Chapter 8

2276 Words
PAGBALIK ni Apple sa Hotel ay hindi niya maintindihan kung bakit may parang kirot sa kanyang puso. Wala na ding gaanong tao sa 5 Star Hotel na binalikan niya—kahit ang bugaw niyang si Ivanah. Nagulat siya nang mapagtanto niyang madaling araw na pala pagkatapos niyang tumingin sa orasang nakasabit doon. Alas dose na ng hating gabi. Dali-dali siyang lumabas at pumara ng dyip saka sumakay nang mabilisan dahil sa pagmamadali. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga magulang. Hindi rin niya alam kung sasabihin niya ang totoong nangyari sa kanila. Habang nakaupo ay tila napakalalim ng kanyang iniisip na kung sisisirin ay mas malalim pa sa karagatan ng Atlantika. Hindi siya napapagod sa kakaisip. Nang biglang bumusina nang malakas ang dyip na sinasakyan niya ay nagulat siya. "Ay! Sorry po, Manong Driver! Para, ho. Bababa na po ako." Hindi niya namalayan na siya na lang pala ang tanging natitirang pasahero. Pagbaba niya at nakita sa malayo pa lang ang Apartment na kinatitirhan nilang pamilya ay muling sumikip ang kanyang dibdib. Gusto sana niyang umiyak ngunit wala nang inilalabas na luha ang kanyang mga mata dala ng pagkasagad nito. Wala nang ilalabas iyon dahil pagod na sa kaiiyak. Nang ginagamit niya ang hagdanan ng mataas na palapag ng apartment ay binalutan muli siya ng panghihinayang sa sawing kapalaran. Dahil tuwing madaanan niya ang iba't ibang tao roon, hindi niya maiwasang ikumpara ang apartment nila noon at ngayon. Sa Saudi kung saan siya lumaki ay ibang-iba sa sitwasyon nila sa Pilipinas. Iyong ngayon, ibang-iba talaga dahil sa Saudi ay napakatahimik ng mga taong nakakasalubong niya. Minsan ay kakatukin lang sila para lang bigyan ng mga Saudi food at tubig. Hindi nakikita ang mga babae dahil nakatakip ng Burqa at madalas sila batiin ng mga lalakeng Saudi sa pamamagitan ng mga ngiti. Tahimik din ang kapaligiran kahit sa loob ng kanya-kanyang apartment. Kumpara sa tinitirhan niya ngayon—may mga nag-aaway na mag-asawa, nagbabangayan, mga batang naglalaro kahit saan na walang mga tsinelas, mga nagbebenta ng yosi at candy, mga kalat kung saan-saan, vandalism, mabaho na kulang na lang ay mag-amoy kubeta na ito at mga nagyoyosi at mga nag-iinuman. Naiisip tuloy ni Apple na kung hindi lang sila naghirap ay malamang, naipagmayabang din niya kay Argel ang mga litrato niya habang nakikipagsayawan sa kanyang 18 cotillion at naipagyabang ang properties nila sa Pilipinas. Ngunit hanggang panaginip na lang iyon lahat. Parang nakaw na sandali, kaya kailangan nang tanggapin ang tunay na kapalaran na mayroon siya ngayon. PAGKATOK niya sa pinto ay walang nagbukas kaya naman ay nagtaka siya at kinuha niya sa kanyang back pack ang susi at binuksan ito. Walang tao sa sala kaya naglakad siya patungo sa kwarto ng kanyang mga magulang dahil may ingay na doon nanggagaling. "Hindi ko akalaing na nagawa mo iyon sa sarili mong anak, Linda! Napakasama mo!" Sigaw ito ng kanyang amang si Adon habang nakaupo sa wheelchair at galit na galit. "Ma, bakit mo iyon nagawa kay Apple? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumadating! Natatakot na ako na baka may masama nang nangyari sa kanya. