Mikell Walang paglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ko, habang pinanonood ang babaeng pinakamamahal ko na nakikipaglaro sa 'ming bagong prinsipe. Our Akiro Carpio Devara. I am so in love with them. Wala na ‘kong mahihiling pa, dahil sila ng aming mga anak ang kayamanan na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano at kanino man. “Love, can you call Mommy Irieth now? Pakitanong naman kung matutuloy sila ngayon dito nila Dad? Miss na miss ko na kasi ang panganay natin,” malambing na sambit ng asawa ko sa akin. Matamis akong ngumiti rito bago lapitan. Hinuli ko ang kanyang mga mata saka siya magiliw na hinalikan sa kanyang noo, pababa sa ilong nito, hanggang sa kanyang mga labi. “Love, si Akiro . . .” hindi ko alam kung ini-impormahan lang ba ako nito o dumadaing dahil sa ginagawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


