Henzy's Pov: Ilang araw na din ang nakalipas ng marinig ko mula sa bibig na Bryant na gusto niya ako. Pero ng araw na din na iyon ay kinausap niya ako ng kami lang dalawa, nalungkot ako sa kanyang sinabi. *flashback* Pagkatapos kung marinig ang kanyang sinabi ay kumabog ng husto ang dibdib ko, ramdam kung namumula at uminit din ang aking pisngi. Gusto niya ako? Kailan pa? Gusto kung tumili, kiligin, at hampasin si Airy na siya pang mas nagpapakita ng kilig sa aming dalawa. Pero nangingibabaw ang hiya ko dahil sa aking narinig. Biglang tumayo si Bryant at humarap sa akin, ang kanyang mga mukha ay namumutla. Dahil siguro sa kahihiyan. Hinablot niya ang braso ko at hinila ako kung saan."Hoy Bryant saan mo dadalhin kaibigan ko?" tanong ni Airy na pasigaw. Pasigaw din siyang sinagot ni