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay dapat nagtrabaho na lang ako bilang call boy. Bakit siya pa, ma?" naiiyak naman na sabi ni Ronel. "Kasalanan mo ito, Ronel! Kung hindi ka naging pasaway at bulakbol simula't simula pa lang ay hindi tayo hahantong sa ganito. Kung naka-graduate ka nang maaga ay 'di sana, sa 'yo ko na lang pinagkatiwala mga properties natin. Lintek ka! Malamang tuwang-tuwa ka pa na nangyayari ito sa atin—sa kapatid mo! Sasaya ka na dahil wala ka nang gagastusan pa ng pag-aaral? Ang kapal pa ng mukha mong ipagsigawan sa akin na magtatrabaho ka bilang call boy? Inamin mo rin na libog lang ang kaya mong ipagyabang! Punyeta ka!" Biglang sumigaw si Linda habang namamaos na sa kaiiyak, "Tama na 'yan! Parang awa mo na, Adon. Tama na! Ginawa ko lang naman iyon dahil ayaw ka namin mawala. Tingnan mo ito," aniya sabay ipinakita ni Linda ang isang receipt galing sa Pharmacy na may presyong five thousand pesos. "Ito ang presyo ng gamot mo, Adon. Mahal na mahal kita at ayaw ko na mawala ka sa piling ko—sa piling ng iyong mga anak! Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang aking gagawin kaya naisipan ko na ibugaw ang anak natin." "Pero mali, Linda. Alam mo naman na iba ang kinalakihan ni Apple. Pinanganak natin siya sa Saudi—isang konserbatibong lugar. Ni hindi man lang 'yan nakikisalamuha sa mga lalake o mahawakan nino mang lalake maliban sa akin at sa Kuya niya. Masyado natin siyang prinotektahan sa kanyang pagdadalaga. Ni pagbo-boyfriend ay aware tayo at alam mo kung paano ako todo-bantay sa kanya kasi ka-isa-isa natin siyang anak na babae. Unica hija natin siya. Sa totoo lang, masyado mo akong dinismaya sa ginawa mong ito. Iwinala mo lahat ng respeto ko sa 'yo. Pagkatapos kita bihisan, mahalin, ituring na parte ng buhay ko at lahat lahat na, babalik at babalik ka pa rin sa kung saan ka nagmula? Isang putang inang puta—bayarang babae! "Kung bakit ba mas pinili kita kesa kay Delilah! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pati anak natin ay dinamay mo pa. Anong pagkukulang ko sa 'yo? Alam mo, mas gugustohin ko pang mamatay kesa makita ko ang anak natin na binababoy ng kung sino-sinong lalake dyan sa tabi-tabi. Putang ina talaga!" Hindi napigilan ni Adon ang galit at biglang lumabas ang mga luha sa kanyang mata habang nagsasalita nang malakas hanggang sa pahina nang pahina dala ng kanyang emosyon. "Pa." Natigilan silang tatlo nang marinig nilang tatlo ang boses ni Apple. Natahimik silang lahat sabay napatingin sa kinatatayuan ni Apple at pumunta't niyakap nila ito nang mahigpit dahil sa buhay na buhay ito. "Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa 'yo sa labas, bunso. Salamat sa diyos at okay ka," sabi ni Ronel—yakap-yakap ang kapatid habang umiiyak "Sorry, anak. Sorry, patawarin mo ako," anas naman ng ina niyang si Linda habang umiiyak din at pinupupog siya ng halik sa ulo. Sinabi niyang okay lang siya para hindi na mag-alala ang dalawa. Pagkatapos ay lumapit siya sa ama niyang si Adon. "Pa, 'wag na kayong magalit kay mama. Okay naman ako. Nagawa lang iyon ni mama dahil sa pagmamahal niya sa inyo. Hindi niya ako pinuwersa," umiiyak na sabi ni Apple. "Kung mahal niya ako, dapat hindi ka niya idinamay pa," inis na sagot ni Adon sa kanya. "Pa, please. Kahit i-check niyo pa ang katawan ko. Wala man lang galos. Tsaka wala kayong dapat ipag-alala dahil ang first customer ko ay si Argel. Walang nangyari sa amin." Biglang nagulat ang tatlo at hindi nakapagpigil ay sumingit naman si