CHAPTER 2

1660 Words
NAKAUPO NA sa gilid ng kama si Arianne habang patuloy pa rin sa paghagulgol.  Inabutan siya ng lalaki ng tubig na hindi na rin niya tinanggihan. “I’m Danniel Bustamante,” pakilala nito.  “What’s your name?” “Arianne.”   “Nice name.” “Huwag mo akong bolahin at wala ako sa mood.”  Ibinalik na niya rito ang baso. “Hindi naman kita binobola.  Talagang maganda ang pangalan mo.  Bagay sa iyo.”  Simple lang nitong inilagan ang ibinato niya ritong unan pagkatapos ay itinaas nito ang baso.  “Refill?” Masamang tingin lang ang ipinukol niya rito.  Hindi nito siniseryoso ang sitwasyon niya kaya wala na siyang balak na magtagal doon. “No, thanks.  Aalis na ako.  I shouldn’t be here anyway.” Subalit humarang ito sa daraanan niya.  “Hindi dapat kitang binibiro ngayon, alam ko.  I’m sorry.” “You should be.” Tumango-tango lang ito.  Pagkatapos ay iminuwestra nito ang kung ano sa mukha niya.  “Kung lalabas ka na, mas mabuting tuyuin mo muna ang pisngi mo.” Pinalis lang niya iyon ng kanyang kamay.  Still, he didn’t let her pass.  Umiinit na ang ulo niya.   “Meron pa,” wika nito saka idinampi ang sarili nitong mga daliri sa kanyang pisngi.  “Let me.” Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya hindi na siya nakapag-react pa upang pigilan ito.  Hindi rin niya inaasahan na magiging napakabanayad ng pagdampi nito sa kanyang pisngi.  Napatingin na lang tuloy siya sa mukha nito.  Wala naman siyang nararamdamang takot dito kaya siguro ay hindi naman ito gagawa ng masama.  Kunsabagay, kahit naman pagtangkaan siya nito ay kayang-kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.  And then he smiled at her.  Napaurong siya palayo rito nang wala sa oras.  She wasn’t scared.  Kaya lang, may kung anong meron sa ngiting iyon na tila ba nagustuhan niya.   Kung ganon bakit siya umatras palayo?  Kung gusto naman pala niya ang ngiti nito? “Who had hurt you, Arianne?” And why does his voice seemed to soothe her wounded heart?  “Bakit mo tinatanong?  May magagawa ka ba?” “Kung sasabihin mo sa akin, baka sakaling may magawa ako.” “Bakit?” “I told you, mahina ang puso ko sa mga babaeng umiiyak.” “Hindi na ako umiiyak.”   “Who hurt you?” ulit nito sa tanong. “Ericson.” “Your boyfriend?” “Ex.” “Nasaan siya?” Talagang seryoso itong ipagtanggol siya?  Sira ulo.  “Huwag mo ng abalahin ang sarili mo.  Tama ng pinainom mo ako ng tubig.  Sige, paalam.” “Ihahatid na kita.” “Marunong akong maglakad.”  Pagbukas niya ng pinto ay tamang-tama namang pakatok na rin yata ang isang babae.   Agad nagsalubong ang mga kilay nito.  “Nasaan si Daboi?” “Ewan ko.”   “Arianne—Claire.” Nilingon niya ang lalaki sa likuran niya.  “Daboi?  Akala ko ba Danniel Bustamante ang pangalan mo?” “Daboi’s my nick—“  Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil dumapo na sa pisngi nito ang palad ng babae.  “Name.  Aw…” “Walanghiya ka, Daboi!” tungayaw ni Claire.  “Babaero ka talaga kahit kailan!  Buwisit ka!  Kung gusto mong makipag-break sa akin, sana sinabi mo na lang nang harapan!  Hindi ganitong ipapakita mo pa sa akin ang bago mong babae!” “Hindi ko boyfriend iyan,” singit niya.   “Kung hindi ka niya girlfriend, anong ginagawa mo sa kuwarto niya?  Alam mo bang lahat ng babaeng ikinakama niyan ay dito niya dinadala?” “I’m not his girlfriend.” Mapangutya siya nitong tiningnan.  “Umiyak ka, ano?  Oo, iyan lang ang dapat mong gawin para lapitan ka ng ungas na lalaking iyan!  Tinanong din ba niya sa iyo kung sino ang nanakit sa iyo?  At ipagtatanggol ka niya sa taong iyon?  Hah.  diyan magaling ang lalaking iyan.  Kung ako sa iyo, Miss, layuan mo na ang ulupong na iyan bago ka pa mapasama sa mga babaeng naloko niyan.” “Claire,” sa wakas ay singit na rin ni Daboi.  “She already told you she’s not my girlfriend.” “At sinong niloloko mo?  Kilala ko ang kamandag mo pagdating sa mga babae, Daboi.  Huwag mong sabihing magkasama kayo sa kuwarto mo at nag-jack-en-poy lang kayo?” “Kung ayaw mong maniwala, bahala ka.” “I hate you!”  Isang beses pang dumapo ang palad nito sa pisngi ng lalaki.  “Break na tayo!  Magsama kayo ng babae mo sa impiyerno!” And then the woman walked out.  Naiwan siyang sinusundan na lang ito ng tingin.   “I know how she feels,” wika niya saka binalingan ang nananahimik na lalaki sa likuran niya.  “Kayo talagang mga lalaki, mapa-bading man o mapa-maton, pare-pareho kayong walang ginawa kundi ang manakit ng babae…” Napansin niyang hinihimas nito ang namumulang mga pisngi.  