Episode 51

1129 Words

Chapter 51 ALVIRA Natutuwa ako kapag sinasabi ni Angela iyon sa akin. Mabuti pa siya, gustong-gusto ako para sa kapatid niya, subalit ang kapatid niya pinagtutulakan naman ako palayo noon. “Ano ba ang ginagawa ng Kuya mo ngayon?’’ tanong ko kay Angela.” Suminsim siya ng alak at nalukot pa ang kaniyang magandang mukha nang matikman ang lasa ng alak. “Busy iyon sa hospital niya. Pinuntahan ko nga siya noong nakaraan para e-skitch niya na ang resort na gagawin ko sa Tagaytay, subalit lagi siyang busy sa mga pasyente niya. Nakakainis talaga iyon si Kuya. Magiging matandang binata na lang siguro iyon. Naiisip ko nga na baka bakla si Kuya. Kasi ang ganda mo naman at ang sexy, pero bakit hindi ka niya magustuhan?’’ pairap pa na sabi ni Angela sa akin. Ininom ko ang alak na nasa kopita ko. Gum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD