Pagkatapos nang nangyari ay hindi na ulit nagkausap sina Sum at Alas. Medyo dumidistansya kasi si Sum kay Alas dahil sa titig pa lamang nito ay alam na niyang hinuhusgahan siya ng kanyang asawa. At nagkayayaan pang mag- born fire sila sa may cottage pagkatapos dumilim. Hindi na sila nag-order ng mga lutong pagkain bagkus ay bumili sina Arvin ng mga seafoods na puwedeng iihawin. Gumawa naman sina Kate at ang iba ng barbecue at hotdogs naman sa mga bata. Bale last day na nila bukas kaya susulitin na nila ngayong gabi para kinabukasan mamasyal-masyal na lamang silang lahat. "Umiinom ka ba Sum?" Tanong ni Claudia nang aabutan niya sana ito ng lady's drink. "Konti pero mga mild lang like sanmig light ganyan." Kiming sagot ni Sum. Agad namang tumigil si Alas sa pagpapaypay nito sa uling na na

