Kinabukasan. Maagang nagising si Sum, gusto niyang mag-jogging sa likuran ng Villa. Malawak naman iyon, gusto niyang mawal kahit konti ang sakit na kanyang nararamdaman. Nararamdamang sakit na paulit-ulit lang idinudulot sa kanya ni Alas. "Hi! Good morning beauty, mahilig ka din pala sa jogging." Anang ng isang boses pagkababa ni Sum sa may sala. Paglingon nito ay nakita niya si Tim nkagayak din at handa ng mag-jogging. Napilitang ngumiti si Sum sabay suot sa kanyang headband. "Hindi naman lagi, medyo mabigat kasi ang pakiramdam ko kaya gusto kong magpapawis." Sagot ni Sum. "Kung ganoon, sabay na tayo!" Masiglang turan ni Tim at nauna na itong naglakad papuntang maindoor. Napailing-iling na lamang si Sum at napilitan na itong sumunod sa binata. Ang plano niyang maging mag-isa lang pa

