Chapter 5

2328 Words
Aoi NAPAIGTAD ako nang biglang sumigaw ang pinsan ni Reen na si Zairel mula sa counter kung saan ito nakatayo. Hindi ko alam kung anong problema niya, pero simula nang dumating kami rito kaninang umaga ay hindi na maganda ang tingin niya sa amin.  Nakabibigla lang, hindi ko kasi akalain na sa unang araw ko rito ay ganito na agad ang makikita at maririnig ko. "Kanina ka pa, Maureen! Bakit ba sobrang bagal mo? Late ka na ngang pumasok, ang kupad-kupad mo pang kumilos! Anong akala mo? Boss ka rin dito? Hindi purkit mabait ang mommy ko sa 'yo ay aabusuhin mo na! Nagpapaligsahan na lang kayo ng kaibigan mo. Ang bagal niyo! Nakikita n'yong ang dami-daming customer, 'di ba?" Napakagat ako sa 'king ibabang labi dahil sa kanyang mga sinabi. Hindi na rin namin napigilan na magkatinginan ng kaibigan ko dahil doon. "Kailangan ba talagang ipahiya tayo rito, Prend? So pathenic,” bulong niya sa akin habang hawak-hawak ang isang tray na pinaglagyan ng orders na inihatid niya sa mga customer. Bahagya akong yumuko saka mahinang nagsalita. “Pathetic yata 'yon, Friend?” Mahina siyang natawa. "Kaya mahal kita, eh. Pero hayaan mo na muna ako. Medyo seryoso tayo ngayon,” mahina siyang pumalatak pagkatapos ay umayos ng tayo. "Ano ba, ha? Tatayo na lang ba kayo diyan at magkukwentuhan? ‘Yan ang hirap sa inyong mga dukha, eh! Mga tamad kayo kaya ganyan ang mga buhay niyo!" muling bulyaw sa amin ni Zairel. Tuluyan na akong napayuko dahil sa kahihiyan na dala ng mga sinasabi nito. Hindi ako makapaniwala sa ugaling pinakikita niya. Ibang-iba, kumpara sa kanyang ina. Huminga ako nang malalim, pagkaraa'y nag-angat ako ng tingin. Ibabaling ko sana ang aking mukha sa pinsan ng kaibigan ko, pero napako ang aking mga mata sa mga estudyante na kung hindi ako nagkakamali ay nag-aaral sa eskuwelahan na nasa harapan nitong shop ng Tita ni Reen.  Titingin-tingin sila sa amin nito. Ang iba ay napansin kong nagbubulungan pa, habang ang iba naman ay tatawa-tawa. Hindi ko man sigurado kung kami ang kanilang pinag-uusapan at pinagtatawanan, pero hindi ko mapagkakaila na tila nilulukob ako ng hiya sa mga oras na ito. Pinaghalong insulto at diskriminasyon ang nararamdaman ko ngayon, tila gusto kong umalis dahil sa balasik na litanya ng anak nang may-ari ng shop na ito. Kung sa akin ay ganito na ang epekto ng mga sinasabi niya, paano pa kaya sa kaibigan ko na paniguradong nagtitiis lamang dito?  Ewan ko ba, pero ngayon lang kasi ako napahiya ng ganito sa trabaho. Mas nakakahiya kaysa sa nangyari sa CBC kagabi. Mabuti pa nga ro’n, kahit sobrang yaman at sikat na ng may-ari ay nananatili pa rin itong mapagpakumbaba at may malasakit sa kanyang mga empleyado. Bigla ko tuloy naalala ang tagpo kagabi nang matapunan ako ng mainit na kape nang isang babae. Mabuti na lang ay nakita ni Ma’am Vansha ang tunay na nangyari. Kung hindi, malamang ay wala na ako sa CBC. Sino nga ba ang may gusto na maging mahirap o dukha lang gaya ng sinabi niya sa amin? Nakakainis, dahil mukhang dito pa lang ay mauubos na ang inipon kong libo-libong pasensya.  Napabuga ako nang hangin saka tumingin sa ‘king relo. Tila nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang oras.  