"Stay with me." Wala sa sariling tumango si Agatha para sumang-ayon sa sinabi ni Billy. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya, parang kinikiliti ang tiyan nya. Ang bilis din ng t***k ng puso nya, hindi nya alam pero nakakaramdam sya ng tuwa. Ayaw nya akong umalis? Bakit natutuwa ako? Hu-hu-hu! What's happening to me ba? Nakita nya ang muling pagtaas ng magkabilang gilid ng labi ni Billy. Hindi nya maiwasan na humanga sa itsura nito. Ang gwapo nito kahit hindi ganoon malaman ang katawan. Matangkad at maganda ang tindig, ang tangos ng ilong at hugis mustache ang labi. "Tapos mo na ba akong titigan?" Nabalik sa ulirat si Agatha ng magsalita si Billy. Mabilis syang napaiwas ng tingin at tumayo. "H-hindi no! Ewan ko sayo." Sabi nya at nagmamadaling pumasok ng loob ng bahay. Pumasok s

