Hospital. Hindi ko tinulugan si Alas tinurukan nila ito nang pampakalma kaya nakatulog. Manaka-naka ko siyanh haplusin sa ulo habang nakatitig sa kanyang mukha. Ang sabi ng Doktor na tumingin sa kanya ay appendicitis at kailangan na siyang operahan. At dahil hinanap nila ang kamag-anak niya para pumirma sa waver nagpasya akong magpakilala bilang asawa niya. Kita ko sa mukha ng Doktor kanina ang pagkabigla at pagtataka pero wala itong sinabi. Malalim na ang gabi nang mapansin kong wala pala akong suot na tsinelas o sandal. Dahil sa sobrang pag-aalala at taranta ko kanina ay hindi ko namalayang nakayapak lamang pala ako. Marahan akong umupo sa tabi ni Alas na wala pa ring malay. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ko ipinatong ang aking ulo sa gilid ng kama. Iniharap ko ang aking mukha sa m

