“Madison!” Abot-tenga ang ngiti ni Madison nang pagkapasok niya sa bahay ni Samael ay si Ruby kaagad ang nakita niya, bumisita lamang siya dahil balak niyang imbitahan sina Ruby para sa 18th birthday niya sa sabado. “Ruby!” Niyakap niya ito ng mahigpit. “Wow, you’re really living here na?” Tumango si Ruby. “At ngayon mo lang naisipan na bumisita!” Napakamot siya sa ulo. Busy kasi siya sa school at sa pagpa-practice ng sayaw para sa debut niya. “I went here to invite you to my debut,” aniya at binigay kay Ruby ang invitation card. “Pumunta kayo ni Samael, ha? Nakasulat diyan kung ano ang theme!” “Hala! Eighteen ka na!” excited na sabi nito. Nilibot niya ang tingin sa paligid nang parang may naririnig siyang boses na nag-uusap, pinasingkit niya ang mata niya sa may kusina at sakto nam

