Papunta na sana ako sa may hardin nang muling tumawag si Alas. Hinabol ako ni Jenna upang sabihing nasa telepono ang asawa ko. Mabilis naman akong tumalima at tinungo ko ang kinaroroonan ng telepono. "Alas," bigkas ko nang iangat ko na ang telepono. "Ang tagal mong sumagot, where is your damn phone!" Singhal agad ni Alas sa kabilang linya. Bahagyang nailayo ko ang hawak kong telepono sa aking tainga. Medyo natulig ako sa malakas na boses ni Alas at halatang galit ito. "Nasa kwarto ko," walang gana kong sagot. Sino ba naman ang gaganahang mag-selpon kung limitado lang ang dapat mong gawin. Limitado lang ang kailangan mong kalikutin sa selpon mo kaya nawalan na ako ng interes na magka-selpon "Ang dami ko ng messages sa'yo check mo!" Marahas pang utos sa akin ni Alas. "Narito ako sa ba

