A little continuation of the previous chapter...
At the age of 10, sinabihan si Denise ng lola niya na kaya lang pala pinakasalan ng kanyang ama ang ina niya ay dahil sa mayaman ito and now that her mom is gone? Kinuha ni Joseph ang pera ng kompanya.
"Lola, where is lolo by the way?" tanong niya.
"Well.. he also left me for another woman before."
Agad na kumunot ang noo ni Denise tsaka biglang tumayo at sinipa ang upuan.
"That's why I hate every single guy. Why did they ever lived lola."
"Anak, hindi naman lahat ng lalaki pare-pareho. You'll understand more when you grow up."
"No lola. I won't understand and I don't want to understand. I will hate them forever."
***
PRESENT... 10 YEARS LATER....
Third Person's POV
Malaki na si Denise with the age of 17. Nakatira parin siya sa bahay ng lola niya which is mayaman rin. Bukas na ang first day of school niya as a Senior High School Student sa Red Woods Academy.
"Lola, ba't kailangan ko pang mag-transfer sa pipitsuging paaralan na yun?"
"Na kicked out kana kasi sa C.U. kaya hindi na pwede."
"Ughh. Ok fine." sambit ng dalaga at pumasok sa kwarto niya. Nandoon ang uniform nya na white na blouse tucked in a maroon skirt na two inches above the knees at with matching cardigan which is maroon din at may logo ito sa gilid na Red Woods Academy. According to the rules, makakasuot ng kahit anong sapatos/heels or anything for the feet kaya napagdesisyunan niyang magsuot ng sneakers para bukas.
"What a slutty uniform. Kasing pangit ng pangalan ng school." panlalait niya habang nakatingin sa uniform.
***
The next day…
"Bye lola."
"Bye apo. Mag-ingat ka."
Lumabas na ng gate si Denise at ang driver niya? Babae. She wouldn't prefer a guy kasi nga, ayaw na ayaw niya sa mga lalaki.
Hindi siya nakamake-up at nakahigh-ponytail ang mahaba, wavy at natural brown niyang buhok. The uniform suits her very well at makikita ang hugis ng katawan nito. Sexy siya. Well, what do you expect from the daughter of a ramp model and a fashion designer tapos ang ama niyang gwapo din?
Bumaba na siya sa black porsche niya without saying a simple 'thank you' o kahit anong word sa driver niya. It is definitely not in her vocabulary.
Taas noo siyang naglalakad with her usual and emotionless face papasok sa gate ng Red Woods Academy.
"Woah. Ganda pare."
"Chicks na chicks."
"Grabe ang hot."
Ilan lang yan sa komentong natatanggap niya mula sa mga lalaki pero ni hindi niya nilingon o tiningnan malang even for a second.
"Oh gosh. Kala mo kung sinong maganda tong newbie na to." Komento ng unang babae.
"I know right sis. Ang pangit naman. Naka sneakers pa? Like eww. Ang cheap ng fashion sense. Siguro walang pambili ng heels." Dagdag ng pangalawa.
"I agree." And of course, ang pangatlo.
"Mukha siyang pokpok." Meron pang ika-apat.
Denise came to a halt. Lumakad siya pabalik sa apat na babae with poise while carrying her Prada Bag.
"Alam niyo, alam kong ang ganda ko and inggit lang kayo and I don't give a damn if I'm new here. And you.” Sabay turo kay girl number two.
“Alam mo ba kung ba't ako naka sneakers?"
Tumaas lang ang kilay ng babae.
"Kasi para madali akong makagalaw kung may away. Gusto niyong sample? It would be nice for me to be welcomed in that kind of manner." She said with a smirk.
Kahit hindi ipahalata ng apat, nakaramdam sila ng takot kay Denise. Nakaagaw atensyon narin sila sa ibang estudyante.
"Whatever miss. Hindi mo ba kami kilala-----" hindi natapos si girl number one sa sasabihin niya.
"Duh b*tch. Malamang. Baguhan nga diba but the hell I care kung sino man kayo? Tss. Pathetic people." And with that, she flipped her hair.
"I hate you already!" inis na sigaw ni girl number four.
Denise turned her head half way to the left and smiled sweetly.
"Girl, I wasn't born to please you. I hate your existence. Sana mawala ka na." sabay lakad niya palayo.
Sila? Shocked.
'Sige lang. Patikim lang yun.' isip-isip ni Denise.
Nasa section IV-B siya napunta. Matalino naman siya pero tamad lang talaga minsan. Umupo siya sa pinakalikod kung saan may bakante.
"Good Morning Class. I'm Mrs. Gina Sienes and from now on, I'm your adviser."
Nagsitayuan naman ang mga estudyante para bumati pabalik. Tumayo si Denise pero tikom lang ang bibig niya.
"Well, we have a new student here. Ms. Vega, can you come infront and introduce yourself?"
"I'm Denise Monica Vega. 17." sabi nito at umupo ulit.
"Bobo. Di nakakaintindi ng come infront.." bulong ng lalaki sa harapan niya pero rinig niya.
Kumalabog ang unahang upuan ng kaklase.
Sinipa niya ang likod ng upuan nito kaya natumba ang upuan tsaka nasubsob ang lalaki sa sahig.
"Woaahhhhhhhhhhh!"
"Miss Vega!" hindi pinansin ni Denise ang guro.
Tumayo ang lalaki habang nakahawak sa ilong niya na dumugo at humarap ito kay Denise. Dinuro siya nito.
"You bit-------"
Hindi rin natapos ng lalaki ang sasabihin kasi hinablot niya ang braso ng lalaki at pinaikot sa likod niya tas binagsak sa sahig.
"Aww!"
"Miss Vega! Principal's Office! now!"
She offered her middle figner.
Gulat sila lahat.
Lumabas ng classroom si Denise ng hindi man lang nagpaalam at dumiretso ito sa canteen. Magcucutting siya sa first subject niya kaya siya lang ang tao doon.
"Dalawang ube na ice cream." order niya.
Ito kasi ang palaging nagpapakalma sa kanya sa tuwing nas-stressed siya.
***
Lunch…
Since wala namang kaibigan si Denise, kumain siyang mag-isa sa canteen pero sanay na naman siya. Nakalat nga sa campus yung ginawa niya sa mga babae at pati narin sa kaklase niyang lalaki.
Pinagtitinginan siya at binibigyan ng ilan ng masasamang tingin. Her reaction? Nothing. Wala siyang pakialam.
Malapit na siyang matapos kumain ng may dalawang babaeng lumapit sa kanya na may kasamang tatlong lalaki sa likod nito. They are all seniors kagaya niya.
Sila ang mga popular na bullies ng school.
"Hey you." tawag ni Rona sa kanya pero hindi siya pinansin ni Denise at nagpatuloy lang sa pagkain niya. Nainis si Rona.
Tahimik na ngayon ang buong canteen.
SLAM
Si Jamille iyon. Ang bestfriend ni Rona. "Pag kinakausap ka namin, makinig ka." she said through gritted teeth.
Tiningnan siya saglit ni Denise. Nagkibit-balikat at kumain ulit. Fries na naman ngayon ang kinakain niya.
"Iww. Wala kang kapoise-poise kumain." komento ni Rona.
Deadma siya ulit.
"Damn you!"
Ngayon tumayo na si Denise at nag-inat ng konti tsaka kinuha ang bag niya.
"Ang daming bubuyog. Sobrang ingay." sabi nito at akmang aalis na pero hinarang siya ng dalawang babae.
"Angas mo ring babae ka! Sino ka ba ha?!"-Jamille
"Denise Monica Vega. Your worst nightmare." simpleng sabi nito at aalis na sana pero napigil ulit.
"You want war?! I'll------"
Tumba si Jamille sa suntok ni Denise. The people gasped.
"Jam!!" sabay tulong ni Rona sa kaibigan at pati narin yung tatlo pang lalaki.
"Dalhin siya sa room natin!" inis na utos ni Jam. Dadalhin SANA nila si Denise dun para I-bully lalo. Lumapit naman ang tatlong lalaki sa kanila but....
She kicked and punched them. Tumba sila in less than 5 minutes.
"I told you. I'm your worst nightmare."
"You freak!" -Rona
"You monster!"-Jam
May ilan ring nagkomento pero hindi na niya pinansin at lumabas na siya ng canteen.
Naglibot siya sa school at napadpad siya sa likod ng court. Walang tao doon at may malaking puno. Umupo siya sa ilalim ng kahoy and plugged her earphones tsaka pumikit.
***
Nang nagising si Denise, 1:55pm na. Ibig sabihin, late na siya ng 25 minutes sa first subject niya na Social Studies.
Pumasok siya sa classroom.
"Why are you late Ms. Vega?" tanong ng guro pero tiningnan niya lang ito at naghanap ng bakanteng upuan sa likod.
Umiling nalang ang guro at pinabayaan na.
Marami ng takot sa kanya kasi mabilis nga kumalat ang mga ginawa niya. Sila naman ang nangunguna.
Uwian…
Pumasok na sa loob ng kotse si Denise para makauwi na. Pagkapasok niya sa front door, nadatnan niya ang lola niyang nakaupo sa living room. Ng nakita siya, tumayo ito.
"Lola."
"Apo. Nabalitaan ko na naman ang mga ginawa mo."
"Well, sila po ang nagsimula tsaka masanay na kayo. Ganito talaga ako."
"Hindi apo.. hindi ka ganyan noon..." nalulungkot na sabi ng lola niya.
"Lola, kung pag-uusapan na naman natin ang nakaraan ko, wag na po. Makakasira lalo ng araw ko."
Tumango nalang ang kanyang lola at binigyan siya ng matipid na ngiti. Nagpaalam siya na pupunta siya sa kwarto niya.
Matapos magbihis, napasalampak siya sa kama niya.
"What a life."