Makinis at maputi ang kutis nito kaya kitang-kita ang bakas ng palad doon.  Ewan niya ngunit may kung anong damdaming bumalot sa kanya na sa maiksing sandali ay ginusto niyang haplusin ang mga pisngi nito.  He brushed up his hair and smiled at her when he noticed her. “Masakit,” wika nito. “You deserve it.”  Iniwan na niya ito. Ano ba ang pumasok sa kukote niya at naisip niyang damayan ito?  He had hurt that woman.  Just the way Ericson had hurt her.  Nakikisimpatiya siya sa babaeng iyon kaya hindi siya dapat nakakaramdam ng kung ano para sa Daboi na iyon. “Daboi, Daboi,” bulong niya habang patungo sa elevator.  “Ano bang klaseng pangalan iyon?” “A unique one.”  Sumabay pala sa kanya ang lalaki nang hindi niya namamalayan.  “Going down, Miss?” “What are you doing?” “Clicking the elevator button.”  He pushed the button on the elevator.  “Unless balak mong sa fire exit dumaan.” “Ikaw na lang.  Kung gusto mong abutan ang babae mo, mas mabuti pa nga na sa fire exit ka na lang dumaan.” “I’m not following Claire.”  Bumukas na ang elevator at iminuwestra na nitong mauna na siyang pumasok bago ito sumunod.  “Ikaw ang ihahatid ko sa ibaba.” “Sinabi ko na sa iyo, kaya ko ang sarili ko.  At bakit ako ang pinagkakaabalahan mo?  Sundan mo na ang girlfriend mo.” “Hindi ko na maabutan iyon.  Anyway, kahit naman abutan ko siya, sampal lang din ang mapapala ko.  Claire wouldn’t listen, kahit ikaw pa ang magpaliwanag sa kanya.  Kaya imbes na pag-aksayahan ko ng panahon ang isang relasyong tapos na, ikaw na lang ang ihahatid ko.” “Layuan mo ako.  Ikaw ang lalaking hindi dapat pinagkakatiwalaan.  O nilalapitan.” “Bakit naman?” nangingiti nitong tanong.  “Dahil hindi ako nanunuyo ng babaeng nakipag-break sa akin?  Ikaw, Arianne, kung sakaling naging lalaki ka at nakipag-break sa iyo ang girlfriend mo, susuyuin mo pa ba siya kahit alam mong hinding-hindi na siya babalik sa iyo?” “Oo.  Dahil kung naging lalaki ako, hinding-hindi ako mananakit ng babae gaya ng ginawa mo.  At ni Ericson.” “Ouch.  Sapol ako dun, ah.  Sige, guilty na nga ako.  Ihahatid na rin kita sa parking lot, and then susundan ko si Claire para humingi ng sorry.” Babarahin pa sana niya ito nang makita nito sa gilid ng kanyang mga mata na hinaplos naman nito ang mga pisngi nito.  It must have hurt badly if he was that bothered by it.  Pero ano nga ba ang pakialam niya?   He deserve it. Hindi na niya ito kinausap pa hanggang sa makalabas sila ng elevator.  Sinusubukan niyang maunang maglakad dito ngunit madali lang siya nitong nasasabayan. “Hi, Daboi!” bati ng babaeng nadaanan nila sa lobby. “Oh, hi there, Cristy.” “Are you free—oh, sorry.  May girlfriend ka na pala uli.  Maybe next time, we could go out again?” Hindi na niya alam kung ano ang naging reaksyon ng lalaki.  Wala naman kasi itong isinagot at nauna na siya rito sa paglabas ng lobby.   “Daboi!  Hi!” “Vesta, hi!” “New girl?” “Ahm…” “Call me when you’re free, okay?” “Sure.” Nasa parking lot na siya ay hindi niya malalamang nakasunod pa rin sa kanya si Daboi kung hindi pa niya narinig ang pagbati rito.  Ng isa pang babae na kalalabas lang sa isa pang kotse roon. “Hey there, handsome.” “Hi.” “Are you free tonight?” “Ah—aw!” malakas itong napasinghap nang buong puwersa niyang binuksan ang pinto ng kanyang kotse.  At dahil nasa likuran lang naman niya ang lalaki, hagip na hagip ito niyon.  “Arianne, naman…” Hindi niya ito pinansin at pumasok na lang siya ng kanyang sasakyan.  Ngunit pinigilan niya ang pinto bago pa man niya iyon maisara.  Pagkatapos ay sumilip ito sa kanya at ngumiti. “Ingat sa biyahe.” And then he let her go.  Sinundan na lang niya ito ng tingin nang maglakad ito pabalik sa hotel.  What’s with him?  Nag-aksaya na ito ng oras sa paghahatid sa kanya sa parking lot, tila balewala rin dito ang masaktan niya ito.   “Anong problema niya?” bulong niya sa sarili.   Nakita niyang bago pa man ito makarating sa entrance ng hotel ay dalawang babae na ang sumabay dito.  Masayang nagkuwentuhan ang mga ito.  Pagpasok naman ng lobby, isa pang babae ang nakisali sa munting grupo ng mga ito.  It was like he was some kind of magnet to women.  They were just drawn to him, even when he was just walking into a room. “Nakakabahing siya!”  Nanunulis ang nguso niya nang buhayin ang makina ng kanyang kotse.  “If I know, isa rin siyang paminta!  Hmp!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD