Chapter 1

1080 Words
Ava KALAHATING oras na bago ang appointment ko ay nandito na ako sa lobby. Mas mainam na ang maaga ako kaysa mahuli. Kailangang kailangan ko ang trabahong ito. Nag-aaral pa si Amaya at si Arya ay kasisimula pa lamang sa hospital. Pinagmasdan ko ang itsura ng lobby. Talagang pinag-isipan ang disenyo at ang mga nakadisplay na gamit ay tunay na mamahalin. Kahit yata magtrabaho ako ng isang taon ay hindi ko mabibili ang plorera na iyon. Mukhang yari sa kristal at madaling mabasag pero sobrang ganda.    Kinse minutos bago ang interview ay tumayo ako pero saglit na natigilan ng makita ko ang isang lalakeng matangkad. Itim ang suot nitong suit at walang ibang adorno kundi isang relos na mukhang mamahalin rin.Ang mukha n'ya ay maiikumpara sa mga model na nasa billboard -- lamang ay mas gwapo ang lalakeng ito ng madaming paligo. Tinapunan n'ya ako ng isang tingin pero saglit lang at dirediretso itong nagtungo sa elevator. Okay, so hindi n'ya ako type. Pogi nga, ubod naman ng suplado at mukhang hindi marunong ngumiti. Yuck.  Ang hindi ko inaasahan ay ang makaharap s'ya sa final interview. Ang malaking opisina n'ya ay biglang lumiit sa paningin ko bigla sa nerbyos. "Tell me about yourself, Miss Ava Campana," tanong nito. Bahagya akong napalunok sa mapanuksong tingin nito sa akin hindi ko alam kung may pagnanasa o may iba pang ibig sabihin ito. Tumingin ako sa kaniya ng tuwid pilit na ngumiti.  "My name is Ava Campana, 23 years of age. Tubong Negros ako at doon nagtapos ng kolehiyo. Panganay sa tatlong magkakapatid," sagot ko sa kaniya.  Muli ako nitong pinasadahan ng tingin. "Status?" narinig kong tanong nito.  Napataas kilay akong muling sinalubong siya ng tingin. "Uhmm-- single," nahihiya ko pang sagot.  Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Sinamaan ko siya ng tingin ng muli ko siyang sulyapan. "May nakakatawa po ba?" pikon kong tanong sa naging reaksyon niya. Anong bang nakakatawa sa pagiging single? Sinagot ko naman ng tapat ang tanong n'ya kanina. Isa pa, paano ba naman kasi ako magkaka-boyfriend? Bata pa lamang ako marami ng nakaatang na responsibilidad sa mga kamay ko. Bilang panganay, tungkulin ko na tulungan ang mga magulang ko lalo na sa mga nakababata kong mga kapatid na si Amaya at Arya. Bigla kung naramdaman ang lungkot ng maalala ko sila. Ang tagal ko na rin pala na hindi nakakauwi.  Narinig ko ang pagtikhim ni Sir. "I don't mean to laugh." Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya. "San na nga tayo ulit?"  "Why are you single?" ilang sandali narinig kong tanong nito sa akin.  Ako naman ang siyang bahagyang natawa sa tanong nito. Why I am single? Hindi ba nasagot na iyon ng utak ko? Hindi ko naman siguro kailangan sagutin pa ang tanong niya. Besides hindi kasama sa isang interview ang tungkol sa kung bakit single. As far as I know -- single, married or annulled lang ang marital status na kailangang isagot.  Muli ko siyang sinamaan ng tingin.  "I don't mean to be rude, Sir but I would rather have a formal interview. I already told you that I am single. But I don't think the reason behind it should be discussed during an interview like this." Agad na pumormal si Sir at hindi na nagpilit pang itanong kung bakit single ako. Akala ko ay tutuloy pa ay baka tuluyan ko na s’yang mabara.  "How do you cope with stress? Do you have any hobbies?" "I like to read and cook when I have time. When I am in the province, I go swimming with my sisters.  "How long have you been working as a secretary?" "Since I graduated -- almost three years now." Isinara n'ya ang file ko at sumandal sa upuan n'ya. "You know, the company has received a phone call from Mr. Valderama." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang pangalan ng dati kong boss. Ibig sabihin ba nito ay hindi na naman ako matatanggap sa trabaho? Pero bakit ako aabot sa final interview. "You look bothered. Can you tell me why you left your last job?"  "I prefer not to talk about it, Sir. But if you insist, you can always the last company I worked for." "Nah, I don't really care for Mr. Valderama. He's a pig. So I'm sure, if you left his company -- there is a valid reason. Malalaman ko rin naman ang dahilan in due time. Sa ngayon, huwag na muna natin pag-usapan kung hindi ka komportable.  "Thank you, Sir. I appreciate it." "Don't mention it. So, when can you start? It's already Thursday, but I really need someone tomorrow." "Tomorrow is fine, Sir. I'll be here. Do we start at eight or night?" "I usually come in at nine in the morning." "Okay, I will be here a that time too." "That would be all. Please see the HR downstairs  on the fifth floor. I already signed your hiring letter. Fifty thousand a month to start okay with you?" Napanganga ako. Singkwenta mil?? "Yes, Sir. Pero hindi po ba masyadong malaki 'yon?" Napatawa ito. "That's the same wage as all the secretaries I have fired within the last few weeks." Narinig ko ang ilang empleyado na pinag-uusapan ang mga sekretarya na hindi makatagal dito. Sana naman ay makayanan ko ang isang taon na paninilbihan sa kanya. Kung singkwenta mil ang sahod ay makakaipon ako ng mabilis at makakatulong pa ako kina Nanay. Tamang tama lang sa pag-aaral ni Amaya. "Thank you, Sir." Tumango lang ito at ngumiti. "You're welcome. Welcome to Zobel Inc., Miss Campana." Finally, may trabaho na uli ako. Talagang kapag nagsasara ang pintuan ay may nagbubukas na bintana. At ito na 'yon. Ang sahod ko sa inalisan kong kumpanya ay bente mil lang ang sahod. Ngayon ay higit pa sa doble ang kikitain ko. Salamat sa inyo, Diyos ko! Talagang napakabuti mo sa akin. Sa Linggo ay magsisimba ako at magpapasalamat.  Matapos ang paguusap namin ay tumayo na ako at nagpaalam.Pero bago pa ako nakalabas ng opisina n’ya ay nagpahabol ang boss ko. “Dapat pagkatapos ng probation mo ay hindi ka na single,” ngumisi s’ya sa akin at kumindat.  Inirapan ko s’ya at nagpupuyos ang loob ko na lumabas ng opisina n’ya. Take it easy, Ava. Katatanggap lang sa iyo sa trabaho. The last thing you want to happen ay bawiin ang offer. Fifty thousand is no joke and you badly need it.  Still, he nerve of that guy! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD