Umaasa si Sum na kahit konting pagbabago man lang sana ang maibigay ni Alas sa kanya ngayonh nakabakasyon sila. Subalit pakiramdam ni Sum kahit konti ay walang nagbago, pero hindi siya nagrereklamo umaasa pa rin siya. Naipagdasal ni Sum na sana ay doon na tumira sina Don Arthur sa Villa para tuloy pa rin ang pagpapanggap nila ni Alas hanggang sa magka-developan silang dalawa. "Alas, isakay mo na naman si Sum sa jetski nakaupo na lamang kayo diyan." Puna ni Arvin sa mag-asawa. Napatikhim naman si Alas at sumulyap ito kay Sum na tahimik lang sa isang tabi. Nakatingin si Sum sa dagat kung saan nagkakasiyahan ang kanilang mga kasamahan. "Makirot pa ang operasyon ko," sagot ni Alas. "Oo nga pala nakalimutan ko tuloy. Mabuti na lamang at matiyaga si Sum na sinasamahan ka dito." Turan ni Arvi

