takpan kami. "Don't try to look like a superhero, mr. Knight. Your time has come," he said while smirking at my husband. Umayos na ito nang pagkakatayo sa labas ng van at may iniutos sa mga kasama niyang malalaking lalaki na ang suot ay itim na mga office attires. Nagbaling na sila ng atensiyon sa amin at naunang hinila palabas ang aking asawa. "Xavier!" Tuluyan na nilang nahitak palabas ang mister ko at inilayo sa kinalalagyan namin. "Hi, Mrs. Knight," bati no'ng mala-demonyo na lalaki kasabay nang pagbitbit sa akin ng dalawa niyang alagad. "Bitawan niyo ako!" at tuluyan na akong nagpumiglas sa dalawang lalaki na hawak-hawak ang magkabila kong braso. Dinala ako ng mga ito sa harapan ng boss nila. The guy caressed my cheeks using his palm while his other hand is roaming around my neck. He tried to plant a kiss on my lips but I hastily turned my gaze away. He wrung my jaw and quirked my face in front of him. "Why are you doing this?!" He sneered at me and bit his lips. A tear escaped from my eyes after hearing what he said. I succumbed everything, including my strength to fight against my fate. I guess this is it. This guy in front of me was right. Our time has finally come. We must face the consequence being the leaders of Black Society. He went along towards me then whispered these words to my ears saying, "Gusto ko lang namang ipalasap sa'yo ang langit, sa huling pagkakataon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD