DARA saw the red lipstick under the couch. Naalala niyang nahulog nga pala ang mga laman ng bag niya sa kotse ni Dash noong nasa chapel sila. Kung nakita at napulot ito ni Dash sa kotse ay marahil napagtanto na nito kung sino si Dara. She sighed and picked up the phone and the lipstick. Ipinatong niya lahat sa lamesite na katapat ng sofa ang mga bagay na napulot sa sahig. She stared at the lipstick and then to his phone. She picked up the cellphone and realized that there is a set passcode na apat na digits lang ang kailangan. Paglingon niya kay Dash ay bahagyang nakanganga pa ito habang natutulog. She decided to try opening the phone by guessing the password. Dahil hindi alam ni Dara ang petsa ng birthday ni Dash at dahil apat na numero ang passcode ay nanghula siya gamit ang conversi

