“Bakit ba kasi bigla ka na lang nag alsa-balutan at umuwi?” Napabuntong-hininga si Ruby dahil sa tanong ng kaibigan, kausap niya si Clara at Emma sa video call sa kanyang laptop. Isang linggo na mula nang umuwi siya galing sa bahay ni Samael, pagkarating niya sa dormitoryo ay nag-impake na siya ng mga damit. Hindi niya naabutan ang mga kaibigan doon kaya’t nag-iwan na lang siya ng mensahe, sinadya niyang hindi sagutin ang mga tawag nito dahil hindi niya alam ang kanyang idadahilan. Hindi naman niya pwedeng sabihin na kaya lang naman siya biglang umalis ay dahil sa mga nalaman niya sa totoong pagkatao nila Samael. Hindi naman maniniwala ang mga iyon, at bukod doon ay nangako siya kila Madison na wala siyang pagsasabihan. Kahit gano’n ay naiintindihan niya ang sinasabi nito, totoo naman n

