“Beryl, anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa kapatid pagkababa niya. Nag-angat ito ng tingin at pinagmasdan siya. “Bakit parang umiyak ka magdamag, ate?” “Hindi a,” agap niya. “Kagigising ko lang kasi.” “Tsaka paos na paos ka pa.” “Galing kami sa amusement park kahapon,” aniya at natawa. “Bakit nga pala nandito ka? Paano ka napunta rito?” Nagbuntong-hininga ito. “May sakit si Lola, ate.” Nanlaki ang mata niya. “Anong sakit? Kamusta na siya?” “Hindi siya maayos, ate. Ayaw niya rin magpadala sa ospital, ang sabi niya lang ay gusto ka niyang makausap. Kaya nagpunta ako sa dorm niyo, naabutan ko ro’n si Ate Clara at tinuro niya ang bahay na ito.” Napahawak si Ruby sa kanyang noo. “Bakit hindi ka na lang tumawag sa’kin?” “Tinatawagan ka namin pero hindi ka sumasagot.” Natigilan siy

