NAKATATLONG lalake na ang dumating doon sa Private Lounge na kinaroroonan ni Apple pero wala pa ring pumipili sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ang babata ng mga lalake. Parang kaedad lang niya ang mga ito at puro din may mga itsura. Hindi din niya alam kung magpapasalamat siya sa itaas dahil sa hindi pa rin siya napili at parang gusto na niyang umatras sa plano nang biglang bumalik sa kanila ang bugaw nilang si Ivanah kasama ang isang binatilyo.
Parang ito iyong pinakagwapo sa lahat ng mga lalakeng dumating at parang na-magnet nito ang lahat ng mga mata ng babae sa kinatatayuan nito. Pakiramdam ni Apple ay na-love at first sight siya sa lalakeng ito o na star-struck.
Nakakapit naman sa baywang nito ang bugaw niyang si Ivanah at panay may ibinubulong sa binata. Hanggang sa nagsimula na mag anunsyo. “Girls, itong ikaapat na ‘to ang siyang huling pipili ng iuuwi niya.”
“Mamang, bakit naman gano’n? Ang unfair ninyo. Pinapunta mo kaming lahat dito, eh, apat na lalake lang pala ang dadating? Sana ‘di niyo na kami pinatawag pa. Hay nako!” singit na ‘di pagsang-ayon ng isang bayaring babae pagkatapos nito marinig ang anunsyo ni Ivanah.
“Tse! Tumigil ka. Buti nga ipinatawag kita. Sorry if ‘di ka nila napili. Panget mo kasi. Kung makareklamo ‘to! Oh, siya! Mister Argel, it’s your turn na, baby boy, to choose.”
Nagulat naman si Apple sa pangalan nito dahil huli niyang narinig ang pangalan na iyon ay doon sa kababata niya noon na ang pangalan ay Argel.
Habang iniikot ng binata ang mata niya ay panay bulong naman ni Ivanah, hanggang sa ang mata nito ay dumako na kay Apple, sabay turo. “Siya, siya ang pipiliin ko.”
Muling naging tambol ang puso ni Apple, ngunit iyong mga kasamahan niya ay nainis at nadismaya sa ‘di sa kanila pagpili.
Paglisan ng lalake ay agad tumakbo si Ivanah palapit kay Apple at bumulong, “Bilisan mo na. Ihanda mo na sarili mo. Hugasan mo na ang pekpek mo at i-check mo ang bibig mo if mabango pati armpit. Punta ka sa hotel number 113. Andyan siya. Galingan mo, ha? Bayad niya is 15K.”
“Pero Tito Ivanah, pwede mo ba akong samahan? Ang laki kasi ng hotel na ‘to. Aminado naman ako na naging mayaman kami pero masyado itong malaki na baka maligaw pa ako,” ani Apple.
“Sinasabi ko na nga ba! Ang daya niyo talaga mamang!” reklamo ng isang babaeng bayaran matapos marinig ang favoritism nilang bugaw.
“Hoy! Bruha, bibinyagan ito. First time nito kaya pagbigyan niyo na. Ilang beses na kayong nakakayod tapos reklamo pa kayo nang reklamo na hindi kayo napili. Magsiuwian nga kayong mga pokpok kayo!” pasigaw namang sagot ni Ivanah sa kanila kaya natawa nang kaunti si Apple sa paratang nito sa kanila.
“Kyut kasi no’ng huli. Sana pinaubaya mo na lang sa amin.”
“Iyang tinggil mo, Rosalinda, pakalmahin mo. Layas na. Basta, Apple, hija. Kabilin-bilinan sa akin ng mama mo na hintayin kita rito. Napanood mo na ba iyong mga bold movies na binigay daw sa ‘yo ni Honey?”
“Hindi po.”
“Letse naman. Bakit ‘di mo pinanood?”
“Bahala na lang po si God para sa akin.”
Napabungisngis na lang ang bakla sa sagot ng dalaga kaya dali-dali niya itong sinamahan sa elevator papunta sa room 113 dahil sobra na ring natataranta at kinakabahan si Apple.
PAGKARATING nila sa harapan ng pinto ng room 113 ay may nakakabit pang ‘do not disturb’ sa door knob. ‘Di napigilan ni Apple na maluha.
“Omg! Ghorl, ‘wag kang umiyak. Tahan na, kaya mo ‘yan. ‘Di ba sabi mo, para sa gamot ng papa mo?” malungkot na hayag ni Ivanah sa alaga.
“Pasensya na po. ‘Di ko lang mapigilan maluha dahil sa emosyon ko. Hindi ko kasi alam bakit ganito si Lord na itinambak iyong pagsubok sa aming pamilya. Lalong-lalo na sa akin.”
Kahit napakasakit ng desisyon na iyon ay pilit pa rin lumalaban si Apple. Ayaw din niyang mapahiya ang mama niya sa mga kaibigan nito. Nakita kasi niya kung paano rin gawin ni Ivanah ang lahat basta lang siya ang piliin ng galanteng binatilyong huling namili.
“Huwag kang mag-alala, Apple. Sa itsura kasi ng first client mo ay parang magkaedad lang kayo. Meaning no’n ay hindi pa siya experienced. Madami na kaya akong nakakasalamuha na barasubas o sadista na customer ng mga binubugaw ko? Mukha namang mabait ang first client mo. Tawagan mo lang ako if may hindi siya magandang ginawang sa ‘yo. Aatakehin ko talaga ‘yan.”
Pagbukas ng pinto at pagpasok ni Apple sa loob ng kwarto ay napakamagarbo nito. For VIP talaga. Naabutan niyang nakabukas ang TV na may malaswang palabas kaya pinatay niya ito agad dahil sa ayaw niya itong makita. Ayaw niyang makakita ng binababoy na babae kasi nasa isipan niya na ito na ang huling gagawin niya. Napakalamig din ng aircon na siyang dumadampi sa kanyang hubad na balat. Hindi siya sanay magsuot ng ganoon ka-iksi kaya nanginginig siya sa ginaw.
Suot-suot pa rin niya ang kanyang masquerade. Nagtataka siya kung bakit wala pa rin ang lalake kaya napaupo na lang siya sa kama at nagulat dahil kulang na lang ay malubog ang kanyang pwetan sa sobrang lambot niyon. Gusto man niyang tumalon doon para sukatin ang lambot nito na sa isipan niya ay parang trampoline ay ‘di niya nagawa. May halo kasi iyong tubig—waterbed kasi.
Napatayo siya upang tingnan ang nasa table. May beer doon. Agad niya itong binuksan at tinungga kahit napakapait nito sa kanyang lalamunan. First time niyang makainom noon kaya pakiramdam niya ay maisusuka niya iyon pero pinilit pa rin niya iyon lunukin upang magkaroon ng tapang sa sarili sa susunod na gagawin.
Hanggang sa napatingin siya sa de salamin na bintana. Nasa pinaka-tuktok sila ng 30-storey na 5 star hotel building—ganoon kagara. Dahil nakikita niya sa malayo ang mga pokpok na yakap-yakap ng mga kano ay parang nadidiri na siya sa kanyang sarili na pasukin ang ganitong trabaho. Ang maging puta in the future.
Nagulat siya nang kumalikot ang door knob ng banyo kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kama sabay umupo at itinungo ang ulo sabay nag-cross-legs kahit hindi siya komportable sa ganoong pag-upo.
Bawat footprints ng kanyang client na palapit nang palapit sa kanya ay gano’n ‘din kabilis ang pagtibok ng kanyang puso. May halo pang pagsisisi na hindi niya nadala ang kanyang panaksak kung sakali na may gawin sa kanyang ‘di kanais-nais ang lalake.
“Oh, ano pa ang inuupo-upo mo riyan. Maligo ka na.”
Parang echo ang boses ng lalake na nagsalita. Malalim ito na medyo paos. Sa sobrang nerbyos ni Apple ay bigla siyang napatayo at pagtalikod niya upang takbuhin ang banyo ay nauntog siya sa matitigas at basang dibdib ng binata.
Napatingala ito sa katangkaran ng lalake. Napakagwapo nito. Wet look pa dahil kakaligo lang. matigas ang dibdib at nagbubukulan ang braso at ang tiyan dahil sa 6-pack abs nito. Napakamatipuno ng hubog ng katawan nito sa mata niya na tila nagtatrabahong model dahil maskulado, mabango at ni kaunting peklat ay wala kang makikita.
“Sorry, po. Eto na po at maliligo na, ho.” Napatakbo sa takot si Apple patungo sa banyo pagkatapos nitong humingi ng tawad sa lalake. Natawa naman ang lalake sa kinikilos nito na parang takot na takot na natataranta na hindi maintindihan.
Makalipas ang 30 minuto ay saka pa lamang lumabas si Apple sa banyo na nakatapis lang at suot suot pa rin ang masquerade dahil ayaw niya na makilala siya ng sino man. Lalo na’t hindi pa siya tumitigil mag-aral sa kolehiyo.
Nakita niya ang lalake na nakatayo sa harapan ng de-glass na bintana na parang malalim din ang iniisip habang umiinom ng alak sa baso nitong kopita.
Dahan-dahang lumapit si Apple sa kama na ‘di pa rin mawalan ng kaba ang dibdib, saka siya humiga at inalis nang mabilisan ang tapis at tinakpan ng puting kumot ang dibdib at katawan. Kahit naninigas na sa lamig ang kanyang katawan ay binabalutan siya ng pawis na malamig dala pa rin ng takot sa kung ano gagawin sa kanya ng binata.
Mas lalong nanubig ang kanyang mga mata nang ibinaba ng lalake ang kanyang kopita matapos humarap sa kanya sabay nagtanong, “Kanina ka pa ba riyan?”
“Ngayon lang po,” sagot naman ni Apple habang halata sa kanyang boses kung gaano siya nanginginig dahil sa garalgal ito.
Dahan-dahan sa kanyang lumapit ang binata saka inalis ang kanyang tapis kaya napapikit si Apple sa mga bagay na hindi niya pa kayang makita. Hindi lang ito nahalata ng lalake dahil natatakpan ng kanyang masquerade ang piraso ng kanyang mata.
Saka ito humiga din sa kama katabi siya at naki-share ng puting kumot sabay nagsalita, “Ano pa ang hinihintay mo? Patungan mo na ako.”
Hindi alam ni Apple ang kanyang mga susunod na gagawin kaya sumunod na lang siya. Ngunit pagkaupo niya sa binata ay kinuha niya ang puting unan upang takpan ang kanyang dibdib. Ramdam din niya ang may katigasang bagay na naupuan niya.
“What the f**k! Alisin mo ‘yan!” Hindi napigilan ng lalake at inagaw ang unan hanggang nagulat ito at hindi makapagsalita matapos nitong makita ang dibdib niya.
Pareho silang tikom ang bibig—aircon lang ang umiingay. Halos pareho silang walang lumalabas na salita sa kanilang bibig. Parang nahinto ang orasan at naging estatwa sila sa kanilang ginagalawan. Hindi din maintindihan ni Apple bakit ganoon ang reaksyon ng kaniyang unang kliyente. Hanggang sa ‘di na rin niya kinaya. Hindi na napigilan ni Apple at siya na ang unang bumasag ng katahimikan nilang dalawa matapos sunod-sunod pumatak ang kanyang mga luha sa ilalim ng kanyang masquerade. “Sorry po, sir. Pero virgin pa po ako.”