Alas-d’yes na ng umaga. Maghahanda na ako, para sa pagpasok sa pangalawa kong trabaho. Sa CBC. Umalis ako mula sa kinatatayuan namin kanina ni Reen. Nagpaalam ako sa kanya, pero ang pinsan nito ay tila hindi nababawasan ang enerhiya sa pagsasalita dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagpaparinig sa amin. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na lumapit sa kanya. Dumiretso ako sa kusina, hindi lang para mag-prepare kundi para matapos na ang paglilitanya nito. Sana. ‘Yon ang aking mithi. Huminga ako nang malalim. Bakit naman kasi hindi na lang niya itikom ang bibig niya? Wala naman kasi akong nakikitang problema maliban sa ugali niya.  Ang lahat ay ginagawa ni Reen. At kahit bago lang ako rito, alam ko sa sarili ko na maayos ko rin ginagawa ang trabaho ko. Pero ewan ko, dahil para bang pilit niya pa rin kaming hinahanapan ng butas para pagsalitaan ng masama. Alam ko na hindi nagkakalayo ang mga edad namin, pero kung tratuhin niya kami ay para bang mas bata kami ng kaibigan ko sa kanya.  Sana ay ibagay nito ang edad niya sa kanyang ugali at itsura. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang sumulpot sa ‘king harapan si Reen. “Okay ka lang?” bungad niya. Ngumiti ako sa kanya. “Oo naman, ikaw ang okay lang ba? Saka— hindi ka ba n’yon hahanapin sa labas?” tanong ko. “Nagpaalam ako, ang sabi ko ay gagamit lang ako ng CR,” aniya, pagkatapos ay umirap ito sa hangin. "Huwag mo na lang pansinin. Hayaan mo siyang manawa sa kadadaldal diyan, malay mo naman, ‘di ba? May dalaw lang,” sabi ko. "Hay nako, Prend. Nawa’y maubusan ng dugo. Halos araw-araw ba naman mukhang may dalaw, eh. Parang nagsisisi tuloy ako na dinumunyu kitang pumasok dito,” nakanguso niyang sambit. Bahagya akong natawa sa kanya. "Dumunyu talaga?” Ngumiti ako, “Hayaan mo na, hindi naman yata magtatagal ‘yung Tita mo sa ibang bansa. Aalis din ako agad.” Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pero naglakad ako papuntang restroom para magpalit ng uniporme. "Sabay tayo mamaya, p’wede ba? Dadaanan na lang kita,” sambit niya matapos kong makapagpalit. "Sige, walang problema,” tugon ko nang makalabas sa banyo. “Mauna na muna ako sa ‘yo, ha? Mag-iingat ka rito. Kaya mo ‘yan.” Matamis akong ngumiti nang tumango siya sa akin, pagkatapos ay nauna na akong lumabas sa kanya. NAKANGUSO ako habang naglalakad papasok sa CBC. Agaran akong umalis sa shop ng Tita ni Reen matapos ang apat na oras na duty ko. Ayoko lang ipakita sa kaibigan ko, pero sa unang araw nang pagtatrabaho ko ro’n ay dismayado na agad ako dahil sa bigat nang pagsalubong sa akin ng pinsan nito. Kahit ang kumain ay hindi ko na nagawa pa, dahil hindi ko gusto ang atmospera sa lugar na iyon. Pakiramdam ko nga’y mas napagod pa ako ro’n kaysa sa halos siyam na oras na itinatagal ko sa tunay kong trabaho. Pa ‘no ba naman kasi, ang hirap gumalaw at kumilos doon. Masahol pa sa CCTV kung umasta ang pinsan ng kaibigan kong si Reen. Magtitiis na lang muna ako, hanggang sa makabalik si Tita Ara. Hindi rin kasi talaga nakakatulong sa kalusugang pangkaisipan ang ugali ng anak nitong si Zairel. Ewan ko ba, pero napakahirap niyang pakisamahan. Nang makapasok ako sa loob ay inilapag ko agad ang dala kong bag, pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng mga fresh milk na ilalagay sa ref. Tulad nang nakasanayan kong gawin sa araw-araw pagtapos ko mag-in. "Awie.”  Nilingon ko ang katrabaho kong si Kuya Axel.  “Pakilabas naman ‘yung carrot cakes at red velvet cupcakes na bagong dating pagtapos mo sa ginagawa mo. Kaunti na lang kasi ‘yung nasa estante. Pakiayos na lang, ah? Parating na kasi sina Ma'am Van, kasama si Ma'am Vinsha. Mas okay kung maabutan nilang maayos na lahat dito,” atas niya. "Okay, Kuya,” nakangiti kong tugon. Nang matapos ako sa ginagawa ko'y agad akong pumasok sa stock room, hinanap ko ang bagong deliver na sinasabi ni Kuya Axel. Inuna kong buhatin ang carrot cake nang mahagip ito ng aking mga mata. Nagpabalik-balik ako hanggang sa mapuno ang estante, tulad nang binilin sa ‘kin. Ganito ako sa loob nang dumaan na limang buwan.  Hindi kabigatan ang trabaho rito, okay rin ang sahod, pati na ang may-ari at mga katrabaho ko kaya maswerte talaga ako sa kanila. Gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na isipin ang patungkol sa pag-aaral ko. Kung sana lang ay may kakayanan ako upang makapagtapos ng pag-aaral, hindi ko na sana kailangan pang magdoble kayod para kumita ng pera. Gustuhin ko man ang bumalik sa eskuwelahan pero mas kailangan ni nanay ng pang-maintenance.  Lumabas ako mula sa stock room matapos sa ginagawa ko. Napansin ko na marami-rami na rin ang customer na pumapasok dito. Gaya sa kabilang shop, karamihan doon ay mga estudyante. Maganda kasi ang p’westo nitong café, bukod sa kalsada na ay nasa tabi pa ng eskuwelahan. Patuloy kong iginala ang aking mga mata. ‘Yung iba ay pamilyar na sa akin dahil sa dalas dito, ang iba naman ay bago lang sa paningin ko. Marami na siguro sa kanilang nagsisiuwian o tapos na sa kani-kanilang klase, kaya dumiretso na ang mga ‘to rito. Bigla akong natigilan nang makita ko na biglang bumukas ang glass door ng entrance at iniluwa n’yon si Ma'am Vansha kasama ang kapatid nitong si Ma'am Vin.  Ngumiti ako sa kanila saka bumati. "Good morning, Ma'am Vin. Good morning po, Ma'am Van."  "Good morning,” sabay nilang bati sa akin habang nakangiti. Napaayos ako mula sa ‘king kinatatayuan nang maya-maya pa'y nahagip ng aking mga mata ang papasok na si Sir Dale. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napangiti nang makita ko ang kasama niyang isang napakagandang babae na may maamong mukha.  Medyo maingay ang paligid dahil na rin sa musika na tumutugtog, pero hindi nakatakas sa ‘king pandinig ang pagtawag ni Sir kay Ma’am Vin at Ma’am Van. Napalunok ako nang huminto sila sa harap ng counter. Ewan ko, pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit habang pinagmamasdan silang masayang magkakasama.  Ano kayang pakiramdam ng mayroong mapagmahal na ina at ama? Masaya siguro magkaroon ng isang buong pamilya . . . Sana ay kasama ko rin ang ama ko para buo kaming tatlo nila nanay.  "Awie, kinakausap ka ni Ma'am Van.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang mahina akong tapikin ni Kuya Axel. "Uhm, s-sorry . . .” "Tinatanong niya kung okay ka na raw ba,” imporma nito sa akin.  Umayos ako ng tayo at humarap kay Ma'am Vansha. "Sorry, Ma’am. Y-yes po. Okay na po ako," sabi ko. "Mabuti naman kung gano’n. Diyan na muna kayo, ah? Have a good day." Matamis siyang ngumiti sa amin matapos sabihin iyon, pagkatapos ay naglakad na siya papasok sa VIP room kasama ang kapatid nito.  "Kumusta naman? Mabuti hindi nagpaltos ‘yung balat mo,” salita ni Kuya Axel. "Ou nga, eh! Kung nagkataon ay malaking abala pa sa akin, Kuya. Mabuti na lang talaga ay hindi bagong kulo ‘yung kape no’ng babae na bumangga sa 'kin kagabi."  "Hay nako, hindi ko alam kung maniniwala ka pero— banned na rito ‘yung babae na nagmaldita sa inyo ni Ma'am Vansha kagabi,” imporma niya sa akin.  Seryoso akong tumingin sa kanya. “Sigurado ka ba diyan, Kuya? Pero pa ‘no naman iyon mangyayari?" nagtataka kong tanong. "Oh, ‘di ba? Hindi ka rin naniwala. Ewan ko, pero sa tagal ko rito na nagtatrabaho ay first time lang ni Ma'am Vansha magpatawag ng meeting kagabi, matapos ka niyang pauwiin.” Bahagyang nangunot ang noo ko. “Bakit daw, Kuya? Para saan?” muli kong tanong. “Pinagsabihan niya kami, na kapag bumalik daw ‘yung babaeng gumawa ng eksena kagabi ay tawagin daw namin siya, isa pa ay pinagbawalan kami nitong istimahin 'yon,” bahagya siyang napailing dahil din sa sinabi niya. "Siguro ay talagang nasagad lang ng babae na iyon ang pasensya ni Ma'am kagabi," sagot ko.  Ngumiti lang ito at nagkibit-balikat, pagkatapos ay bumalik sa ginagawa niya. "Dolce Latte for Mr. D!" anunsyo nito.  "Ako na, Kuya. Ihahatid ko.” Iniabot niya sa akin ang tray.  “Sure. Diyan sa naka-jacket at naka-cap,” turo nito sa gawi kung saan naro’n ang isang lalaking nakaupo malapit sa entrance. Nakangiti at maingat akong naglakad papunta ro’n. "Good morning, Sir,” bati ko nang makalapit dito pagkatapos ay ibinaba ko ang order nito sa table niya. “Here's your Dolce Latte, Sir.” Napalunok ako nang hindi ako nito pansinin. “Thanks for your order, Sir. Have a good day.”  Umalis ako matapos iyon sabihin, hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil sigurado ako na wala itong balak na magsalita, dahil kahit ang mag-angat ng tingin sa akin ay hindi niya ginawa. Weird. Bumalik ako sa counter kung saan naroon si Kuya Axel. Inisang lingon ko siya nang magsalita ito matapos kong ilapag ang tray na hawak ko. "Ang haba talaga ng hair mo, Awie.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sa tuwing mahahagip kasi ng mga mata ko 'yang lalaki na iyan, grabe ang tingin sa ‘yo. Isa pa, walang araw na hindi 'yan pumunta rito,” dagdag pa nito. Sandali akong tumingin sa lalaking nilapitan ko kanina, pagkaraa’y agad ko rin iyon binawi. "Ano ka ba, Kuya Axel. Hindi ba p'wedeng masarap lang talaga ang coffee at cakes dito kaya binabalik-balikan? Mahal lang kasi talaga, kaya okay na ‘ko sa three and one na nabibili sa tindahan," sagot ko. "Sus, lalaki rin ako.”  Umalis siya matapos sabihin iyon. Siguro ay dahil wala pang na-order na iba, kaya maghahanap ito ng ibang magagawa. Binalikan ko ng tingin ang lalaking parang ayaw magpakilala dahil sa suot nito. Nagulat ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin, pero hindi ko nakita ang buo niyang mukha dahil natatakpan iyon ng sombrero na kulay itim. Napansin kong agad siyang nagbaba ng mukha. Siguro ay dahil nakita rin nito na sa kanya ako nakatingin.  Naputol iyon nang tawagin ako ni Ma'am Vansha.  Napakagaang talaga ng loob ko sa kanya, bukod doon ay ramdam ko na gano’n din siya sa akin. Ang swerte ko dahil siya ang boss ko. Sobrang swerte.  Sana lang ay hindi siya magbago sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD