Nalukumos ni Alas ang hawak nitong diyaryo. Iyon ang pampalipas niya ng kanyang oras sa tuwing hindi siya dalawin ng antok. Papunta na sana siya sa may kubo nang marinig niyang masayang kumakain sina Tim at Sum. Kaya napabalik siya ng kanilang kwarto ng wala sa oras. Pabagsak siyang humiga kapagkuwan ay muling tumayo at nagpunta sa may terasa ng kwarto. Napabuga siya nang hangin at tumanaw sa malayo iniisip niya kung papaano niya mapapatalsik si Tim sa Villa agad. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang pakay sa kanya ni Tim kung negosyo ba o ang asawa niyang sa tingin niya ay easy to get talaga. "Akala ko ba matutulog ka na?" boses ni Sum. Agad na napaismid si Alas hindi niya nilingon ang kanyang asawa. "Bakit anong balak mo kung maaga sana akong matutulog? May usapan kayo ni Tim na mag