Ronel, "Wait, you mean iyong dati mong kababata?" "Oo, Kuya. Siya nga! At kumukuha siya ng kursong piloto ngayon. Sa katunayan nga ay binigyan pa niya ako ng trabaho dahil ayaw din niyang nagtatrabaho ako bilang—alam niyo na," nakangiting kwento naman ni Apple na kulang na lang ay lumutang siya sa kilig. "Alam mo, simula't simula pa lang ay magaan ang loob ko sa batang iyan. Kung papakasalan ka niya ay papayag ako. May nangyari ba sa inyo? Kasi kahit binigyan ka niya ng trabaho ay hindi ako papayag na hindi ka niya mapakasalan." Natawa naman si Apple. "Ilang beses ko bang sasabihin na wala, Ma at Pa? Maniwala kayo kasi may Fiance na siya." "Anong trabaho ang ibinigay niya sa 'yo?" tanong ni Ronel. "Ito, oh!" ani Apple sabay abot ng business card ni Argel na may nakasulat na receptionist. Habang tinitingnan ito ng dalawa ay parang binalutan ng sigla ang mukha ni Adon. "Business card pa lang ay class na. Malamang, bibigyan ka rin no'n ng malaking sahod. Tingnan mo ang kapatid mo, Ronel. Mas may kwenta pa siya kesa sa 'yo kasi waiter ka lang." "Excuse me," inis na sabi ni Ronel at nagpunta sa kanyang kwarto. Pipigilan sana siya ni Linda pero nagsalita muli si Adon, "Wag mo siyang sundan. Kaya tumitigas ang ulo niyan dahil sa 'yo. Tsaka may kasalanan ka pa sa akin, Linda. Sige na, Apple. Matulog ka nang maaga at baka tawagan ka pa ng future son-in-law ko na iyon para pagsimulain ka na bukas." "Pa, naman. Basta, sorry if pinag-alala ko pa kayo. Ito nga pala ang pera." Nagulat ang dalawa matapos ibigay ni Apple ang malaking halaga ng pera. "Anak, sure ka bang walang nangyari sa inyo ni Argel?" Nagdududa pa rin ni Linda kaya naman ay nainis si Adon at sinigawan ang asawa, "Bakit ba gusto mo talagang may nangyari sa kanila? Halika na at dalhin mo na ako sa kwarto natin. Matulog na tayo. Puro ka satsat." LUMIPAS ang dalawang linggo saka naisipan ni Apple na dumalo sa kumpanya ni Argel upang mamasukan. Kakatapos ng kanyang semester at tamang-tama rin na ang ginamit niyang tuition fee na pambayad ay ang bigay sa kanya ni Argel. Puno siya ng kaba habang nag-aayos. Pilit niyang tiningnan ang sarili sa salamin. May labis na panghihinayang kung paano niya haharapan ang babaeng papakasalan ng taong may nangyari sa kanila sa kama. "Oh, anak. Okay na 'yan. Maganda na yan! Bakit kailangan mo pang mag-lipstick? Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa Argel na 'yon?" tanong ng kanyang ina matapos ito magpakita bigla sa kanyang likuran. "Ma, naman! Kung makapanggulat naman kayo! Basta, kaibigan lang talaga." "Talaga lang, ha? Kilala ko ang mga ngiting yan. Alalahanin mo na ikakasal na siya—sabi mo. Kung mahal mo, habang mas maaga ay sulotin mo na." Natawa naman si Apple nang malakas sa sinabi nito kaya hinalikan na lang niya ito sa pisngi upang magpaalam na. HINDI maalis-alis ang mga ngiting hindi napapagod habang nasa dyip siya kasabay ng kaba at galak na muli niyang makita ang lalake. Pagkarating sa harap ng building na may 50-storey ang taas ay parang nakatingala na siya sa langit. "Wow! Ang hirap mo nang ma-reach. Akala ko magkapantay lang ang properties natin. s**t! Kaya ko 'to. Inhale, exhale," aniya saka siya pumasok sa silver revolver door. Pagkarating sa receptionist ay nagtanong siya agad kung nasaan si Argel. "Excuse me, ma'am, bawal po talaga na makausap ang anak ng may-ari ng kumpanya. Dapat po ay naka-schedule ang meeting. Hindi po basta-basta pwede pumasok," anas ng receptionist sa kanya. "Bakit ba ang kulit ninyo? Eto nga, oh!" Hindi nakapagpigil si Apple at hinalughog sa bag ang business card saka ipinakita sa receptionist. "Ayan! Tingnan mo! Binigay niya sa akin iyan dahil kukunin ako bilang receptionist." Tumaas naman ang kilay ng receptionist at nagmaldita. "You mean, papalitan mo ang puwesto ko? Sorry pero matagal na ako rito. Imposible 'yang sinasabi mo. Ano ka, sinusuwerte? Sa dinami-dami ng pumasok sa building na 'to para kausapin isa man lang sa Pamilya Pulmano ay hindi talaga napagbigyan. Ako ang may hawak kung papayagan kita makipagkita sa kanila o hindi. Shoo! Umalis ka na. Kahit umiyak ka pa dyan ng dugo ay panaginip na lang kung siputin ka ni isa sa kanila." "Excuse me. Anong kagulohan ito?" Sumingit sa kanila ang isang gwapong lalake na medyo kamukha ni Argel. Dikit na dikit ang buhok nito dahil sa naka-gel ito at nakasuot ng magarang suit and tie at salamin. "Sorry po, sir. May gusto o namimilit pong pumasok. Kaibigan daw ng kapatid ninyo. Kanina pa siya. Ang kulit-kulit. Paalisin ko na ba siya, sir? Gaya ng iba?" "Kapatid?" Napalingon naman si Apple sa matangkad na lalake. Nakapamulsa lang ito sabay lumapit sa dalaga kaya napatingala na lang siya lalo sa kanya. "Why are you looking for my brother?" "Kasi nangako siya na bibigyan niya ako ng trabaho. Eto nga po iyong business card na ibinigay niya sa akin, eh. Tinawagan ko pero wala namang sumasagot." Napangisi naman ito at nagtanong, "Where do you guys meet?" Hindi naman makasagot si Apple. "Okay, you're in. Let her in. Samahan na kita sa waiting room ng 50th floor." "Ho? Bakit doon? Ang taas naman yata ng kinaroroonan ng waiting room ninyo, sir?" pagtataka ni Apple. "We'll use the elevator. Don't worry. Sabi mo kasi gusto mo siyang makita. Ano ba talaga?" Napalunok na lang si Apple at sumama na lang sa estranghero na kapatid ni Argel para hindi mapahiya. HABANG nasa elevator sila ay nagpakilala ito, "Anyway, I'm Denis. Kuya ni Argel. I am the CCO of this company or parang Vice President. Wala pa siyang position sa kumpanya dahil nag-aaral pa siya. Bale, inalok ka talaga niya?" "Opo, sabi niya sa akin ay gagawin daw niya akong Receptionist." "Well, that means mahalaga ka sa kanya. Alam mo ba na lulusot ka muna sa butas ng karayom bago ka maging parte ng aming business? Don't tell me . . . babae ka niya? Kasi kapag nakatapos si Argel ng pag-aaral ay ikakasal na siya." "Kababata lang po niya ako at humingi ng pangangailangan." "Alright. Oh, andito na pala tayo sa pinakatuktok. Tara, shall we go?" Itinaas ng binata ang kanyang braso sa bagong kakilala. Dahil ayaw naman siyang mapahiya ni Apple ay humawak na lang ito sa kanyang braso at sumunod sa kung saan siya nito dadalhin. Pumunta sila sa pinakatuktok ng pabilog na maliit na terrace ng 50-storey building ng mga Pulmano. Nagulat si Apple nang biglang may dumaan na isang light aircraft sa taas nila kaya napatingala siya at medyo nabingi sa ingay nito. "Oh, ayan na ang hinahanap mo." "Alin?" pagtataka ni Apple nang biglang bumalik ang light aircraft sa direction nila. "Si Argel 'yan. He's under Aviation Academy Training today. Nasa loob siya niyang maliit na eroplanong iyan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD