Third POV Tahimik si Sum na sumama kay Arvin bago pa sila tuluyang pumasok ay humarap ang binata sa kanyang hipag. "I'm sorry Sum, sa ginawa ni Mommy. Sana huwag kang magsasawang intindihin siya," malungkot na sabi ni Arvin. Kiming ngumiti si Summer. "Naiintindihan ko siya bigla kasi akong umeksena sa buhay niyong lahat," Ngumiti din naman si Arvin. "Sometimes, hindi natin naiintindihan ang mga nangyayari pero sure naman na may purpose ito. Alam kong hindi din maganda ang turing sa'yo ni Kuya kagaya ng sinabi ko, huwag ka sanang magsasawang intindihin sila." Saad nito. Marahang tumango si Summer kahit na hindi nito alam kung hanggang kailan siya iintindi. Kahit na walang kasiguruhan kung hanggang kailan siya magiging open minded. "Mahal ko siya Arvin, noong bata pa lang ako alam kon

