Prologo

1036 Words
Year 2025, people are starving to death. Crimes have reached its peak. Killings are everywhere. Villains rises anywhere. No one dared to stand up and fight. Not even a single person manage to protect their own family. Lahat ay takot na takot kalabanin ang kasalukuyang namumuno sa bansa. Ang taong sana ay naging sandalan at proteksyun ng mga tao ay siya palang kikitil sa mga buhay ng mga ito. The person whom they called the Ruler of the country was killed by a traitor, a tyrant, and this tyrant became the one who led the people. His term became the most unjust, villainous, and even murderous type of leading the crowds. Simula nang manungkula bilang bagong halal na Pinuno ng Independencia si Damion Kill ay napuno nang takot at pangamba ang puso ng mga tao. Gumawa siya ng isang batas na patayin ang sino mang kakalaban, haharang, at babali sa kanyang mga desisyon at mga panuntunan. Harap-harapan pa niyang pinababaril, pinupugutan ng ulo, at pinapapatay ang mga taong hindi sumusunod sa kanyang alituntunin at panukalang batas. Ang lahat ng ito ay nasaksihan ng isang may malasakit, may puso, at galit na galit sa mapang-imbot, corrupt, at mamamatay-taong pamumuno ni Damion Kill. Siya ang nakaligtas sa mga tangkang pagpaslang na inutos nito at nakaalis sa kapitolyo ng siyudad. Napadpad siya sa dulong bahagi ng Kabisayaan. Ang lalaking ito ay isang siyentipikong dating naging kanang kamay ni Damion Kill at ngayon ay pinaghahanap ng kanyang mga tauhan upang tuluyang patahimikin. Sa kanyang pamamalagi sa tahimik na parte ng kagubatan sa dulong Kabisayaan na iyon ay naka-imbento siya ng limang iba't-ibang klase ng potion. Ang mga potion na ito ay galing sa tubig, sa hangin, sa apoy, sa hayop, sa halaman, at sa modernong teknolohiya. Pinag-aralan niya ito nang mabuti at nagsaliksik gamit ang kanyang nalalaman at natutunan bilang isang siyentipiko. Sampung taon niyang ginugol ang kanyang oras at panahon sa mga potions na iyon. At nang nasa processing test na ito ay sinubukan niya itong ipatak sa mga hayop at halaman, ngunit nabigo siya. Hindi ito naging epektibo. Sinubukan niya ring ipatak ang mga potions na ito sa lahat ng mga bagay na gumagalaw (living things) at hindi gumagalaw (non-living things). Subalit hindi pa rin siya nagtagumpay hanggang sa dumating ang isang pagkakataon at hindi inaasahang pangyayari. Nakilala niya si Heroina, ang babaeng magpapatibok sa kanyang puso at siya palang kukumpleto at bubuo sa kanyang naumpisahang plano. Years passed by, they became lovers and their true love for each other, and their mission to wipe out the armies of Damion Kill, plotting to kill him, ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Pinangalanan nila itong Wyatt na ang ibig sabihin ay little warrior. Kay Wyatt, na kanilang nag-iisang anak naisipan ni Dmitri na subukan ang kanyang eksperimento. Isang taon matapos isilang ang bata ay pinaghalo niya ang tig-iisang patak ng tubig, hangin, apoy, hayop, halaman, at modernong teknolohiya na mga potions sa gatas na pinaiinom nito. Noong una ay natakot silang pareho sa magiging epekto nito sa kanilang anak. Hindi rin sigurado si Dmitri kung eepekto ba ito o hindi sa kanyang anak. Pero sumubok pa rin siya. Sa permiso na rin ng kanyang irog na si Heroina, itinuloy niya ang paghahalo sa gatas ng bata at pinainom niya ito. Kinalaunan, nang malaman niyang walang masamang naidulot ito sa kalusugan ng kanyang anak, hinayaan na niya muna itong mabuhay nang normal habang pinagmamasdan ang kanyang paglaki, ang kanyang bawat kilos at galaw at ang magiging ugali nito. Dahil silang tatlo lamang ang nakatira sa bundok na iyon, malapit sa Bundok Anglaon sa probinsiya ng Iktoria sa Oksidental ay nabuhay ng simple at normal na bata si Wyatt. Lumaki ang bata na nagagawa ang gusto gaya ng paglalaro ng habulan sa kanyang magulang. Nang mag-edad ito ng limang taon ay nakitaan naman ito nina Dmitri at Heroina ng kakaibang talino, lakas, liksi, at kakayahan sa maraming mga bagay. Nang sumapit ang gabi sa bundok na iyon ay napaniginipan ni Dmitri ang isang diyosa ng kalikasan na si Lualhati. Doon sa panaginip na iyon ay sinabi sa kanya na magiging isang superhero ang kanilang anak na si Wyatt at nakatakdang matupad ang propesiya sa pagpapabagsak kay Damion Kill kung hahanapin niya ang limang mga batang kukumpleto sa limang potions na ginawa niya. At dahil sa panaginip na iyon ay lalong nakumpirma ni Dmitri na isang diwata ang tumutulong sa kanya upang tumalab ang potion na kanyang ginawa sa kanyang anak na siWyatt. Lumipas pa ang mga taon at nakitaan ng mag-asawa si Wyatt ng kakaibang kapangyarihan. Kaya naman, nagpasiya si Dmitri na lisanin muna ang Kabisayaan at libutin ang Uzon, Isaya, at Indana na hindi mahahalata ng mga tauhan ni Damion, upang hanapin ang limang kabataang bibiyayaan niya ng kakaibang lakas, talino, liksi, bilis at kakayahan na maging side-kick ng kanyang anak, sa tulong na rin ng kanyang asawang si Heroina at ni Reyna Lualhati. At kapag nagtagumpay siyang mahanap ang limang mga batang ito, sila ang tatawaging modernong Underground Superheroes ng taong 2025. Sila rin ang itinakdang magiging tagapagtanggol sa mga naaapi at makikipaglaban sa mga kasamaang matagal nang naipunla ng traidor na namumuno sa kasalukuyang bansa, si Damion Kill. Sa paghahanap na iyon ni Dmitri sa limang mga kabataang itinakda ay matutuklasan din niya ang mapapait at madidilim na nakaraan ng mga ito. Matutuklasan din niya ang rason kung bakit karapat-dapat na maging superheroes ang mga kabataang ito. Limang kabataan na ang tanging nais lang sana ay katahimikan sa kanilang paligid at maging masaya kasama ang kani-kanilang pamilya, ngunit sisirain lamang pala ng diktatoryang Damion Kill, na magiging dahilan sa huli ng pangamba ng kasalukuyang namumuno. Habang pinaghahandaan nina Dmitri at Heroina na sanayin pa ang mga bata kasama na ang kanilang anak na si Wyatt, may sisibol namang limang mababangis at walang pusong mga kabataang may kaparehong kapangyarihan sa ginawang ekspiremento ni Dmitri. Ang mga malulupit at mamamatay-taong mga kabataan namang ito ang magiging katunggali at kalaban ng mga underground superheroes. Dito sa kuwentong ito magsisimula ang matinding sukatan ng lakas at kapangyarihan upang talunin ang mga nilikha ni Damion Kill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD