Napaangat Ang aking pwetan nang Makita Kong dumating na si Alas. Gabi na at ayon sa mga kilos nito ay lasing siya, hinintay ko siya bago din ako matulog. Hindi ba't ganoon naman ang Isang ulirang asawa? "Alas," sambit ko tamang lakas lang ng aking boses upang makarating sa kanyang pandinig. Huminto naman si Alas at marahas na tumingin sa akin na para bang ano mang oras ay sasagpangin niya ako. "Lasing ka," sabi ko pa sabay lapit sa kanya upang sana ay alalayan siya. Subalit mabilis niyang tinabig Ang aking mga kamay sabay tulak sa akin. Pinakatitigan niya ako sa mga mata niyang nanlilisik. "Bakit? Sino ka ba sa Akala mo ha? Sa uulutin, huwag mo akong hihintaying makauwi baka magkasakit ka eh 'di kargo de konsencia ko pa?!" Asik na sagot ni Alas sa akin. "Hindi Kasi ako makatulog," ka

