Kabanata 01

1932 Words
ADRIEL'S POV Mariin ko ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagkawala ng mahinang daing mula sa bibig ko. Sobrang sakit ng likod ko, pakiramdam ko din ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Bukod sa mga iniindang sakit ay ramdam ko din ang pagtama ng araw sa balat ko, maging ang mga mata ko'y natataman kaya naman kahit nakapikit ay bahagya pa rin ako nasisilaw. Nakakarinig din ako ng huni ng mga ibon, sinubukan kong pakinggan ang paligid ko para malaman kung nay kasama ba ako. Nang walang marinig ay nagpasya akong imulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang pinakabubong ng sa tingin ko'y tree house. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong nakahiga ako sa isang papag. Sinubukan kong bumangon, sa kaunting galaw ko palang ay narinig ko na ang paglagutok ng buto ko sa likod. Napangiwi ako sa sakit. Nagawa kong makaupo, itinungkod ko ang kaliwang kamay ko sa papag bilang suporta. Sinubukan kong lumunok, naramdaman ko nanaman na parang may nakabara duon. Muli kong inilibot ang aking paningin at napagtantong hindi iyo ganon kalakihan, tama lamang sa dalawang tao. Maliwanag na sa labas, tirik na ang araw. Nakaramdam ako ng gutom, muli kong iginala ang paningin ko kung mayroon bang makakain sa kubong ito. Nakakita ako ng maliit na aparador hindi kalayuan sa pwesto ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad ng may pag-iingat, bukod kasi sa masakit na likod na aking iniinda ay nag-aalala akong baka may makarinig sa 'kin at malamang gising na ako. Ilang hakbang lamang ang aking ginawa, humawak ako sa mga gilid gilid bilang suporta dahil pakiramdam ko'y titimbawang ako ano mang oras. Binuksan ko ito ay nakitang may isang balot ng biskwit at dalawang bote ng tubig duon. Kinuha ko balot ng biskwit saka ito binuksan. Kumuha ako ng isa at saka piniras ang pakete bago isubo ang pagkain. Iilang subo pa lamang ay ubos na ito. Daglian kong ibinaba ang balot sa katabing mesa ko bago hinablot ang isang bote ng tubig at saka binuksan. Mabilisan kong ininom ito. Nakailang biskwit na ang aking nakain, nagkaroon na ng laman ang aking tiyan, bahagya na ding umigi ang aking pakiramdam. Nagpasya akong magpahinga ng ilang sandali bago dumungaw sa bintanang katabi ng papag na hinigaan ko kanina. May kataasan ang kubo, ang baba ay lupa na may kakaunting damo. Nilibot ko ang paningin ko, maraming puno na nakapaligid. Nakakapagtakang wala akong nakikitang taong nakabantay sa kubo. Umalis ako sa pagkakadungaw sa bintana bago nilapitan ang pinto. Bahagya ko itong binuksan at saka sumilip. Sinigurado ko muna kung may bantay ba sa labas. Nang masigurong wala ay muli ko iypng isinara bago muling nilapitan ang aparador kung nasaan ang mga suplay ng pagkain. Kinuha ko ang natitirang bote ng tubig. Kukuha na sana ako ng mga pagkain nang may sumaging katanungan sa isip ko. 'Paano nga ba ako napunta dito? Ano ang nangyari sa taong sumakal sa akin kagabi? Sino ang mga taong nagpaulan ng daan daang bala sa sasakyan ko?' Nabalot ako ng matinding pagtataka at takot nang maalala ko ang pangyayari kagabi. Mas nakakatakot ang sinapit ko sa taong iyon kaysa sa mga taong bumaril sasakyan ko. Ipinilig ko ang ulo ko saka winaksi ang mga katanungang iyon. Mas mabuting makaalis na ako dito bago pa bumalik dito ang taong iyon. Mabilis ang naging kilos ko, ibinalot ko ang lahat ng importanteng bagay na kakailanganin ko sa paglalakbay ko. Nasa gitna ako ng kagubatan, wala kahit na anong alam kung saang lupalop ako ng mundo! Ibinalot ko lahat ng iyon sa may kalakihang tela na nakita ko kanina. Daglian akong lumabas ng kubo at maingat na bumaba sa may kahabaang hagdan. Sa wakas ay nakababa na ako.Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar, sinisiguro kung may mababangis na hayop bang maaaring umatake sa akin. Nang masigurong wala ay nagpasya akong pumunta sa kanang bahagi ng gubat. Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko din ang kapaligiran ko, nag-iingat lang. Pamilya kami ng mga hunter, pero sa aming lahat ay ako lang ay hindi hilig ito. Bata pa lang ay sinasanay na kami pero di katagalan ay hindi na ako nagpatuloy sa ensayo. Hunting isn't my thing. Mas gusto kong mag-explore. Sinubukan kong ipaliwana sa pamilya ko iyo pero hindi nila iyon tanggap. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot. Mabilis kong iwinaksi sa isip ko ang mga isiping iyon, nagpatuloy na lamang ako sa paglalakbay. Kailangang makalabas na ako dito, as soon as possible. Sa tantiya ko ay magdadalawang oras na din akong naglalakad, paminsan minsan ay tumitigil para magpahinga. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang posibleng daan palabas ng gubat na ito. Nananakit na ang mga binti at paa ko sa mahabang lakaran.Tingin ko'y aabutin ako dilim ay hindi ko pa rin nahahanap ang daan palabas. Isa pa ay hindi ko dala ang cellphone ko, naiwan ko iyon sa sasakyan. Tuloy ay hindi ko alam kung papaano makokontak ang pamilya ko, paniguradong hinahanap na nila ako. Daglian akong napatigil nang makarinig ako ng kaluskos sa gilid ko. Inihanda ko ang aking sarili.Itinuon ko ang paningin ko sa kung saan ko narinig ang kaluskos. Napapitlag ako nang makarinig ako ng mahinang daing ng kung ano sa likod ng matataas na kumpol ng damo. Kasunod niyon ay ang mahinang alulong ng lobo.Paano ko nalamang lobo?Dahil sinanay na kami noon pa malaman ang uri ng hayop base lamang sa tunog nito. Nang magpakwala ito ng panibagong hiyaw ay dahan dahan akong naglakad patungo sa ibang direksyon.Nasa bandang kaliwa ko kasi ito. Kanina lang ay humarap ako sa direksyong iyon upang masiguro na padedepemsahan ko ang kung ano mang atakeng gagawin nito. Astang hahakbang ako sa kabilang direksyon ay narinig kong muli ang mahinang atungal nito,tila nagmamakaawa. Dala ng konsensya ay pikit mata akong humarap muli sa direksyon na iyon.Dahan dahang naglakad patungo sa lobo. Marahan kong hinawi ang mga damo para makita ko ang kalagayan ng kawawang nilalang.Nakahiga ito habang humuhinga ng malalim,patuloy din sa pagdugo ang bandang batok niya at binti.Kitang kita din ang malaking kalmot niya sa kaniyang tagiliran,puting puti ang kaniyang balahibo kung kaya't kitang kita ang mantsa ng dugo. Bahagya nitong ibinaling ang kaniyang ulo at itinuon sa akin ang nangungusap niyang mga mata,tila nagmamakaawang tulungan ko.Napansin kong ang kaniyang bandang noo ay may naiibang kulay.May maliit duon na crescent moon at kulay itim ito.Ang parteng iyon lamang ang naiibang kulay niya.Ang mga mata nito'y kulay ginto. 'Ginto?' Ipinilig ko ang aking ulo at isinawalamg bahala ang mga katanungan.Dapat ay magamot ko muna ito,maaaring magdulot niyang ikamatay ang kakulangan ng dugo. Napabuntong hininga ako saka marahang umupo,sapat lang na hindi tumama ang aking pang-upo sa lupa.Iniluhod ko ang dalawang tuhod ilang sentimetro ang layo sa tiyan ng lobo. Sunod ay dahan dahan kong sinipat ang binti ng lobo,bahagya itong itinagilid upang makita kung gaano kalaki ang pinsala. Napailing ako nang makitang nabali ang buto nito.Sa ginawa kong pagsipat sa kaniyang sugat ay nakatanggap ako ng mahinang angil mula dito. "It's okay,I won't hurt you,"pagkausap ko dito.Bahagya ko ding inilapit sa kaniya ang kaliwang kamay ko,habang ang kanan ay dahan dahang binibitawan ang binti nito,isinaayos ko ang pwesto nito para maging komportable ito. Bahagya kong ipinatong ang kaliwang kamay ko sa kaniyang noo at marahan ito hinimas.Kita ko kung papaano pumikit ang lobo sa naging kilos ko.Napangiti ako dahil doon. Binaling ko ang aking paningin sa bandang batok niya,kita duon ang marka ng mga ipin,paniguradong may nakalaban itong lobo. Napabuntong hininga uli ako,naaawa ako sa nilalang na ito. Pumunit ako ng tela mula sa pang-itaas kong damit.Bahagyang nakalabas ang tiyan ko. Wala naman akong dapat ikahiya,biniyayaan ako ng magndang katawan.Napansin ko kung paano bahagyang napagawi ang mata ng lobo sa nakalabas na parte ng katawan ko,mabilis din siyang nag-iwas ng tingin kita ko ang bahagyang pagngiwi ng bibig nito. 'Kung totoo lang siguro ang mga taong lobo ay iisipin kong isa ka sa kanila' Iniling ko ang ulo at iwainaglit sa isip ang mga walang kabuluhang bagay na tumatakbo sa isip ko. Itinali ko ang kapiraso ng tela sa sugatang binti niya. Nakatanggap pa ako nag-angil sa kaniya,masiyado atang napahigpit ang pagkakatali ko. "Sorry," mahinang pagpapaumanhin ko dito. Hindi niya naman initindi ang iyon,ibinaling nito sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.Ipinagpatuloy ko naman ang pagbibigay dito ng paunang lunas.Wala akong sapat na kagamitan para gamutin ito. Naagaw nitong muli ang atensyon ko nang bahagya nitong inangat ang ulo at nakatutok ang mga mata sa harapan.Maya maya'y nakita ko kung paano manlaki ang mata nito,bakas ang pangamba sa kaniyang mga mata. Binalingan niya ako ng tingin bago muling ibalik sa harapan niya ang paningin,parang may sinisipat. "What's wrong?" pabulong kong pagtatanong dito,sinabi ko iyon sa pinakamahinang paraan hindi ko tuloy alam kung narinig niya iyon. Ngunit maya maya pa ay binaling nito ang kaniyang paningin sa akin,nagsalubong ang paningin namin,muli kong nasilayan ang malaginto nitong mata na puno ng pangamba. Pinilit nitong tumayo pero agad ko itong pinigilan. "Huwag ka muna gumalaw,hindi pa maayos ang lagay mo," pagkakausap ko dito na para bang maiintindihan nito ang aking inusal. Hindi niya ako pinansin at saka itinuon ang paningin sa kaniyang sugatang binti.Rinig ang kaniyang pagdaing sa bawat galaw na ginagawa niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago inalalay ang aking kamay sa kaniya,ano mang oras ay masasalo ko siya kung sakaling mawalan ito ng balanse. Sa hindi malamang dahilan ay labis ang pag-aalala ko dito. Nakatayo na ito ngunit pagewang gewang pa din.Nang masigurong balanse na siya ay duon lamang ito nag-angat ng tingin sa akin. Kung kanina'y puno ito ng pangamba,nagyon ay nakikita ko ang galit at determinasyon sa mga mata nito. Ika-ika itong naglakad sa akin,marahan niyang kinagat ang aking kamay bago hilain papunta sa nagtataasang mga damo. "Hey,anong nangyayari?" tinampal ko ang aking noo sa isip ko nang mapagtantong kinakausap ko ang lobo na akala mo ay sasagutin din ako. Gaya ng inaasahan ay wala akong natanggap na sagot dito,binitawan niya na din ang kamay kong. Sa bawat sandali ay bumibilis ang aming lakad hanggang sa maging takbo ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinakay niya ako sa kaniyang likod,hindi na iniinda ang naglalakihang sugat niya. Magtatanong pa sana ako nang makarinig ako ng pag-alulong ng mga lobo sa likod namin.Nanlaki ang mata ko nang mapansing mahigit sampo ang bilang ng mga ito.Kitang kita sa mga mapupulang mata ang labis na pagkagutom. Nagpatuloy ang habulan ng ilang minuto,nakakita ako ng ilog sa may kalayuan.Sa tingin ko'y nakita din iyon ng lobong sinasakyan ko ngayon. Mabilis siyang tumakbo sa direksyong iyon,nakasunod pa din ang mga lobo sa likuran namin,mas dumadami pa! Napangiti ako nang makitang malapit na kami duon,sa pag-aakalang tatalon kami. Ngunit nabigla ako nang buong pwersa itong tumigil sa pagtakbo,maluwag ang pagkakahawak ko sa kaniya ng mga segundong iyon kaya naman ay lumipad ako patungo sa kabilang bahagi ng ilog. Gumulong gulong ako sa may lupa,napadaing ako nang mapatigil ako sa pag-ikot.Daglian kong inangat ang ulo ko at saka hinanap ng aking paningin ang lobong naghagis sa akin dito. Nakita ko itong tumatakbo papalayl sa akin nakasunod sa kaniya ang maraming bilang ng mga gutom na lobo. Bahagyang namasa ang mga mata ko nang makita ko kung gaano siya nahihirapang tumakbo dahil na din sa mga sugat niya. Nawala na sila sa paningin ko,dun lamang ako nagbaba ng tingin at saka sinubukang tumayo,nararamdaman ko pa rin ang sakit ng likod ko. Nang makaayos ng upo ay binalingan ko uli ng tingin ang lugar kung saan ko siya huling nakita. Sa isip ay umusal ako ng pasasalamat sa lobong tumulong sa akin. "Thank you" ~To be continued...~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD